865 Natatakot sa patuloy na pagbabago

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Buong-buo ang tiwala ni Luo Chen kay Ye Wan Wan at pinapaniwalaan niya ang kahit anong sinasabi ni Ye Wan Wan sa kanya. Kahit na ito ay walang kwentang paliwanag, pinipili niya pa rin na maniwala kay Ye Wan Wan. Ngunit mahirap alamin kung ano ang nasa isip ni Han Xian Yu...

"Hayaan mo na. Huwag mo nang isipin iyon… mas importante ang tanghalian! Saan na ang masarap na tanghalian?!"

Mahiwaga talaga kapag ang great devil ang naghahanda ng tanghalian. Ginagamit niya ang buong pagkatao niya habang kinakain niya ang tanghalian na gawa sa pagmamahal.

Malubha ang nangyari sa kanya ngayong araw kaya masaya siya kapag kinain niya ang kanyang tanghalian!

Ang sugatan na puso ni Ye Wan Wan ay unti-unting humilom nang bumukas ang luxurious three-tiered box ng kanyang tanghalian.

Hindi napunta sa wala ang hirap na pinagdaanan niya sa araw na ito!

Yumuko at kinain ni Ye Wan Wan ang pagkain bago niya mapansin na tinititigan pala siya ni Si Ye Han. Bigla siyang kumurap at tumingin sa taas. "A-ano… yun?"

Tinitigan muna siya ni Si Ye Han. "Na-surpresa ka ba?"

Ye Wan Wan: "Uh… nasurpresa naman kahit papaano…"

Ha…

Bakit hindi ako magugulat… na-surpresa nga ako na ang kalahati ng buhay ko ay hindi nawala...

Kung hindi lang nangyari ang nakakatakot na inisidente na iyon, masu-surpresa sana siya at mararamdaman niya na punong-puno ng pagmamahal ang relasyon nila ni Si Ye Han.

Natandaan niya na kailangan niya pang magkaroon ng prelimunary agreement bago siya magtrabaho at magtago bilang isang lalaki upang maging ligtas ang kanyang buhay...

Ang saya siguro kung hindi na magseselos si Si Ye Han!

Okay, okay, hanggang panaginip na lamang iyon… katuwaan man sa iba ang pagselos, pero si Si Ye Han ay may potensyal na pumatay ng tao kapag nagselos siya...

Kinain na ni Ye Wan Wan ang tanghalian niya, tumayo si Si Ye Han at papa-alis na sana siya. Gusto niyang manatili pa ng kaunti si Si Ye Han, pero dahil may nangyaring insidente, hindi niya na ito pinilit pang manatili doon.

Binuksan ni Si Ye Han ang pintuan at umalis na siya. Nang makarating siya sa dulo ng hallway, nakita niya na mag-isang nakatayo sa may bintana si Han Xian Yu.

Tiningnan siya ni Han Xian Yu. Guwardiyado sa sarili si Han Xian Yu nang makita niya si Si Ye Han at biglang lumiit ang kanyang mga mata...

Tiningnan lamang siya ni Si Ye Han hanggang sa makaalis na ito.

Sa basement garage:

Matagal na balisang naghihintay si Xu Yi at agad niyang tinanong si master nang makita niya ito, "Kamusta naman master? Masayang-masaya ba si Miss Wan Wan?"

Si Ye Han: "Oo."

Nakahinga na ng maluwang si Xu Yi. "Maganda yan, maganda yan. Sinabi ko naman sayo na gusto ng mga babae ang sinusurpresa sila…"

Si Ye Han: "Doble ang bonus mo ngayong buwan."

Tuwang-tuwa si Xu Yi. "Salamat, 9th master!"

Parang hindi lang masaya si Miss Wan Wan, huh!

Sa susunod, kailangan ko pang bigyan ng maraming ideya si 9th master! Kailangan kong mag-isip ng mabuti kung ano ang mga ito...

"Dong dong dong." May kumatok sa pintuan.

Ye Wan Wan: "Pasok po kayo!"

Nanigas ang mga ugat ni Ye Wan Wan nang makita niya na si Han Xian Yu pala ang nasa pintuan, pero hindi niya ito pinakita sa kanyang mukha at natural lamang siyang nakipagusap, "Maupo ka, Xian Yu! Pinuntahan ko na ang lugar ng mga film sites at nakumpirma ko na ang dalawa sa mga lugar na ito - ang isa ay nasa Movie Town habang ang pangalawa ay nasa bar. May isang lugar na medyo delikado. Kailangan natin ng…"

Han Xian Yu: "Ye Bai, lalaki ba ang gusto mo?"

Ye Wanwan: "…"

avataravatar
Next chapter