1210 Paano kung hindi ko siya pakakawalan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos niyang paalisin ang limang miyembro ng mercenary group, walang nagawa si Ye Wan Wan kundi buksan ang pintuan at papasukin si Nameless Nie at ang grupo niya.

Malumanay na nagsalita si Ye Wan Wan, "Maupo kayo."

Bigla siyang tinawag ni Nameless Nie, "Sister…"

"Wala dito si Tang Tang, hindi mo na ako kailangang tawagin na 'Sister'." Umupo si Ye Wan Wan sa sofa at si Nameless Nie naman ay nakaupo sa harapan niya. Ang apat naman ay naghihintay lamang sa gilid.

Biglang umubo si Nameless Nie. "Okay okay okay, Famous Ye…"

Ayaw silang makita at makausap ni Ye Wan Wan, pero paparating na kasi si Tang Tang at si Si Ye Han.

Kaya pinayagan niya silang pumasok sa loob.

"Bakit bigla mong kinukuha si Tang Tang sa akin?" Huminto muna si Ye Wan Wan bago siya magtanong, "May emergency ba na nangyari sa bahay niyo? O… nakita mo na ang… mga magulang ni Tang Tang?"

Sumagot si Nameless Nie, "Hindi pa nahahanap ang masahol na lalaki, pero nahanap na ang kapatid ko."

Tulad ng inaasahan, ang tunay na nanay ni Tang Tang ay nahanap na...

Inaasahan na ni Ye Wan Wan ang sagot na ito ngunit hindi niya pa rin ito matanggap. "Bakit biglaan?"

Nagpaliwanag si Nameless Nie, "Nangako ako noon na mahahanap ko siya sa loob ng tatlong buwan. Nakakuha na ako ng balita noon. Ilang beses na kasi akong nabigo kaya ayaw ko munang tapusin ang paghahanap ko hanggang sa makasiguro ako na totoo ito. Pumunta lang kami dito para kunin si Tang Tang noong nakasiguro kami na nahanap namin ang tamang tao."

Nanahimik lamang si Ye Wan Wan. Bigla niyang naalala ang mga eksena ng mga huling araw na pinagsamahan nila ni Tang Tang...

Tapos biglaan na lamang aalis si Tang Tang sa kanya ng walang pasabi.

Biglaan ito, tulas ng biglang pagdating ni Tang Tang sa kanyang buhay noong una...

Tinawag siya ni Nameless Nie nang mapansin niya na hindi sumasagot si Ye Wan Wan sa kanya, "Sister Famous Ye?"

Umangat ang tingin ni Ye Wan Wan para tingnan si Nameless Nie. "Nagtitiwala ba kayo ng sobra sa akin?"

Hindi siya naintindihan ni Nameless Nie. "Huh?"

Nawalan ng pakiramdam ang itsura ni Ye Wan Wan, "Paano kung kinuha ko siya at hindi ko siya ibibigay sa iyo?"

Sabik na sumagot ang Deboto at hindi niya na hinintay si Nameless Nie na makasagot, "Boss Famous, ang kaluluwa mo na may katapangan para paalisin ang lupon ng kadiliman sa mundong ito ay nakakabagbag damdamin at walang takot!"

Sumabad naman si Spray of Flowers, "Ikaw na ang ituturing namin na tagapagligtas ng buhay namin simula ngayong araw na ito hanggang sa mamatay kami!"

Ye Wanwan: "…"

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo at naghihikahos niyang inirapan silanh lahat bago sila magtanong, "Nakatira ba kayo sa malapit lang sa Northern Europe?"

Napaisip muna si Nameless Nie. "Oo, parang ganoon na nga…"

Anong "parang ganoon na nga" ang sinasabi mo?

Biglang nagtanong si Ye Wan Wan, "Okay lang ba kung… bibisitahin ko sa hinarap si Tang Tang?"

Nang marinig niya iyon, biglang naguluhan ang damdamin ni Nameless Nie at nakipagtinginan siya sa mga tao na nasa likuran niya, na mukhang hindi rin maayos ang itsura.

Sumagot si Nameless Nie, "Siyempre sa mga normal na pagkakataon… pwede ka bumisita… pero kasi… medyo espesyal ang lokasyon namin… hindi pwedeng makapasok ang mga hindi tiga doon…"

avataravatar
Next chapter