962 Niloloko mo ba ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natatakot si Xu Yi habang nag-o-obserba siya sa isang gilid.

Naisip niya lamang noong una na baka hindi lang sila nagkaintindihan, pero ngayon, ang puso niya ay lubos na tumitibok dahil hindi angkop ang naging reaksyon ni Miss Wan Wan!

Hindi ito totoo!

Si Ye Han: "Ganoon ba?"

Nanlilisik sa lamig ang mga mata ni Si Ye Han habang hinaharap niya ang kanyang phone kay Ye Wan Wan.

Sinilip ni Ye Wan Wan ang phone ni Si Ye Han at biglang lumaki ang kanyang mga mata. "Uh, hindi ako ang nag-send ng message na iyan!"

Si Ye Han: "Halata naman na ikaw ang nag-send ng message."

Magulo ang isip ni Ye Wan Wan. Inisip niya ng maigi ang sitwasyon na kinalalagyan niya at napagtanto niya kung ano talaga ang nangyari. May gumamit ng phone niya para mag-text kay Si Ye Han.

Tiningnan niya kung anong oras ipinadala ang text. Hindi ba ito ang oras kung kailan ako naghahanda para umalis nang umagang iyon?

Ang tao na makakakuha ang ng phone ko ay si… Tang Tang?

Leche...

Sinubukang magpaliwanag ni Ye Wan Wan: "Hayaan mo akong magpaliwanag, Ah-Jiu. Kagabi… hindi… hindi ako mag-isa kagabi…"

Inamin ko talaga!

Sh*t!

Saan na mapupunta ang usapan na ito?

Hindi mapakali at tahimik lamang na nakikinig si Xu Yi na nasa isang gilid. "Uh, huwag mong ipaliwanag ng pakonti-konti ang storya, Miss Wan Wan. May kasama kang babae, hindi ba?"

Humantong na sa sitwasyon na ito ang kinalalagyan niya kaya hindi na siya pwedeng magsinungaling pa.

Naubo si Ye Wan Wan bago siya makapagpatuloy sa kanyang sinasabi, "Hindi babae ang kasama ko… kagabi… lalaki ang kasama kong matulog kagabi…"

Napanganga si Xu Yi at muntikan nang mahulog sa lapag ang kanyang panga. "..."

Miss Wan Wan! Huwag ka nang makipag biruan pa!

Diniin ni Si Ye Han ang bawat salitang sinambit niya: "Sabihin mo ulit iyon, Ye Wan Wan!"

Ang itsura ni Si Ye Han sa ngayon ay kayang magpa-iyak ng isang bata.

"Sino ang lalaking kasama mo?" Tiningnan ni Si Ye Han si Gong Xu.

Nagulat si Ye Wan Wan. Huh? Si Gong Xu?

Paano mangyayari iyon?!

Habang ito ay iniisip ni Ye Wan Wan, maririnig sa likod nila na may humahakbang papalapit.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang maliit na anino na nasa likod nila.

Agad na sumagot si Ye Wan Wan, "Siya… ang tao na nasa likod mo!"

Hindi makapagsalita si Si Ye Han at nanigas ang kanyang mga mukha. Namutla ang mukha niya at umangat ang mga ugat sa kanyang ulo. "..."

Muntikan nang mahimatay sa sobrang takot si Xu Yi. Agad siyang tumalikod upang makita ang tao na nasa likod!

Ano? Nagpakita pa talaga ang kabit?!

Tiningnan ni Si Ye Han ang tinitingnan ni Ye Wan Wan.

Wala namang tao sa paligid...

Walang tao?

"*Ehem ehem ehem* tingin kayo sa baba… tingin kayo sa baba ng konti…" sabi ni Ye Wan Wan.

Tumingin sa baba si Si Ye Han at nakita niya ang bata na nakatayo sa harapan niya.

Nagkatagpo ang mga mata nila nang magtinginan sila sa isa't isa.

Walang masabi si Xu Yi habang tinititigan niya ang batang lalaki.

Anong… anong nangyayari?

Ang binabanggit kaya ni Miss Wan Wan na lalaki ay ang… batang lalaki na ito na may edad na apat o limang taong gulang?

Tumahimik ang hallway, ang maririnig lamang ay ang paghinga ng mga tao.

Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon ni Nie Tang Xiao...

Lumipas ang matagal na panahon bago may taong sumira ng katahimikan sa lugar.

"Mommy!" Sumigaw sa sobrang kasiyahan ang bata habang tinitingnan niya si Ye Wan Wan.

Ang boses niya ay parang kidlat na sumira sa atmospera ng paligid.

Biglang lumiit ang mga mata ni Si Ye Han. "..."

Habang si Xu Yi naman ay lumaki ang mga mata. "...!!!"

Punyeta!

Anong tinawag ng batang lalaki kay Miss Wan Wan?

Mo-mommy raw?!

Biglang tinakpan ni Ye Wan Wan ang kanyang mukha.

Kapalaran! Niloloko mo ba ako?

avataravatar
Next chapter