418 Niligtas ang buhay ng lahat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sinampal mo 'ko… ang kapal ng mukha mo para sampalin ako! Para sa isang mababa at laruan na katulad ay talagang aarte na parang mistress siya ng pamamahay at sinubukan akong turuan ng leksyon?!"

Namula na ng parang isang atay ng baboy sa galit si Feng Qin Yu. Inangat niya ang kanyang kamay at sasampalin na si Ye Wan Wan. "B****!"

Sa sumunod na segundo, agad na umabante si Xu Yi at Eleven na parang dalawang bato na hinarangan si Ye Wan Wan.

Eleven: "Miss Feng! Bawal ka po maging bastos kay Miss Wan Wan!"

Xu Yi: "Miss Feng, pakiusap pag-isipan mo po maigi ang mga sinasabi at ginagawa niyo!"

Galit na galit na tinignan ni Feng Qin Yu ang dalawa. "Galing… ang galing… ang dalawang tapat at debotong mga aso! Naloko na ba talaga kayo ng babaeng 'yan at nakalimutan niyo na kung sino ang master niyo? Talagang pinoprotektahan niyong talaga ang duwag at walang hiyang p*ta na 'to?"

Isang nakakamatay na intensyon ang kumislap sa mata ni Eleven habang malamig na nagsalita, "Miss Feng, hindi man pinili ni Ye Wan Wan na mamatay kasama kami pero niligtas niya ang buhay namin!"

Nagulat si Feng Qin Yu at tumawa, " Niligtas ang buhay ng lahat? Itong babaeng 'to? Para lang maprotektahan ang babaeng 'yan, talagang gumawa pa kayo ng kabuluhan, huh? Ang kapal naman ng mukha mong magsalita basta-basta sa harap ng lola, sa harap naming lahat!"

"Qin Yu, manahimik ka!" madiing tinignan ng old madam si Feng Qin Yu at lumingon kay Eleven at tinanong, "Yung sinabi mo ngayon lang - totoo ba 'yon?"

Mapanatag pa din ang itsura ni Eleven habang hinarap ang mga mapangkwestyong tingin ng old madam at mga matatanda sa kanya, at sinabing, "Hindi po ako magsisinungaling. Kung hindi po dahil kay Miss Wan Wan, baka po ay bangkay na kami ngayon, kasama ang master!"

"Mabilis pong mag-isip si Miss Wan Wan; kahanga-hanga po ang kanyang talino at tapang. Nagpapanggap lang po siya na aalis kasama namin pero matapos non, mayroon siyang ideya na magpanggap bilang isang makapangyarihang organisasyon na kinatatakutan ng Murderous Blood Gang. Hinarap niya at tinakot niya ang bawat isa sa kanila! Sumobra na po si Miss Feng ngayon lang sa pag-insulto at pambabastos niya kay Miss Wan Wan!"

Kahit na maikli lang ang pagka-kwento ng mga nangyari, ang mga taong personal na napagdaanan 'yon ay alam ang pakiramdam kung gaano kadelikado 'yon - kung hindi sila naging maingat, walang ng tsansa para mabuhay sila.

Si Xu Yi, na nasa tabi niya, ay nagpatuloy, "Sa puntong 'yon, hinarap na ng mga tao namin ang Murderous Blood Gang, at malubhang sugatan sina Liu Ying at Song Jing. Si Miss Wan Wan ang namuno sa Dark Team 1 noong mga oras na 'yon, kami din ay nagkamali sa pagkakaintindi kay Miss Wan Wan; nalaman na lang namin ang totoo nang wala na kami sa panganib at nang pinakita ni Eleven at ng iba ang mga mukha nila!"

Matapos magsalita nina Eleven at Xu Yi, nabalot ng kakaibang katahimikan ang buong kwarto.

Matagal din bago nagising ang diwa ng lahat. Gulat na nagtinginan ang mga matatanda sa isa't isa.

"Sigurado ka? 'Yang bata 'yan ang nagligtas sa inyo bandang huli?"

"Paano 'to nangyari… akala ko may malakas na pwersang dumating para tumulong…"

...

Lumingon ang old madam sa isang taong hindi pa nagsasalita, si Liu Ying. Taimtim niyang tinanong, "Liu Ying, nagsasabi ba ng totoo si Xu Yi at Eleven?"

Kumunot ang mga labi ni Liu Ying. Kahit na madaming bagay na hindi siya nasisiyahan kay Ye Wan Wan, hindi naman siya pwedeng magsinungaling sa ganitong bagay. Kaya sa huli, yumuko na lang siya at buong tapat na sumagot, "Opo, totoo po, old madam. Yung plano nga po ni Miss Wan Wan ang nagligtas sa aming lahat.

Nang marinig ang sinabi ni Liu Ying, banayad na napalihis ng tingin si Qin Ruo Xi.

"Paano… paano 'to nangyari…" sa sandaling ito, tuluyan ng nagbago ang itsura ni Feng Qin Yu.

Ang bruhang ito talaga, na alam lang ipakita ang kanyang gayuma, ang nagligtas kay 9th brother at sa iba...

avataravatar
Next chapter