1193 Natatakot na nga ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Gong Xu ay hindi pa rin umaalis sa malaking pasabog na balita.

Kahit na malawak ang imahinasyon niya, hindi niya naisip noon na si Little Candied Plum at Brother Ye ay iisang tao pala!

Naramdaman ni Gong Xu na parang ang mga neurons niya ay nilagay sa blender, bigla niyang narinig ang mga hakbang sa likuran niya.

Naglakad si Han Xian Yu papunta sa kanyang likuran.

Tila nakakita ng tagapagligtas si Gong Xu nang makita niya ang bagong dating. Bigla siyang umakap kay Han Xian Yu. "Brother Xian Yu! Brother Xian Yu, narinig mo ba? Baliw na yata ang mga taong ito?! Baliw na sila! Sinasabi talaga nila na babae raw si Brother Xian Yu!!!"

Tiningnan ni Han Xian Yu si Gong Xu at kalmado siyang sumagot, "Si Ye Bai ay… babae talaga."

Gong Xu: "…"

Natameme si Gong Xu nang makita niya ang kalmadong itsura ni Han Xian Yu. "Matagal mo nang alam, Brother Xian Yu?"

Sinuri ni Han Xian Yu ang mga taong pumapalibot at bigla niyang tiningnan ang babaeng pinapalibutan ng mga tao. "Hindi naman ganoon ka-tagal."

"Hindi ganoon ka-tagal? Edi alam mo na! P*ta! Ako lang ba ang hindi nakakaalam?"

Tinaas ni Tang Xing Huo ang kanyang kamay. "Hindi ko rin alam ang tungkol doon…"

Hindi pinansin ni Gong Xu si Tang Xing Huo at bigla niyang tiningnan si Luo Chen. "Mokong, bakit wala kang reaksyon? Natameme ka ba bigla?"

Walang pakialam siyang tiningnan ni Luo Chen. "Importante ba talaga kung babae o lalaki si Brother Ye?"

Napagtanto niya na noong una pa lamang na naramdaman niya na parang pamilyar sa kanya si Ye Wan Wan, ang pakiramdam na parang komportable siya...

Lalo na nung kinausap niya si Ye Mu Fan. Sa pagkakataon na iyon, naisip na niya na baka siya si Brother Ye.

Biglang nabaliw si Gong Xu. "Sinasabi mo ba sa akin na hindi importante kung babae man o lalaki si Brother Ye? Edi wala kang pakialam kung sasabihin ko sayo ngayon na babae ako?"

Biglang kinilabutan ang buong katawan ni Tang Xing Huo kaya agad niyang kinaskas ang kanyang braso. "Parang awa mo na, huwag kang magsabi ng mga nakakatakot na bagay. Natatakot na nga ako ngayon pa lang eh…"

Sa oras rin na iyon, nagulat si Ye Shao An na nilalagyan ng lamat ang relasyon ni Ye Hong Wei at ng kanyang mga apo na sila Ye Mu Fan at Ye Wan Wan. 

Kailanman ay hindi niya inasahan na mangyayari ang mga ganitong bagay. "Um…"

Paano nangyari ito?!

Si Ye Bai si Ye Wan Wan?

Imposible!

Biglang lumapit ang mga manonood nang marinig nila ang pagpapakilala ni Chen Yan Feng kay Ye Wan Wan.

"Congratulations, Chairman Ye! Napakahusay ng apo mong babae! Hindi sumusuko sa kahit sinong lalaki ang apo mo!"

"Asahan mo na ito sa isang tao na tinuruan ni Chairman Ye! Nahihigitan talaga ng estudyante ang guro!"

"Ay, hinahanap namin ang background ni Ye Bai kanina at gusto namin siyang kunin sa aming kumpanya! Sino ang nakakaalam na ang 'lalaking' ito ay apo pala na babae ni Ye Hong Wei!"

"Hahaha, ganoon ba? Paano namin siya makukuha ngayon?"

Makikita na hindi inasahan ni Ye Hong Wei na apo niya pala ang binata na hinahangaan niya. Siya ay anak ng kanyang Ye family. Magulo ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Mahirap itong ipaliwanag.

Biglang ginanahan si Ye Hong Wei. "Masyado kayong mabait. Nagulat rin ako na ang batang ito ay nagawang makakuha ng mga karangalan ngayon…"

"Huwag ka maging mapagpakumbaba, Chairman Ye!"

"Heh, mukhang mapupunta sa maayos na mga kamay ang Ye family!"

Muntikan nang masira ang mga ngipin ni Ye Shao An dahil mahigpit na nakasara ang kanyang mga ngipin dahil pilit siyang nakangiti, nang marinig niya ang mga salitang "mapupunta sa maayos na mga kamay."

Hindi siya naging maingat. Kinalaban niya lamang si Ye Mu Fan at kinalimutan niya si Ye Wan Wan.

Sinong maga-aakala na ang babaeng ito ay matagal nang tupa na nagpapanggap bilang lobo at marami siyang ginawa na hindi nila alam?

Kaya pala… kaya pala na ang taliwas na playboy na si Ye Mu Fan ay malaki ang pinagbago at naging isa siyang seryoso at matalas na tao.

Hindi lang pala ang mokong na iyon ang nagbago. Sa halip, ang babae pala ang nagpabago sa kanya?

avataravatar
Next chapter