521 Paano siya mananalo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Song Jing ay dadalhin sa Prosecution hall para latiguhin ang kanyang katawan habang si Liu Ying ay tatanggalan ng titulong kapitan ng sambahayang Si. Ito ang kahihinatnan ang parusa sa kanilang dalawa.

Umalis si Si Ye Han at halos walang hangin na dumaloy sa salas nang umalis siya.

Napa-ubo si Eleven habang hawak niya ang singsing. Magsasalita sana siya nang biglang seryoso na sumagot si Liu Ying sa kanya: "'Wag ka masyadong matuwa diyan; Makukuha ko rin agad 'yan!"

Tumalikod at umalis si Liu Ying pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Tiningnan rin ni Song Jing si Eleven sabay dali-dali siyang humabol kay Liu Ying na papaalis na.

Walang nagawa si Eleven kundi manahimik ay tumayo na lamang sa iisang pwesto nang marinig niya ang babala sa kanya ni Liu Ying.

Habang ang mga guwardiya ay iritableng sumabad, "Napaka-arogante naman ng lalaking 'yan!"

"Anong pinapalabas niya? Mali siya kaya tinanggal sa kanya ang pagiging kapitan; hindi naman ang lider naging ang nagtanggal ng trabaho niya, 'di ba?"

Bumuntong hininga si Eleven. "Hayaan niyo na. Tama siya na hindi ako batak para sa trabahong ito."

Maayos rin naman ang kakayahang makipaglaban ni Eleven ngunit, hindi niya pa natatalo si Liu Ying noon sa posisyon ng kapitan.

Binigay lamang sa kanya ang posisyon na ito dahil may ginawang kahangalan si Liu Ying.

Ilang buwan na lang at papalapit na ang assessment ng magiging punong kapitan - paano niya matatalo si Liu Ying kung kakaunti ang panahon na natitira para makapag-sanay siya?

Siguro, hindi siya tatagal sa posisyon na ito...

...

Sapilitan na pinainom si Ye Wan Wan ng dalawang malaking bowl ng sabaw para mawala ang tama ng alak sa kanya bago siya pinayagang umalis ng bahay.

Niyaya niya si Jiang Yan Ran at Chu Feng na makipagkita sa kanya.

Bago siya umalis, dinala niya ang mga autographed album ni Han Xian Yu.

Abala si Ye Wan Wan noon kaya nawalan siya ng pagkakataon na ibigay ito kay Jiang Yan Ran.

Noon, sinabi niya kay Han Xian Yu na iniidolo siya ng kaibigan niya kaya binigyan siya ni Han Xian Yu ng sampung albums na may pirma ng lalaki.

Siguro kapag… may ginawa si Chu Feng na ikalulungkot ni Jiang Yan Ran...

Mapapasaya siguro siya kahit papaano ng idolo niya...

Gayunpaman, ramdam pa rin ni Ye Wan Wan na baka may hindi pagkakaunawaan sa dalawa...

Sa isang restaurant malapit sa University City, balisang nakaupo sa harap ni Ye Wan Wan sa Jiang Yan Ran.

"Yan Ran, may nangyari ba sayo kagabi sa bar?" Alalang sinabi ni Ye Wan Wan.

Umiling si Jiang Yan Ran. "Masyadong marami ang nainom ko at natatandaan ko lang na pumunta ka doon para pauwiin ako… ano bang nangyari? Hindi ba ikaw ang nag-uwi sakin nung kinagabihan?"

Lasing si Jiang Yan Ran nung oras na iyon at hindi niya rin alam ang nangyari pagkatapos ng natandaan niya.

Nalugod si Ye Wan Wan nang malaman niya ito. Hindi niya binanggit ang insidente noong binastos sila ng isang grupo ng mga lalaki. "Wala naman. Ako nga yung nag-uwi sayo nung gabing yun."

Sumimangot si Ye Wan Wan at tiningnan niya ang oras sa kanyang phone. "Bakit wala pa dito si Chu Feng?"

Hindi kaya't nagsisisi na talaga siya kaya ayaw na niyang pumunta dito?

Kumpara sa reaksyon ni Jiang Yan Ran kagabi, mas kalmado siya ngayon at mukhang handa na siya kung may mangyari mang masama sa oras na iyon.

Halos kalahating oras silang naghintay bago makarating si Chu Feng.

Naghahabol ng hininga si Chu Feng nang tumakbo siya papasok ng restaurant, makikita ang kaunting pawis sa kanyang noo.

"Pasensya na, Yan Ran! Pasensya at na-late ako!" Nanghingi ng tawad si Chu Feng habang sinusubukan niyang huminga ng maayos.

"Saan ka nanggaling? Bakit ang tagal mong makarating dito?" Sumuri ni Ye Wan Wan habang ang nagmamasid siya kay Chu Feng.

Para bang may iniiwasan si Chu Feng. "Uh, wala… wala… na-traffic lang…"

Naging seryoso ang tingin ni Ye Wan Wan sa kanya. "Sinasabi mo sa akin ngayon na may traffic sa kalsada ng ganitong oras?"

Tahimik lamang nakaupo si Jiang Yan Ran sa isang upuan at wala siyang sinasabi.

"O-o-oo… Oo… kasi may aksidente kanina doon sa harapan…" nabulol si Chu Feng.

Hindi na nag atubili pa si Ye Wan Wan dahil halatang nagsisinungaling si Chu Feng. Nilabas ni Ye Wan Wan at pinakira niya kay Chu Feng ang litratong binigay sa kanya ni Jiang Yan Ran. "Kasama mo ang babaeng 'to, noh?"

avataravatar
Next chapter