320 Oras na para alamin ang resulta ng pagtuturo niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa opisina ng chairman ng Worldwide Entertainment:

"Hahaha… napakahusay! Hindi ko pinili ang maling tao! Kakaibang talento talaga si Mr. Ye!" natanggap na ni Chu Hong Guang ang balita at lubha siyang nagagalak nang malaman niya ito. Niyaya niya agad si Ye Wan Wan para makapag-usap sila.

Hindi natuwa ang mga empleyado niya dahil walang hirap niyang nilagay si Ye Bai sa importanteng posisyon. Dahil bigla na lang sumikat si Luo Chen, makikita dito na hindi mali ang husga niya kay Ye Bai kaya naman good mood si Chu Hong Guang.

Nagsuot ng mapagpakumbabang mukha si Ye Wan Wan at umakto siya na parang ayaw niyang makatanggap ng kapurihan. "Nangyari ito dahil hindi kumumporme si chairman Chu sa pamantayan at binigyan niya ako ng tsansang patunayan ang sarili ko, kahit pa wala ako masyadong kwalipikasyon o karanasan. Kung hindi nangyari ito, wala pa rin akong kwentang tao."

Nalugod si Chu Hong Guang nang mapakinggan niya si Ye Wan Wan at naramdaman niya na hindi ignorante si Ye Bai, hindi tulad ni Zhou Wen Bin. Lalo siyang nasiyahan sa kanyang sarili.

Dahil doon, mabilis siyang naglabas ng sangkaterbang papeles at maraming keycards at tinulak niya ito papalapit kay Ye Wan Wan. "Maliwanag ang ibig ako kapag sinabi kong bibigyan ko ng gantimpala ang mabait at paparusahan ko ang masama; napakahusay mo Ye Bai, kaya aatasan ko ang finance department na bigyan ka ng bonus sa buwan na ito at uunahin ko nang iabot sa iyo ang bahay na ito. Hindi mo kailangang magmadaling bayaran sa akin ang bahay; take your time!"

Ngumiti si Ye Wan Wan at hindi na siya nahiya, kaya tinanggap niya ang lahat ng ito. "Salamat, chairman Chu."

Itong magulang na matandang ito, hindi niya sinunod ang plano at maaga niyang binigay ang bahay kay Ye Wan Wan para magmukha siyang mapagbigay; kaya kahit ano mang mangyari, hindi siya matatalo.

Pagkatapos niyang magsalita, sinubukan niyang suriin ng mabuti si Ye Wan Wan, "Ye Bai, gaano ka garantisadong makukuha ni Luo Chen ang role ni Lin Luo Chen ng 'Terrifying Dragon'?"

Noon, sobrang sumikat ang "Terrifying Dragon" na kahit ang mga baguhan ang biglang sumikat dahil dito. Pagkatapos nun, dapat sisimulan na nilang mag-film ng pangalawang season pero dahil sa funding issues at iba pang problema ng production team, kinailangan nilang ihinto ito sa kalagitnaan ng produksyon. Sa huli, hindi na sumikat ang mga martial arts na palabas kaya hindi na rin nila tinuloy ang pangalawang season.

Simula noong namatay si Lin Zong, naging sikat muli ang martial art films. At gusto ring tuparin ni Song ang huling kahilingan ni Lin Zong, paniguradong magiging malaki ang produksyon ng palabas na ito--bihira ang ganitong oportunidad.

Sa loob ng tatlong oras na inanunsyo iyon ni Song Jin Lin, maraming management companies ang mabilis na nagtrabaho pero hindi nila kasing bilis si Ye Bai.

Malinaw na sumagot si Ye Wan Wan, "Paniguradong si Luo Chen ang makakakuha ng role na iyon."

Natawa si Chu Hong Guang, "Magaling! Aasahan ko ang magandang balita!"

Medyo nakakatakot itong Ye Bai na ito. Wala siyang ibang gusto kundi si Luo Chen at kinaya niya ring ayusin ang panunumbalik ni Luo Chen sa tamang oras. Hindi kaya, alam niya rin kung kailan mamamatay ang tao? Nahulaan niya rin kaya na si Song Jin Lin ang gagawa ng film ng "Terrifying Dragon 2"?

Hindi tungkulin kung paano niya ginawa iyon, hindi ito importante sa akin basta't kaya niyang patumbahin si Zhou Wen Bin...

...

Pagkaalis niya ng opisina ng Worldwide, hindi dumeretso ng Dazzling si Ye Wan Wan. Kundi, umuwi siya papunta sa Jin garden.

Sobrang espesyal sa kanya ang araw na ito.

Habang inaalam ng lahat kung sino ang mastermind sa likod ng biglang pag-sikat ni Luo Chen, ang maalamat na diyos na nakakaalam ang hinarahap, ang mahusay na manager na si Ye Bai, ay hindi mapakali habang naka-crouch sa loob ng bahay, nakatitig ang buong atensyon niya sa laptop at handang i-check ang… resulta ng kanyang college entrance exam...

"Maestro Si, dumating na ang oras. Oras na para alamin ang kinalabasan ng iyong pagtuturo!" pinatong ni Ye Wan Wan ang laptop sa kanyang hita habang kabado niyang kinakaskas ang dalawang kamay niya.

Maiba lang sa pagka-nerbyos ni Ye Wan Wan, nakaupo sa katapat na sofa si Si Ye Han habang tahimik na umiinom ng tsaa.

Dumating na ang tamang oras. Matapos ang malalim na paghinga, nag-sign in na sa wakas si Ye Wan Wan sa website gamit ang kanyang admission number.

Umaligid ang kanyang daliri papunta sa ENTER button, huminto muna siya bago madiin niya itong pinindot...

Language: 142 points, English: 148 points, liberal arts: 283 points, math... 150 points!!!

Wow!

Kahit natapos niya nang estimahin ang resulta, biglang napatalon sa sobrang saya si Ye Wan Wan nang makita niya ang kanyang mga resulta.

Lalo na nung nakita niya ang kanyang resulta sa math.

Pwede na siyang makapasok sa Imperial Media dahil sa overall score niya!

avataravatar
Next chapter