667 Natandaan mo ang naramdaman mo kanina?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sh*t, sh*t, sh*t! Baliw na ba ako? Sinabihan ko na cute ang isang lalaki! BAKLA BA AKO?

Dali-daling pinunasan ni Gong Xu ang mukha niya upang magising siya sa katotohanan.

Ngunit nalunod siya sa nakakakilig na pakiramdam nang maisip niya ang kaninang eksena ni Ye Wan Wan...

Habang namamangha sila Luo Chen, Gong Xu at ang dalawang assistant sa eksenang iyon, bumalik na sa normal na sarili niya si Ye Wan Wan at tumango siya dahil natuwa siya. "Magaling, mas maayos ito kaysa nung una. Lagi mong tandaan ang emosyon mo at magiging maayos ang magiging performance mo."

Biglang may kumatok sa pintuan at si Xiao Chen, ang isa sa mga crew members, ay pinaalalahanan sila. "Nagsimula na ang shooting, Luo Chen!"

"Pumunta ka na doon. Huwag mong kakalimutan yung naramdaman mo kanina," pinalalahanan rin siya ni Ye Wan Wan.

"Sige…" bumalik na sa kanyang malay tao si Luo Chen. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makatingin ng diretso kay Ye Bai at umalis na lamang siya nang kasama ang kanyang assistant.

"Tara na, panoorin natin siya. Andito ka naman na, Gong Xu, kaya aralin mo ang mga makikita mo," sinabihan ni Ye Wan Wan si Gong Xu.

Gayunpaman, nananatiling tuliro na nakatayo si Gong Xu sa iisang pwesto.

"Ano yun?" Tinapik ni Ye Wan Wan ang kanyang braso.

Napatalon sa gulat si Gong Xu na para bang na-electrocute siya.

Nagtaka si Ye Wan Wan sa kanya: "..."

Napalunok si Gong Xu at dali-dali siyang sumagot, "Ah? Www-wala! Okay lang ako!"

Sh*t! Kabaliwan ito! Kabaliwan! Kumalabog ang puso ko nang makita ko ang isang lalaki at nagayuma niya ako. Ang malala ba dito, ang lalaking iyon ay si Ye-ge!

Isa akong halimaw!

Siguro dahil matagal ako na walang naging ka-date!

Siguro yun nga, siguro...

Matapos nito ay nagsimula na ang shooting.

Nagdaldalan ang mga crew member na para bang hindi sila masyadong umaasa kay Luo Chen habang ang ilang artista ng Emperor Sky ay tila maangas ang kanilang mga pagmumukha, hinihintay nilang matunghayan ang magandang palabas. Naiinip na rin ang mga artistang gumaganap sa role ni Meng Xiao Roy, Qingqing at Liang Yue.

"3, 2, 1, action!"

Sa kagubatan:

Nahihiya si Meng Xiao Rou habang nang inangat niya ang kanyang mukha at siya'y umamin. "Ah… Ah-Chen… gusto kita…"

Pagkatapos nito, humarap ang camera at nag-zoom ito sa mukha ni Luo Chen.

Sa recording, nagulat muna si Lin Luo Chen bago maging komplikado ang kanyang ekspresyon. Alam niya na siya ay isang disipulo ng kalaban na panig, ngunit hindi niya maitatago ang nararamdaman niya para sa babae.

Ang great devil na naging manhid at nabigo sa pag-ibig ay sa wakas, pinakita niya ang bata at walang karanasan na binata na parte ng sarili niya, pinakita niya kung sino talaga siya….

Tutok na tutok si Song Jin Lin sa video recorder at bigla siyang nagulat. Pagkatapos ay bumalik ang sa katinuan ang kanyang isip at sumigaw siya, "Mahusay! Pasado, pasado!"

Nakahinga na ng maayos si Luo Chen at nag-bow siya sa harap ng lahat. "Salamat, direk! Salamat sa inyong lahat! Pasensya na kung naabala ko man kayo!"

"Walang problema, walang problema! Hindi lahat ay kailangang maging mahusay sa lahat ng pagkakataon!"

"Tama, napakahusay ng ginawa mo, Luo Chen! Gawin mo ulit yan sa susunod!"

Pinalakas ng lahat ang kanyang loob, bawat isa sa kanila ay pinuri si Luo Chen.

Naatasan ni Ye Wan Wan si Xiao Qing na magkaroon ng maayos na relasyon sa production crew dahil hindi magalang makihalubilo si Ye Wan Wan at Luo Chen sa mga tao. Maayos at okay lang ang impresyon ng mga crew kay Luo Chen kahit na nahihirapan at naguguluhan siya nitong mga nakaraang araw.

Sa oras na ito, umakto si Xiao Qing ayon sa bilin sa kanya ni Ye Wan Wan kaya matalino siyang nagsalita, "Pagod tayong lahat kaya ililibre tayo ng pagkain ni Luo Chen ngayong araw - nag-order kami ng pagkain sa Jade Pavilion! May mga regalo rin kami sa lahat at sana'y tanggapin niyo ang mga ito!"

Walang reklamo ang mga tao at makikita ang ngiti sa mukha ng lahat habang nagpapasalamat sila sa natanggap nilang pagkain at inumin.

Tiningnan ng masama ni Wan Shanshan si Luo Chen at nagalit siya sa lalaking ito. Pagkatapos ay tiningnan niya ang pinost niyang video sa Weibo at padami ng padami ang nag-share at nagkomento dito kaya ngumisi siya, "Ang bobo ng grupong ito! Hindi nila alam kung anong isyu ang binabangga nila! Naniniwala ako na susuko sila kapag naramdaman nila ang pwersa ng opinyon ng publiko at ito ang magsisilbing pabigat sa kanilang lahat!"

avataravatar
Next chapter