886 Nawawala ang little young master

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na nawala ang balita tungkol sa pagpapagaling ni Si Ye Han dahil sa pagbabago na muntikan nang sumira sa buong Si family at ng business ng China.

Parating maingat si Si Ming Li at hindi niya hinahayaan ang sino man na lumamang sa kanya. Gayunpaman, naisip niya na mamamatay na siguro ngayon si Si Ye Han, kaya nagpabaya na lamang siya at nag-iwan siya ng maraming loopholes.

Ang paksyon ni Si Ming Li ay pinatalsik na sa Si family at marami rin sa mga espiya niya ang siniwalat sa lahat. Nagkaroon na naman ng malawakang reshuffling sa buong Si family.

Malalim na ang gabi.

"Ahhh— Pa! Ang sakit! Ang sakit sa pakiramdam! Pa, kailangan mong maghiganti para sa akin! Gusto kong mamatay sila! Patayin mo sila!" Paikot-ikot si Si Yi Jie sa kama.

Sa pagkakataon na ito, hindi lang napilay ang isang binti niya ngunit ang buong katawan niya ay bali na rin dahil sa pagka-torture sa kanya.

Wala nang enerhiya si Si Ming Li na mag-alala pa sa kanyang anak. Sumigaw siya dahil iritable na siya, "Manahik ka nang p*ta ka! Sa tingin mo ba, wala akong ibang problema na hinaharap?"

Nakaupo sa sofa na nasa tapat si Si Ming Li ay ang pangalawa niyang lalaking anak na si Si Yi Qian, siya nagmadaling umuwi galing sa ibang bansa.

Malungkot na nagsalita si Si Yi Qian. "Hindi ka naging maingat, papa. Ilang beses ko nang sinabi sayo na huwag ka maging komportable basta't nandiyan pa si Si Ye Han, pinaalala ko na rin sayo na hindi ka dapat naging pabaya. Bakit mo pa rin…"

Galit na galit si Si Ming Li. "Bakit mo ako sinisisi, Yi Qian?! Sinabi sa balita na hindi na gagaling si Si Ye Han at sinabihan na rin tayo ng mga doktor na kritikal na ang kondisyon niya. Paano ko malalaman na buhay pa pala siya!"

Nag-tantrum si Si Yi Jie dahil nakita niya na walang pakialam ang mga tao sa kanya. "Bakit ako?! Bakit ako pa ang naghihirap para kay papa?! Dahil ako ang panganay na anak? Anak ka rin niya, Si Yi Qian - bakit ako pa ang nahihirapan?!"

Tumaas ang mga kilay ni Si Yi Qian at galit niyang tinitigan si Si Yi Jie na nakahiga sa kama. Sumagot siya ng walang pakiramdam sa kanyang mukha, "Dahil isa kang walang kwentang tao at ito lang ang magagawa mo para sa pamilya natin."

"IKAW! SI YI QIAN, PAPATAYIN KITA! AH…" Gumalaw si Si Yie Jie at napinsala ang kanyang mga sugat kaya ngumawa na naman siya.

Galit siyang tinitigan ni Si Yi Jie na parang isang madman at sinabi niya, "Ha, Si Yi Qian, wala akong kwentang tao?! Sa tingin mo ba, mas magaling ka sa akin? Mataas na klase ng tao ba ang tingin mo sa sarili mo? Sa tingin mo ba na titingnan ka ng babaeng iyon, si Qin Ruo Xi?"

"Dahil maayos na ang kalagayan si Si Ye Han at tinanggal na si papa sa Si family, wala ka nang kwenta! Buong buhay ka na magiging walang kwenta!"

Sa isang saglit, mahigpit na sinakal ni Si Yi Qian ang leeg ni Si Yi Jie. Kung didiinan niya pa iyon, patay na siguro si Si Yi Jie.

"Sabihin mo ulit iyon!" Ang gwapong itsura ni Si Yi Qian kanina ay naging masahol na halimaw na ngayon.

"Tama na yan, Yi Qian. Huwag mo nang pansinin ang sinasabi niya…"

Tiningnan si Si Ming Li ang maingay niyang anak at pagkatapos ay tiningnan at kinausap niya si Si Yi Qian, "Sa tingin ng may sakit na Si Ye Han ay natatago niya ang katotohanan sa buong China! Huwag ka nang mag-alala tungkol doon Yi Qian. Mapapasayo ang dapat sayo kahit na ang Si family at ang babae na iyon ang harapin mo!"

Sa kasalukuyan...

Sumikat na ang araw sa kabilang parte ng karagatan.

Sumikat at binalot ng mainit na ilaw ng araw ang makalumang manor.

May misteryosong vintage pattern ang nakalilok sa pader ng entrance ng manor. Ang salitang "Nie" ang nakalagay sa seal script.

Biglang may malakas na tunog ng bumagsak na porcelain at ang katulong ay biglang tumili dahil nag-panic siya, kaya nawala ang katahimikan ng umagang iyon.

"AH! Yari! Ang little young master! Ang little young master ay nawawala!!!"

avataravatar
Next chapter