898 Natatakot ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bumaba ng hagdan si Ye Wan Wan pagkatapos niyang mag-shower. Nakita niya si Little Lolita na umiiyak sa may couch.

"Anong nangyayari, Jiao Jiao?"

Humikbi si Little Lolita, "Master, nagkaroon ng malubhang sakit ang bidang babae sa pinapanood ko at namatay naman ang lalaking bida kasabay ng babaeng iyon dahil mahal nila ang isa't isa - Nakakalungkot! Master, ang galing umarte ng lalaking bida, ang sakit sa puso…"

Sinilip ni Ye Wan Wan ang phone ni Little Lolita at bigla siyang napa-tahimik.

Ang bidang lalaki na tinutukoy niya ay si Gong Xu pala...

Ang pinapanood niya ang pinagrabeng melodramatic drama serye na inartehan ni Gong Xu noong nagsisimula pa lamang siya sa entertainment industry. Ang awkward ng pag-arte niya doon, ngunit umiiyak pa rin ang babaeng ito.

*Couch* "Manood ka lang diyan…"

Kinuha ni Ye Wan Wan ang disc at aakyat na sana siya sa kanyang kwarto nang biglang sumugod sa kanya ang mataba. "Master, master, ang hapunan natin ngayong gabi at spicy crayfish! Saglit lamang po! Malapit na din pong matapos ang niluluto kong ito!"

"Uh…" Inamoy ni Ye Wan Wan ang mabangong amoy ng ulam na bumalot sa buong paligid at bigla siyang tumingin sa kanyang balakang.

Iniba nila ang stratehiya nila nang malaman nila na hindi gumana ang beauty trap para kay Ye Wan Wan, kaya ginamit nila ang masasarap na pagkain upang akitin siya. Mukhang lalaki na ang sukat ng kanyang mga damit ngayon.

Mabuti na lang at pilit na nag-eehersisyo araw-araw si Ye Wan Wan. Kung hindi, babalik siya sa mataba niyang itsura noon.

Sa oras rin na iyon sa may bakuran.

Hiniwalay ng tatlong mersenaryo ang mga gawain, pagkatapos nilang makumpirma ang sitwasyon sa may bakuran kanina. Mabilis silang lumapit sa bahay at umakyat sila sa may pader.

Pagkaalis ng dalawang mersenaryo, tinulak ng leader nila ang shrubs at tahimik niyang pinuntahan ang lalaking mahaba ang buhok at ang lalaking balbas sarado.

Inunat ng lider ang kanyang mga kamay upang magsilbing parte ng sanga na nasa harap niya, ngunit biglang lumabas ang dalawang ulo sa kanyang harapan at ang dalawang target niya dapat ay naka-squat at nakatitig sa kanya...

Nasabik ang lalaking may mahabang buhok. "Aiyaya, tingnan mo Qiang-ge, tingnan mo. May magnanakaw na nakatago dito! Ang galing mo, Qiang-ge!"

Sumagot ang lalaking balbas sarado: "Oo naman!"

"Ka… kayo…" Nagulat ang mersenaryo, ngunit siya ay hinasa kaya pinakalma niya ang kanyang sarili. Malakas pa rin ang loob niya kahit napansin na siya.

Ts, ang tingin talaga nila sa akin ay magnanakaw lamang? Wala talagang takot ang mga ignoranteng tao!

Nadaanan sila ng old housekeeper nang makita niya ang mersenaryo na pumasok sa loob ng bahay. Nabigla siya at kanyang sinabi, "Anong nangyari? Sino siya?"

Kumibit balikat ang lalaking may mahabang buhok at ang lalaking balbas sarado. "Sino nga ba? Dakpin na lang natin siya at pakinggan natin ang sasabihin niya?"

Ngunit nagulat ang limang katulong.

Nakaupo sa sofa si Ye Wan Wan habang hinihintay niya ang kanyang hapunan. Hindi niya inasahan ang kaharap niyang tatlong lalaki na nakasuot ng itim na damit. Nahuli ng tatlong ito ang little crayfish - ay, mali - ang mga katulong ni Ye Wan Wan ay nahuli pala nila.

"Ah ah ah— Natatakot si Jiao Jiao, master! Huwag mo akong patayin! Huwag mong si Jiao Jiao!" Hinablot ng nakakatakot na mersenaryo ang leeg ni Little Lolita kaya bigla siyang naiyak.

Habang ang mataba naman ay may hawak na isang plato ng crayfish sa kanyang kamay at nakatutok naman sa likod niya ang isang kutsilyo.

Dinala ng tatlong mersenaryo ang lalaking may mahabang buhok at ang lalaking balbas sarado, gayundin ang old housekeeper, sa loob ng bahay at binantayan sila sa may gilid.

"Manahimik kayong lahat at bigyan niyo ako ng katahimikan! Hindi kayo pwedeng mag-ingay. Hindi ko kayo papatayin at wala kayong kinalaman dito, naiintindihan niyo ba?" umangal ang lider ng mga mersenaryo.

Biglang nang-asar ang mersenaryo na hawak ang mataba at bigla niyang tiningnan ang mga katulong na hindi makalaban sa kanila, "Tsk, ang dali naman ng misyon na ito, pinadala pa nila tayo na mga C-rank mercenaries…"

Hakaiba ang ekspresyon sa mukha ni Ye Wan Wan habang tinitingnan niya ang tatlong lalaki.

Uh, tatlong… C-rank mercenaries?

avataravatar
Next chapter