358 Ordinaryong lalaki lang siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

*cough* "Master… sor… sorry…"

Kasalanan yun ng paa ko...

Sa parehas na oras nang sinabi ni Ye Wan Wan na ipapakilala niya si Si Ye Han sa magulang niya, hindi mapakali si Xu Yi kaya hindi niya sinadyang matapakan ang accelerator.

Nakaramdam ng malakas na sindak si Xu Yi kaya halos lumabas ang kaluluwa niya sa kanyang katawan. Nanginig siya nang pinulot niya ang nalaglag na phone ni master at inabot niya ito sa kanya.

Tapos, inangat niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang itsura na hindi niya pa nakikita noon… sa mukha ng kanyang master...

Para bang hinarap niya ang kinasusuklaman niyang karibal habang nasa mapanganib na sitwasyon sila.

Pero sigurado naman na walang senyales ng galit ang pinapakita ni master.

Uh, hindi kaya kinakabahan si master dahil makikilala niya ang mga byanan niya?

Tinakwil ni Xu Yi ang walang kwentang mga iniisip niya sa kanyang utak. "cough* "Master, hihintayin pa ba natin si Ye Wan Wan?"

"Bumalik na tayo sa Jin garden."

"Sige po."

...

Natapos na rin ang salu-salo at isa-isang umalis ang lahat ng bisita.

Pilit na nakangiti sila Ye Yiyi at Gu Yue Ze habang nakatayo sila sa pintuan para magpaalam sa mga bisita.

Sa unang buhay ni Ye Wan Wan, pagkatapos ianunsyo ng dalawa ang kanilang engagement, nakatanggap sila ng biyaya galing sa mga bisita, pero ngayon, kakaibang tingin lang ng mga bisita ang natanggap nila.

Naglakad palabas ng lumang bahay si Ye Wan Wan at napansin niya sa may itim na kotse na malapit sa bahay ay mabagal umaalis sa lugar nila. Hindi niya maiwasang matakot dahil sa nakita niya.

Yung kotse… bakit parang pamilyar ito sa akin...

"Anong problema Wan Wan?" Tanong ni Liang Wan Jun.

"Okay lang ako mama." Dumeretso ang ulo ni Ye Wan Wan at hinawakan niya ang kamay ng nanay niya habang sinasabi, "Mama, Papa, uwi na tayo! May nautusan na akong tao para mag impake ng bagahe niyo papunta sa villa!"

Nag-aalalang humarap si Liang Wan Jun kay Ye Wan Wan nang marinig niya iyon, "Wan Wan… naibalik mo na ba talaga ang lumang bahay natin?"

Malumanay na nagsalita si Ye Shao Ting, "Sa pagkakalaam ko, noong ibinenta ang bahay na iyon, si Chu Hong Guang ang bumili ng bahay natin…"

Tumango si Ye Wan Wan. "Tama iyon. Kinuha ko ulit ang bahay natin galing sa kamay ni Chu Hong Guang."

Nagulat si Ye Shao Ting, "Ano? Yung magulang na matandang iyon, paano mo…"

Alam ni Ye Wan Wan na nagaalala ang kanyang magulang kaya pinaalam niya sa kanila ang kasiguraduhan , "Pa, ma, hindi niyo kailangang mag-alala, nakuha ko sa maayos na paraan ang bahay nagin. Sasabihin ko mamaya ang mga detalye."

Nakita ni Liang Wan Jun at Ye Shao Ting na kalmado at hindi nag-aalala ang kanilang anak kaya kumalma na rin sila at tumango.

Nakatayo lamang sa gilid si Ye Mu Fan. Kakaiba pero natandaan niya ang sinabi sa kanya ni Ye Wan Wan sa phone noon: "Ako ang mag-aalaga at mag-po-protekta kay mama at papa sa susunod. Ipaghihiganti ko ang Ye family…"

Sa panahon na iyon, akala ni Ye Mu Fan na nagpapantasya lang at mababaw ang isip o di kaya, bugso lang ng damdamin kaya sinabi iyon ni Ye Wan Wan. Hindi niya inasahan na sa loob lang ng ilang buwan, ginawa ni Ye Wan wan ang mataas niyang mga pinapangarap sa mataas na lebel.

Para bang may biglang dumaan sa isip ni Liang Wan Jun habang nag-da-dalawang isip siyang magsalita, "Wan Wan, alam ba ng boyfriend mo ang sitwasyon ng pamilya natin?"

Tumango si Ye Wan Wan, "Ahm… opo alam niya."

"Okay lang ba sa kanya?" Normal lang na mag-alala si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun dahil sa estado ng kanilang pamilya, ayaw kasi nilang maapektuhan nito ang kaligayahan ng kanilang anak na babae.

Para maipakita ni Ye Wan Wan na walang dapat na ibahala ang pamilya niya, nag-isip-isip si Ye Wan Wan at matatag niyang sinabi, "Papa at mama, 'wag kayong mag-alala. Wala siya sa circle natin, siya ay isang… ordinaryong lalaki lamang, normal na trabahador lang siya, totoo at maalalahanin at hindi rin siya kagwapuhan!"

Naramdaman ni Ye Wan Wan na ang kalokohan na ito ay ang nag-ubos ng pangmatagalang pag gamit ng kapangyarihan niya...

Muling nabigyan ng katiyakan si Ye Shao Ting nang marinig niya ito kaya nalugod siya, "Sige… mas maganda ang normal! Hindi niya kailangang maging mataas o mayaman--kahit ordinaryo ang itsura niya, okay lang sa akin. Basta tinatrato ka niya ng maayos, sapat na iyon!"

Pinakita ni Lian Wan Jun ang kagalakan sa kanyang puso, "Mabilis sumama ang lalaking mayaman at mapanganib rin kapag sobrang gwapo ang lalaki. Nag-aalala lang rin si nanay na baka hindi mo kakayanin ang ganoong uri ng lalaki. Mas maganda nang ganyan ang napili mo!"

Ye Wan Wan: *cough* "En…"

avataravatar
Next chapter