519 Paano siya naging ordinaryong tao?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nung una, galit pa ang itsura ni Si Ye Han, pero nalungkot siya nang marinig niya ang mga reklamo ni Ye Wan Wan. "Saan ang masakit?"

Napansin kasi ni Ye Wan Wan na mainit na naman ang ulo ni Si Ye Han kaya sinadya niyang umarte ng parang kawawang bata. Dahil gumana ang kanyang pag-arte, mabilis niyang naisip na lumapit kay Si Ye Han. "Sa lahat! Masakit lahat! Ang sakit ng mga kalamnan ko! Parang winarak ang mga buto ko at binalik lang ulit, pero masakit pa rin! At saka dito… may sugat din ako dito…"

Tinaas ni Ye Wan Wan ang kanyang daliri. May naka-angat na balat sa paligid ng kanyang kuko.

Totoo nga na… malaki at malalim na sugat ito...

Naramdaman ng lahat ng binugbog hanggang sa tumuklap ang balat nila, lahat ng dumugo ang ilong at kahit ang mga maga na mukha ang paghihirap sa kanilang mga puso...

"Xu Yi, kunin mo ang first aid kit," sabi ni Si Ye Han.

Mabilis na tumayo si Xu Yi at dinala ang first aid kit kay Si Ye Han.

Hinawakan ni Si Ye Han ang daliri ni Ye Wan Wan at nilagyan niya pinunasan niya ito para mawala ang mga mikrobyo sabay binalutan ng bandage.

At may isa pang request sa kanya si Ye Wan Wan, "Ayoko nito, Ayoko! Gusto ko ng magandang ribbon!"

Tiningnan siya ng masama ni Si Ye Han na ilalala na sana ang gasa sa kanyang daliri. Ngunit matapos ang ilang saglit, gumawa siya ng ribbon nang itinali niya ang gasa.

"..." Ang reaksyon ng lahat ng kawawa at sugatan na mga bata sa oras na iyon.

Tinitigan ni Si Ye Han ang sugatang siko ni Ye Wan Wan at tila nandilim ang kanyang itsura.

Natandaan ni Ye Wan Wan ang kasunduan nila na bawal mapinsala ang kanyang katawan. Hindi na niya tinangka pang gumawa ng kahit anong malala kaya sinabi niya, "Siguro nalaglag lang ako nung tipsy ako. Wala ito, wala. Hipan mo na lang para gumaling agad!"

Seryoso si Si Ye Han nang sabihan niya si Ye Wan Wan habang nakatingin sa siko ng babae, "Matagal ka na kasing hindi nag-eexercise. Sumila ngayong araw, may uutusan akong tao na magtuturo sayo ng mga basic skills. Dapat araw-araw kang magsasanay para dito."

Humarap si Si Ye Han kay Eleven. "Eleven."

Mabilis na pumunta si Eleven kay Si Ye Han at sinabi, "Po!"

Si Ye Han: "Simula ngayon, ikaw na ang magiging trainer ni Ye Wan Wan."

"A… ano…" nabigla si Eleven sa sinabi ni Si Ye Han. Akala niya ay guniguni lang ang narinig niya habang nakatitig siya sa kanyang master.

Naging masama ang tingin ni Si Ye Han sa kanya. "May problema ka ba sa sinabi ko?"

Oo, may problema ako sa sinabi mo!

Malaking problema ito master, okay?

Paano ko matuturuan si Miss Wan Wan?! Parang inutusan mo lang ako na maging human punching bag niya!

"Wa… walang problema!" Nilalakas na lang ni Eleven ang loob niya para sagutin ang kanyang master.

Sa totoo lang, hindi dapat ako ang naatasan sa gawaing ito. Dapat si Liu Ying ang inutusan ni master na maging trainer ni Miss Wan Wan at hindi ako...

Para tuloy akong… hay...

Malaking pagkakamali ito para kay Liu Ying...

Dapat sinunod niya pa rin ang utos ni master at hindi niya sana ito sinuway kahit kinamumuhian niya si Ye Wan Wan.

Nagpadala siya sa emosyon habang ginagawa niya lang naman dapat ang trabaho niya.

Isang ayaw na gawain ni Ye Wan Wan ang mag-ehersisyo, pero dahil nagplano na si Si Ye Han at kung iisipin ang insidente kagabi, naramdaman niya kailangan niya nang magsanay. Para maprotektahan niya na rin ang sarili niya kung mangyari man ulit ito sa hinaharap.

Kaya sinabi ni Ye Wan Wan, "Sige… Eleven, kailangan ko ang kasanayan mo para turuan ako sa mga masamang mangyayari! Turuan mo ako ng pang depensa na mga stratehiya!"

Pilit na ngumiti si Eleven at ang resulta ay nakakasuklam. "Si… sige…"

Hindi ba't dapat si Eleven ang tuturuang dumepensa sa saril?

Lahat ng atensyon ng mga guwardiya ay napunta sa babaeng bumalik na sa maselan at magandang sarili niya, makikita sa kanilang mga mukha ang pagkalito sa mga nangyayari.

Mukhang nakalimutan ni Ye Wan Wan ang lahat ng nangyari pagkatapos mawala ng tama ng alak sa kanya...

Kapag nalalasing siya ay sinasapian siya ng dakilang mamamatay tao at nagiging mahusay siyang makipaglaban?

Napakababaw nilang mag-isip - hindi magkakagusto si master sa isang simpleng babae lamang.

avataravatar
Next chapter