1017 Paano mapapatunayan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ng marinig ni Han Xian Yu ang pamilyar na boses na lumabas muli sa bibig ng babae, na blanko ang kanyang isip.

"Anong… sinabi mo…"

Ang babae na nasa kanyang harapan ay ginagamit ang boses ni Ye Bai at inaangking… siya si Ye Bai?

Pinisil ni Ye Wan Wan ang espasyo sa pagitan ng kanyang mga kilay, at ginamit niya ang babae niyang boses upang magpaliwanag: "Patawad, Xian Yu. Tinatago ko ang kaning katauhan mula sayo, pati na din… ang aking kasarian. Hindi ako si Ye Bai o isang lalaki, Isa… akong babae…"

Tinitigan ni Han Xian Yu ang babaeng nasa kabila. Matapos lumipasa ng mahabang oras, nabawi na rin niya sa wakas ang kanyang boses. "Miss… ano ba ang sinasabi mo?"

Nagpatuloy si Ye Wan Wan na may pagkaseryoso sa kanyang mukha. "Alam ko na mahirap itong paniwalaan, pero ito ang totoo. Hindi ako niloloko ni Ninth Si. Ang taong gusto niya ay tanging ako lang."

"Ako si Ye Bai. Ang babaeng nakita mo sa theather ay ako din. Nung oras na iyon, hinalikan niya ako upang takpan ako dahil sa natakot ako at baka makilala mo ako matapos mo akong makita…"

"Ikaw… si Ye Bai.." hinawakan ni Han Xian Yu ng mahigpit ang kanyang ulo, na nasa punto ng naguguluhan. "Imposible… paanong nangyari ito…"

Ng biglang sabihin ng isang tao sa magandang babae na nasa kanyang harapan ay kanyang mabait na kapatid, hindi niya agad matanggap ito kahit na gaano pa siya kalakas mentally.

Natural na naintindihan ito ni Ye Wan Wan.

Ng biglang maging babae ang iyong kapatid na lalaki, kahit sinong baliw na tao ay magugulat.

Sandaling nag-isip si Ye Wan Wan at naglabas ng isang litrato mula sa kanyang purse.

Tinulak niya ang litrato patungo kay Han Xian Yu. "Ito ang pirmadong mong litrato. Kinuha ko ito mula sayo nung umaga at hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na ibigay ito sa aking kaibigan. Ito ay iyong pirma; dapat kilala mo ito."

Kinuha ni Han Xian Yu ang pirmadong litrato. Ito nga talaga ang litrato na kinuha sa kanya ni Ye Bai nung umagang iyon...

"Sa ibabaw nito, kaya kong patunayan na ako si Ye Bai kung gayun ang gusto mo sakin," dagdag pa ni Ye Wan Wan.

Gulong-gulo ang isip ni Han Xian Yu. Hindi niya magawang makapag-isip...

Paano patunayan na siya si Ye Bai?

Ilang sandali ang lumipas, kumalma na sa wakas si Ye Bai at tumingin sa babaeng nasa kanyang harapan. "Sige… kung gayon magtatanong ako sayo…"

"Sige." Tumango si Ye Wan Wan.

Pinag-isipan ni Han Xian Yu ang kanyang mga salita bago ito sabihin, "noong una… noong unang beses tayo nagkita… nakialam si Ye Bai sa board member meeting ng Worldwide ng walang pirmiso… noon, walang sino man ang naniniwala sa akin at sinukuan na ako na ng lahat ng top executive, ngunit sa wakas ay dumating siya… ano ang ipinangako niya?"

Hindi nagbabago ang emosyon ni Ye Wan Wan. "pinapangako ko sayo na bibigyan kita ng katarungan sa loob ng pitong araw."

Sa sandaling bitawan niya ang kanyang mga salita, dumaan ang pagkagulat sa mga mata ni Han Xian Yu.

Pati ngayon, tanging top executives ng Worldwide ay alam ang tungkol sa bagay na ito...

Ilang beses na nag-iba ang itsura ni Han Xian Yu, at nagpatuloy, "matapos ang meeting, sa lobby ng Worldwide Entertainment, sinabi ko sayo ang patungkol sa iyong layunin at rason para tulungan ako, salamat sa paniniwala sa akin. Ano ang sinabi mo sa akin…"

Hindi napagtanto ni Han Xian Yu na napalitan niya kung paano niya tawagin ang babae mula sa "he" hanggang sa "you".

Naalala ni Ye Wan Wan ang insidente, kaya siya ay sumagot, "ang sinabi ko, "walang anuma. Fan mo ang kaibigan ko at talagang gustong-gusto ka niya, ako din'."

Malinaw na naaalala ni Han Xian Yu ang bawat salitang sinabi ni Ye Bai nung araw na iyon. 

Ang mga salitang sinabi ng babaeng ito na nasa kanyang harapan ay gayang-gaya sa mga sinabi ni Ye Bai ng araw na iyon...

avataravatar
Next chapter