922 Niloloko mo yata ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ng deboto si Spray of Flowers. "Hindi ako pupunta doon! Bakit ba kasi ako ang pupunta doon?! Bakit ako pa ang babalik! Bakla, bakit hindi na lang ikaw ang bumalik?! Hindi ba't tapat ka kay kapitan? Bakit hahayaan mo siyang mamatay nang hindi mo siya tinutulungan?"

Nabilaukan si Spray of Flowers at kanyang sinabi. "Ano iyon… may kasabihan sa China… ang mag-asawa ay parang ibon na nasa isang puno, kapag nasa kamatayan na sila, lilipad at iiwan na nila ang isa't isa…"

Tiningnan ng masama ng deboto si Spray of Flowers. "Kapitan, nakikita mo na ngayon ang tunay na kulay niya?"

Tiningnan ni Nameless Nie ang dalawa at bigla niyang tiningnan ang dayuhan na tagabuhat ng bricks. "Little Sweetie, balikan mo si Famous Ye!"

Sumagot ng seryoso ang dayuhan na tagabuhat ng bricks. "Kapitan, gusto sana kitang tulungan pero hindi maayos ang pananalita ko ng Mandarin. Kapitan, gusto mo bang kumain ng tae? Bibilhan kita ng tae!"

Nawala ng parang multo si Little Sweetie.

Pagkatapos nito, mag "click" na narinig at ni-lock ng taong yelo ang sarili niya sa kabaong...

Muntikan nang sumuka ng dugo si Nameless Nie sa sobrang galit. "Punyeta kayong lahat! Walang kwenta kayong apat!"

Ang mapagkakatiwalaan niya lamang ay si Feng Xuan Yi, ngunit ito ay matagal nang naka-offline mode.

Bakit ang hirap maging kapitan?

Sumasakit ang ulo ni Nameless Nie nang biglang mag-ring muli ang WeChat notifications niya.

[Famous Ye: Nameless Nie! Anong problema mo?! Hindi pa ako kinakasal, pero gusto mo akong magkunwari na maging nanay ng isang bata na ito sa sarili kong intensyon! Pwede mo naman akong turuan ng kahit kaunti kung anong gagawin ko!]

[Famous Ye: Dumating lamang ang pamangkin mo ng hindi mo sinasabi sa akin. Iniwan mo siya dito tapos tumakas ka na kaagad, iniwan mo akong nakatitig sa anak ko na bigla na lang lumabas. Hindi ako handa!]

[Famous Ye: Paano kapag nakita ng boyfriend na ito at naisip niya na nagkaanak ako sa isang lalaking gala, huh?]

[Famous Ye: Ang gusto kong sabihin ay isa akong manloloko at ang tito niy ay biglang nawala na lang kaagad! Niloloko mo ba ako?!]

Makikita na sumasabog na si Ye Wan Wan sa sobrang galit at para siyang baliw na nagta-type sa kanyang phone.

Nanginginig si Nameless Nie at ang iba. Wala sa kanila ang nag-reply kay Ye Wan Wan.

[Famous Ye: Bibilang ako ng tatlo at kapag hindi pa kayo lalabas, kayo mismo ang tatanggap ng parusa sa kahihinatnan niyo.]

[Famous Ye: 3]

[Famous Ye: 2]

[Famous Ye: 1]

Si Spray of Flowers at ang deboto ay naka-squate sa isang gilid, pilit nilang tinatago ang kanilang mga presensya na sitwasyon na iyon.

Nakakainggit ang lalaking iyon - kapaki-pakinabang ang libingan na iyon!

Huminga ng malalim si Nameless Nie. Wala siyang magawa dahil bilang kapitan at dahil siya ang tito ng little devil, siya lamang ang nararapat na mag-ayos ng isyu na ito...

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang kanyang phone screen.

Pagkatapos niyang magbilang, biglang lumabas ang isang message sa WeChat group...

[Umalis ang kaibigan mo na si Nameless Nie sa WeChat group]

Ye Wanwan: "…"

Nakapalupot sa isang gilid ang deboto at si Spray of Flowers: "...!!!"

Sh*t!

Ang lakas ng loob ni kapitan!

Itatapon mo lamang kami sa tirahan ng mga lobo?

[Umalis ang kaibigan mo na si Spray of Flowers sa WeChat group]

[Umalis ang kaibigan mo na si Deboto sa WeChat group]

[Umalis ang kaibigan mo na si Little Sweetie Aisin Gioro sa WeChat group]

Magkakasunod na lumabas ang notifications hanggang sa ang natira na lamang ay ang isang tao na may terminal kanser ng katamaran na hindi man lang makaalis sa kinalalagyan niya...

"Loko! Pinilit mo akong gawin ito! Wala kang puso! Huwag mong isisi sa akin ang ginawa kong masama!"

Kinaskas ni Ye Wan Wan ang kanyang mga ngipin. Galit na galit siya nang pumunta siya sa salas.

Ayoko na maging nanay niya!

Mabilis na bumalik sa salas si Ye Wan Wan at nag-martsa siya patungo kay Nie Tiang Xiao. "Tang Tang! May sasabihin ako sayo!"

Matagal na nawala si Ye Wan Wan. Nanatili ang batang lalaki sa sofa habang hinihintay siya at nang marinig niyang paparating ang kanyang nanay, tumalikod siya at kinamot niya ang kanyang mga mata. Kinausap niya na parang bata ang nanay niya, "Mommy…"

"Uh…"

Biglang walang masabi si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon.

avataravatar
Next chapter