1123 Paalabin ang aking puso

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa oras na ito, sa loob ng isang nakareserbang kwarto sa isang bar sa may Imperial City.

"Cheers! Ang unang glass ay para sa matagumpay na pagtatapos ng ating pelikula!"

"Para sa akin ang pangalawang glass, ako ang susunod na uupo sa trono ng Best Actor! Cheers!"

Ngayong gabi, naging masigla si Gong Xu at sa isang saglit, mag-isa niyang inubos ang isang malaking bote ng wine.

Hindi pa sapat na mag-isa siyang umiinom, kinailangan niyang pang-idawit si Ye Wan Wan sa pag-inom niya.

Nakasimangot silang inoobserbahan ni Han Xian Yu sa isang gilid. Lumapit siya na may hawak na isang glass ng wine. "Gong Xu, tama na 'yan. Sasamahan na lang kitang uminom."

"Hindi, hindi, gusto ko na si brother Ye ang kasama kong uminom!"

Pagkasabi nito ni Gong Xu, bigla siyang sumugod kay Ye Wan Wan. "Brother Ye, pwede ba kitang tanungin?"

"Ano ang gusto mong tanungin?" Inikot ni Ye Wan Wan ang glass ng wine habang tinitingnan niya si Gong Xu.

Kahit na kakaunti lang ang nainom ni Ye Wan Wan, dahil sa madilim na lighting, naaakit ang mga tao sa nakakaakit niyang mga mata at halos gusto nilang lumapit sa kanya.

Hindi alam ni Gong Xu kung bakit namumula siya habang inoobserbahan niya lalo si Ye Wan Wan.

Ye Wan Wan: "Magsalita ka!"

Hindi pa bumalik si Gong Xu sa katotohanan kung hindi pa siya kakausapin ni Ye Wan Wan, kaya lasing niyang sinabi, "Brother Ye, may… may lighter ka ba?"

Hindi naninigarilyo si Ye Wan Wan kaya natural lang na wala siyang lighter. Kaya sumagot siya, "Wala!"

Bumulong si Gong Xu, "Kalokohan! Paano mo pala pinaalab ang puso ko?"

Nabwisit sa kanya si Ye Wan Wan: "..."

Han Xianyu: "…"

Luo Chen: "…"

"Brother Ye, may makapangyarihan akong abilidad, nakakamangha ang makapangyarihan kong abilidad! Alam mo ba kung ano iyon?" Tanong ni Gong Xu.

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan. "Ano iyon?"

Gong Xu: "Super… super duper kitang gusto!"

Ang bawat isang nandoon pati na rin si Ye Wan Wan: "..."

Patuloy na nakatitig si Gong Xu kay Ye Wan Wan. "Isa na lang, Brother Ye! Huling katanungan na! Alam mo ba kung ano ang gusto kong pagkain?"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan. "Lahat naman kinakain mo eh!"

Gong Xu: "Hindi totoo 'yan! Gusto ko kapag… tinititigan kita ng may kasamang kilig pa…"

Ang lalaking ito… bobong lasing yata ito! Nilalandi niya ako na parang babae...

Nagtatawanan ang lahat habang pinapanood ng mga tao si Gong Xu.

Sa isang gilid, hindi napigilang matawa ni Fei Yang at bigla niyang kinausap si Han Xian Yu na nakaupo sa tabi niya, "Ang brat na ito na si Gong Xu. Parang bakla siya!"

Nagkunwaring hindi narinig ni Han Xian Yu ang sinabi ng kanyang manager, sa halip, tumayo siya at lumapit siya kay Gong Xu at Ye Wan Wan.

Ang lokong si Gong Xu, umiika-ikaw siya at ang katawan niya ay dikit na dikit kay Ye Wan Wan.

Isang kamay lamang ang ginamit ni Han Xian Yu upang buhatin si Gong Xu. "Gong Xu, samahan mo akong uminom."

"Brother Xian Yu! Uminom tayo at maglaro!" Ininom ni Gong Xu ang buong glass niya at agad siyang bumalik kay Ye Wan Wan.

Muling pinahinto ni Han Xian Yu si Gong Xu gamit ang kamay niya, makikita na natatakot siya na baka masagi niya si Ye Wan Wan. Pagkatapos ay umupo siya sa gitna ng dalawa upang maghiwalay sila.

Pagkatapos nilang uminom ng ilang glass ni Gong Xu, dahan-dahan na sinabihan ni Han Xian Yu si Ye Wan Wan, "Dahan-dahan lang ang pag-inom mo. Ikaw pa naman ay isang…" babae.

Sa oras na ito, nagulat si Fei Yan na kanina'y inaasar si Gong Xu.

Anong nangyayari...

Bakit parang gusto ni Xian Yu si Ye Bai?

Kahit ang boses niya ay mas malumanay kaysa sa normal na boses na ginagamit niya sa ibang tao...

Magsusumpong na sana si Gong Xu dahil ninakaw ni Han Xian Yi ang pwesto niya, ngunit sa pagkakataon na iyon, nakabalik na galing kubeta si Ye Mu Fan.

avataravatar
Next chapter