213 Nilandi niya ba ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang pinakita ni Ye Wan Wan sa lahat ang tunay na ugali ni Shen Meng Qi, binalot ng guilt ang kanyang mukha at bigla na lang siyang nasaktan, "Bakit ko gagawin iyon? Wan Wan kaibigan kita, bakit ko nanakawin ang boyfriend mo?!"

Namula ang mata ni Shen Meng Qi. Nanginig ang kanyang katawan habang nagmamakaawa siyang tumingin kay Si Ye Han, "Mr Si, mataas ang…. Ang tingin ko sayo at nirerespeto kita… wala akong ibang intensyon sa sinabi ko… hindi…"

Sa huli, kalahating hakbang lang ang nailakad niya papunta kay Si Ye Han dahil hinarangan na siya ng matalim na tingin ni Xu Yi, "Ms Shen, please, magkaroon ka ng dignidad sa sarili mo!"

"Pfff——"

Natawa ang mga nanonood nang makita nilang hinarangan ng alalay ni Si Ye Han si Shen Meng Qi.

"Mataas ang tingin? Respeto? Anong ibig sabihin kapag mataas ang tingin at may respeto ka sa isang lalaki? Edi inaamin mong may nararamdaman ka sa kanya, pero pinipilit mo na wala kang ibang intensyon sa kanya?"

"Hindi pwedeng magpalit ng spots ang leopard! Hinabol-habol niya yung boyfriend ni Jiang Yan Ran noon at ngayon tumaas na ang standard niya sa pang gagamit ng lalaki! Mas mukha kasing successful yung boyfriend ni Wan Wan kaysa kay Song Zi Hang!"

"Binigyan na nga siya ng coat ni Ye Mu Fan pero gusto niya pang manginig sa lamig, umakto na nakakaawa at ngumawa habang nag-aakusa sa iba-- akala niya siguro bulag ang mga tao!"

"Siya din raw ang nagtsismis na ang pera ni Ye Wan Wan ay galing sa pagiging pokpok niya sa matatandang lalaki, 'di ba?"

Nag-iba ang itsura ni Shen Meng Qi, "Hindi ko… hindi ganoon yun… bakit ko ikakalat ang ganong tsismis…"

Punyeta, may sinabi kaya si Jiang Yan Ran kay Ye Wan Wan? Masyado na kasi sila naging close. Kaya siguro nag-iba ang pag uugali ni Ye Wan Wan sa akin.

Tinitingnan lamang ni Ye Wan Wan si Shen Meng Qi na nahihirapang magkumbinse sa mga tao na inosente siya.

Isinantabi at pinag-aasar siya ng mga tao dahil sa paninira sa kanya ni Shen Meng Qi. At ngayon, nakapaghiganti na siya sa wakas.

Syempre, hindi pa sapat ito...

Riiiiiing——

Nakatakas si Shen Meng Qi sa walang awang mga tao nang mag-ring ang bell

"Wan Wan, ano man ang masamang pagiintindi mo tungkol sa akin, hindi ko sinasadya ito… Mag… magpapaliwanag ako ng maayos sayo sa susunod…" Tinago ni Shen Meng Qi ang kadiliman sa kanyang mata, kinagat niya ang kanyang labi at tiningnan niya ng masama si Si Ye Han, tapos mabilis siyang na tumakas.

Hindi nasira ang mood ni Ye Wan Wan kay Shen Meng Qi. Tumayo si Ye Wan Wan sa kinauupuan niya para ihatid palabas si Si Ye Han.

Tahimik si Ye Wan Wan habang tinitingnan ang lalaking kaharap niya.

"Pumunta ka na sa klase mo," sabi ni Si Ye Han nang mapansin niya na hindi nagsasalita si Ye Wan Wan. Naisip niya na natatakot makipagusap sa kanya si Wan Wan kaya hindi ganoon karami ang sinagot niya.

Gayunpaman, nang handa nang umalis si Si Ye Han, may humawak sa kanyang wrist.

May maliit na kamay ang nakahawak sa kanyang manggas.

Napahinto si Si Ye Han at tumingin sa kanyang manggas.

Hindi alam ni Ye Wan Wan kung bakit niya pinahinto si Si Ye Han. Nang makita niya na napansin na ni Si Ye Han ang kanyang kamay, mabilis niya itong tinanggal sabay pinaglaruan niya ang puting fur sa kanyang kwelyo.

Hindi siya minadali ni Si Ye Han na magsalita, kundi nakatayo lamang ang lalaki habang tahimik siyang pinapanood.

Hindi alam ni Ye Wan Wan ang sasabihin niya kaya bigla na lang niyang tinanong, "Mahuhulog ba ang loob mo kay Shen Meng Qi?"

Tiningnan ng malalim ni Si Ye Han ang mga mata ni Ye Wan Wan at sumagot siya ng walang ekspresyon, "Hindi, mataas ang standards ko."

"...!" Walang masabi si Ye Wan Wan sa sagot ni Si Ye Han. Lumipas ang matagal na oras, tinanga niya ang kanyang ulo sabay kumindat-kindat.

Ahm, nilandi… niya ba ako?

O palihim ba na compliment iyon?

Tapos seryoso niya pang sinabi 'yon kahit na ganito akong girlfriend niya...

avataravatar
Next chapter