813 Ninanakaw ang kanyang pagtatagumpay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa oras na ito, kumatok sa pintuan ang assistan ni Ye Wan Wan na si Xiao An at pumasok siya. "Ye-ge, pinapapunta ka ni president Yang sa pagpupulong. Nandoon rin si Chairman Chu."

Biglang kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan. "Sige, pupunta kaagad ako doon."

Pagkatapos ay binalaan niya sila Luo Chen at Gong Xu, "Ituon niyo ang buong atensyon niyo sa mga kailangan niyong gawin. Hindi niyo kailangang mag-alala sa pangyayaring ito."

Gong Xu: "Huwag kang mag-alala, Ye-ge. Susuportahan kita kahit sino pa ang makipaglaban sayo."

Walang magawa si Ye Wan Wan. "Oo na, basta huwag masyadong gumawa ng gulo at pasalamat ko na sa langit kung mangyayari man iyon."

Hindi na nakapagsalita si Luo Chen. Nag-aalala siya habang tinitingnan niyang umaalis si Ye Wan Wan.

Sa opisina:

Naroroon ang top management at personal rin na dumalo si Chu Hong Guang upang i-anunsyo niya ang promotion ni Ye Wan Wan.

"Congratulations, congratulations! Congratulations, director Ye! Ay, mali! Vice president Ye na pala ang tawag sayo ngayon!"

Congratulations, vice-president Ye!"

Binabati siya ng lahat, ngunit makikita sa mga mata niya na mas malalim ang pagtkakaintindi niya kung bakit siya ginawang vice president ni Chu Hong Guang.

"Ito si Cai Yong Sheng ng Worldwide; pamangkin ko siya. Bata at wala pa siyang kasanayan, kaya ingatan niyo siya, para sa akin na rin."

Haha, mapagpakumbaba ka talaga Chairman Chu!"

"Congratulations, Director Cai!"

Humarap si Chu Hong Guang kay Ye Wan Wan. "Alam kong nahihirapan ka na, Ye Bai. Maaari ka nang makapag-relax dahil sasamahan ka na ni Yong Sheng. Sabihin mo kaagad sa akin kung gusto mong magbakasyon."

Biglang sumabad si Cai Yong Sheng, "Tama siya. Pwede mo nang iwan sa akin ang kumpanya!"

Pilit na ngumiti si Ye Wan Wan, kakaunti lamang ang sinabi niya: "Salamat, Chairman Chu."

Natapos na ang pagpupulong at napaisip ang mga tao sa mga pangyayari.

Sinabihan ni Chu Hong Guang si Ye Wan Wan na manatili muna at maguusap silang dalawa. Pinaalalahanan lamang siya ni Chu Hong Guang sa kapangyarihan ng nito kaya kailangang maging masunurin ni Ye Wan Wan sa kanya.

Sa opisina ni Ye Wan Wan:

Dinala ni Cai Yong Sheng ang kanyang assistant, isa itong magandang baguhan, at mayabang silang naglakad papunta sa opisina ni Ye Wan Wan. Bigla siyang umupo sa upuan na nasa likod ng desk. "Nasaan ang work schedule sa araw na ito? Ibigay mo sa akin!"

Nasa mahirap na sitwasyon ang assistant ni Ye Wan Wan. "Ah… Director Cai, uang araw mo pa lamang po sa trabaho. Hindi ba dapat na si director Ye ang magbibigay sayo ng mga ito…"

Naging seryoso ang mga mata ni Cai Yong Sheng. "Sino ba ang direktor dito - ako o ikaw? Kailangan pa ba kitang turuan kung paano magtrabaho?"

Nanliit ang tingin ng assistant sa sarili niya dahil sa sobrang takot niya at kaawa-awa niyang sinabi, "May meeting si Director Ye sa chief editor ng "Beauty"magazine, na si Mr. Liang, mamayang tanghali - paparating na rin siya siguro ngayon…"

Habang nagsasalita ang assistant, biglang may kumatok sa pintuan.

Biglang tumayo si Cai Yong Sheng nang makita niya kung sino ang taong kumatok, lumapit siya bigla kay Liang Chong. "Aiya, ikaw pala si Liang Chong, ang chief editor ng "Beauty" magazine, tama! Isang karangalan na makilala ka!"

Nagtaka si Liang Chong habang tinitingnan niya si Cai Yong Sheng at tinanong niya ito, "At ikaw naman si?"

Hanggang tenga na ngumiti si Cai Yong Sheng. "Ako si Cai Yong Sheng, ang director ng talent recruitment department sa Dazzling Media!"

Biglang napatingin si Liang Chong sa assistant, "Hindi ba't ang director ng talent recruitment ay si…"

Ngumiti si Cai Yong Sheng. "Nilipat na si Director Ye Bai. Simula ngayong araw, ako na ang mamumuno sa mga kolaborasyon, kaya sa akin ka na makikipag-uganayan, Mr. Liang!"

Nagsalita si Cai Yong Sheng habang tinatawag niya ang bago niyang assistant, "Xiao Chen, mag-book ka ng restaurant."

"Yes, Director Cai."

"Dito pa ang daan, chief editor Liang! Mag-uusap tayo habang kuamakain!"

Hindi na pinagsalita ni Cai Yong Sheng ang assistant ni Ye Wan Wan at tinangay niya si Liang Chong mula sa lugar na iyon...

avataravatar
Next chapter