449 Ninakaw niya ang puso ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi makapagsalita ang assistant at bigla siyang nabulol, "Kailan ba naging totoo ang naramdaman mo…? Halos mabaliw ang mga tabloids sayo noon nung nagtago ka sa ibang bansa ng matagal. Kung kailan maayos na ang lahat at hindi na nakatuon ang media sa ginawa mo, 'wag kang gumawa ng kahit anong kaguluhan ha?"

Winagayway ni Gong Xu ang kanyang kamay sa assistant sa sobrang irita. "Alam ko, alam ko! Ang kulit mo! Oo nga pala, may cctv ba sa kalyeng ito?"

"Alam ko, wala eh! Bakit, ano bang gagawin mo?" Gwardyado sa sarili ang assistant.

Kuminang ang cherry blossom na mga mata ni Gong Xu. "May magandang diwata na binigyan ako ng isang kahon ng candied plums, ngayon-ngayon lang. Alamin mo kung sino siya!"

Halos sumigaw sa sobrang inis ang assistant. "Ano! Gong Xu! Pinakinggan mo ba ako? Ayon kay Brother Bin, ayaw niyang mapalapit ka sa kahit sinong babae sa ngayon! Hindi ka pwedeng magkaroon ng skandalo! Parang awa mo na, tumigil ka muna ng ilang araw sa ginagawa mo, pwede ba?"

Hinipan ni Gong Xu ang isang hibla ng pink na buhok sa kanyang mukha at sinabi niya. "Edi 'wag mong hanapin. Bakit ka ba natatakot?"

Nakahinga na ng maayos ang assistant nang marinig niya iyon pero naramdaman niya na parang may mali - kailan pa naging masunurin ang lalaking ito?

...

Kalahating oras ang lumipas.

May isang Weibo post na biglang sumikat.

Si Gong Xu, noong nawala siya ng matagal na panahon pagkatapos ng skandalo niya sa isang babaeng artistang biglang sumikat noon, ay biglang sumulpot ulit ngayon.

Sa oras ng kanyang panunumbalik, nag-post siya ng isang pasabog na post sa Weibo kung saan naghahanap siya ng isang tao.

Gong Xu: [Ngayong gabi sa oras na 8:16pm, sa may pintuan ng Candy Dessert Shop, nahulog muli ang puso ko sa isang babae. Tulungan niyo akong hanapin ang magandang diwata na bumili ng natitirang tatlong kahon ng candied plums. Binigyan niya ako ng isang kahon ng candied plums pero hindi niya alam na kinuha niya ang aking puso.]

Ang imaheng kasama ng post na ito ay ang ginuhit ni Gong Xu na mukha; napakaganda talaga ng imaheng ginuhit niya… wala kang masabi...

Sa loob lamang ng sampung minuto, halos sumabog ang comment section sa ilalim ng post ni Gong Xu sa Weibo.

[Punyeta, ano itong nabasa mo?! Si Prince charming ay na-inlab ng isang tiningin lang sa isang babaeng nag gagala at pinaalam niya pa ito sa publiko? Bakit napag-iwanan na namab ako?]

[Nahulog na naman ang puso niya? Ilang beses na itong nangyari? Wala pang dalawang buwan noong huli nilang iskandalo ni Cheng Man, 'di ba?]

[Alam naman ng lahat na tumitingin lang sa itsura si Gong Xu - napaka-ganda ng mga ex girlfriends niya tapos ngayon, na-inlab siya na napadaan lamang na babae - gaano ba kaganda ang babaeng iyon?]

[Binigyan siya ng isang kahon ng candied plums? Hindi kaya fan iyon? Sinong fan niya ang ganito ka-swerte huh?!"]

[Walang kahulugan ang sinabi mo - ibibigay niya ang tatlong kahon kung fan talaga siya! Siguro napadaan lang ang babae. At saka, hindi lalabas ng bahay si Gong Xu nang hindi nakatago ang kanyang mukha 'di ba?]

[Ako lang ba ang nakapansin na si Hubby ay talagang tumakas noong gabing iyon para lang bumili ng desserts?]

...

Kahit na inaasar siya ng kanyang mga fans, bumuhos rin ang mga komento mga haters niya sa comment section. Iniinsulto siya ng mga ito at sinasabing "manloloko", "babaero" at "malibog" raw siya. Hindi rin siya nakalampas sa mga fans ng mga ex's niya na pinagmumura rin siya sa comment section. Buhay na buhay ang comment section ng post ni Gong Xu. Ilan rin sa mga malalapit na kaibigan ni Gong Xu, na hindi naman binibigyan ng kahit anong kahulugan ang post, ang gumatong pa sa kaguluhan nang mai-repost nila ito. Sa mabilis na panahon, ang Weibo post ni Gong Xu na ang pinakasikat na usapan sa Weibo.

Sa isang saglit, puno ng iba't ibang searches ang Weibo na tulad ng "Gong Xu, nakatagpo ng maganda sa dessert shop,""Ang pag-amin ni Gong Xu" at "Gong Xu, na-inlab sa unang tingin lang."

Sa isang villa sa may Imperial City.

Tinitigan ni Zhou Wen Bin ang isang Weibo post na lalong sumisikat habang tumatagal kaya pinagalitan niya ang kanyang assistant dahil dito: "Bobo! Ilang beses kong sinabi sa iyo na manmanan mo ang bawat galaw ni Gong Xu! Ganito ba ang dapat mong trabaho? Bumalik siya para gumawa ulit ng kaguluhan!"

"Si… sinubukan ko siyang pigilan! Pero wala akong magawa! Hindi ko alam na itatago niya sa akin ang post na ito sa Weibo pagkatapos niyang mangako na magpapakabait siya!" Iyak ng assistant.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na kunin mo ang Weibo niya para hindi niya ito magalaw?"

avataravatar
Next chapter