307 Nilandi mo rin ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakita ni Ye Wan Wan ang mga bags na hawak ni Han Xian Yu pero ayaw niyang magsuspetya ito, kaya ngumiti siya at mabilis na nagliwanag ang kanyang mukha habang binubuksan niya ang pintuan para papasukin si Han Xian Yu. "Salamat! Bakit ang aga mong magising, hindi ba naka-leave ka?"

"Uh…" napa-kamot sa ilong si Han Xian Yu at hindi niya alam kung paano siya sasagot.

Paano ko sasabihin sa kanya na buong gabi kong dinikit ang tenga ko sa pader at dahil doon, hindi ako makatulog?

Wala namang nangyari sa kanilang dalawa 'di ba…?

Habang iniisip iyon ni Han Xian Yu, bigla niyang napansin na may lalaki na nakaupo sa may dining table na may malamig na ekspresyon at may magulong kwelyo. Humarap si Han Xian Yu kay Ye Wan Wan na may hindi maipaliawanag na ekspresyon. Lumapit siya sa tenga ni Ye Wan Wan at masiyasat siyang bumulong, "Eh, Ye Bai, kagabi… wala ka namang ginawa sa kaibigan mo, 'di ba?"

Naguluhan si Ye Wan Wan sa sinabi niya, "Kaibigan ko? Si Ah-jui ba ang tinutukoy mo? Anong ginawa ko sa kanya?"

Napansin ni Han Xian Yu na nakalimutan na ni Ye Wan Wan ang inaakto niya kagabi kaya wala siyang masabi. "Hindi mo natatandaan? Lasing ka kagabi tapos nilalandi mo siya, tinatawag mo pa nga siyang "ganda" tapos little ge ge at niyaya mo pa ngang basahin ang palad niya! Hinila mo ang kamay niya at matagal mong hinaplos ito bago mo sabihin na magiging mag-isa siya habang-buhay, sinabi mo rin na ikaw ang kulang sa buhay niya. Mawawala lang ang sumpa kapag nakipagtalik siya sa iyo, tapos sapilitan mo pa siyang hinila sa apartment mo. Hindi na kita napigilan at buong gabi akong nag-aalala sa inyong dalawa…"

Ye Wanwan: "..."

Ano?!

Parang 400kg na sledgehammer… ang mga sinabi ni Han Xian Yu… pilit na hinahampas ang ulo ni Ye Wan Wan… hanggang sa makita niya ang mga bituin… at umiikot ng walang kontrol ang mundo paikot sa kanya...

"Anong… anong sinabi mo?" blangko ang utak ni Ye Wan Wan habang tinitingnan siya.

Medyo naubo si Han Xian Yu. "Wala ka talagang natatandaan…"

Kahit nagbubulungan si Han Xian Yu at Ye Wan Wan, malinaw silang naririnig ni Si Ye Han. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang kwelyo, metikoloso niyang tiningnan si Ye Wan Wan gamit ang nanlalamig niyang mga mata.

Lumunok si Ye Wan Wan at hindi niya sinusubukang tignan ang mga mata ni Si Ye Han. Patuloy lang siyang nakatingin kay Han Xian Yu at sinabi, "Paano mangyayari iyon!? Bakit ko naman gagawin ang mga bagay na ganun?! Ang girlfriend ko lang ang laman ng puso ko; 'wag mo akong lokohin!"

Naawang tiningnan siya ni Han Xian Yu. "Niloloko ba kita? Hindi lang ang kaibigan mo ang nilandi mo kagabi, kahit si Xin-jie ay nilandi mo rin, hindi mo natatandaan?"

Ngumiwi ang mukha ni Si Ye Han sa sinabi ni Han Xian Yu.

Hay, ang galing...

"Sino si Xin-jie?" nabigla si Ye Wan Wan.

Han Xian Yu: "Si Qiao Ke Xin!"

Ye Wan Wan: "...!!!"

Yung idolo ko… si Qiao Ke Xin? Yung Best Actress?

Tinulungan siya ni Han Xian Yu na matandaan ang lahat ng nangyari. "Medyo interesado nga sayo si Xin-jie eh, kaya para makatakas ka sa sitwasyon, sinabi ko na hindi ka maharot na klase ng tao at sinabi ko rin na may girlfriend ka na. Pero pagkatapos ng sinabi ko, humarap ka sa akin tapos sinabi mo na maharot ka talaga at inalok mo rin si Xin-jie kung pwede basahin yung palad niya. Sinabi mo sa kanya na siya yung mananalo ng Golden Orchid best actress award. Hindi lang yun, hinulaan mo rin ang mga mananalo ng best actor, best supporting actress at actor at newcomer, tapos nakipag pustahan ka pa sa kanya…"

"Pu… pusta ng ano?" Nakaramdam si Ye Wan Wan na may mali sa ginawa niya.

Tinignan siya ni Han Xian Yu. "Sinabi mo sa kanya na kapag nanalo siya, pwede niyang gawin ang kahit anong gusto nyang gawin sayo at kapag ikaw naman ang nanalo… kailangan ka niyang halikan…"

Ye Wan Wan: "..."

Hindi totoo ito!

Kailan pa ako naging barumbado?!

Tila gumuho ang mundo na nakapaligid kay Ye Wan Wan, tiningnan siyang maigi ni Han Xian Yu at sinabi, "Tapos nilandi mo rin ako!"

Ye Wanwan: "..."

Lumingon ang nalulungkot na si Ye Wan Wan para tingnan si Si Ye Han-- Papa Si Ye Han… magpapaliwanag ako, makinig ka please...

avataravatar
Next chapter