11 Natakot ko ba kayong lahat?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang atmosphere sa bahay ay dahan dahang lumamig. Ang relasyon sa pagitan nilang dalawa ni Si Ye Han ay parang bumalik na sa normal katulad ng dati bago ipanganak muli si Ye Wan Wan.

Ngunit ang takot niya sa lalaking nasa harap niya ay muling bumalik sa kanyang katawan.

Mabuti na lamang, sa pagkakataong 'yon, may narinig silang mga hakbang na sumira ng pagkakatali sa sitwasyon.

May kasamang mga gardener, florist, at builders si Xu Yi sa dining hall at sinabing, "9th master, 'yon pong mga aayusin sa garden… um…"

Naudlot ang sinasabi ni Xu Yi sa kalagitnaan at may nakita ang isang babaeng nakaupo sa kaliwa ni Si Ye Han. Tumigil siya saglit habang ang mga trabahador sa kanyang likod ay tinitigan siya ng may pagtataka.

Hindi lamang siya nagulat dahil sa kagandahan ng babae ngunit alam ng lahat na may malalang case ng OCD si Si Ye Han at nandidiri ito sa mga babae. Iisa lamang ang babae na kayang tiisin ng kanyang amo at ito ay wala ng iba pa kung hindi si Ye Wan Wan.

Kaya sino talaga ang babaeng 'yon?

Tumingin si Ye Wan Wan kina Xu Yi at sa mga trabahador. Kumagat siya ng dumpling na hipon at humingi ng kapatawaran, "Uh, nakalimutan ko maglagay ng makeup ngayon, natakotba kayong lahat?"

Ye… Ye Wan Wan!!!

Nagulat ang lahat pagkatapos nilang marinig ang boses ng babae.

Ang pangit na nilalang na 'yon ay mukhang kakila-kilabot pero nay magandang boses, katulad ng malinis na tubig sa Jiang Nan, crystalline at maliwanag.

Ngunit ang boses na 'to ang nagdulot para lahat sila magulat. Sabagay, simula noong pumasok siya sa Jin garden, lahat ng mga taong ito ay nagdusa rin.

Ang babaeng nasa tabi ngayon ng master ay kasing ganda ng lotus flower na umusbong mula sa ilalim ng tubig, ay talagang si Ye Wan Wan?

Sa pagkakita ng reaksyon ng lahat, napaisip ng seryoso si Ye Wan Wan, "Paniguradong mas maganda ako dati ano? Naaalala ko na lahat kayo ay nabigla noong nagkulay ako ng buhok ko ng green! Siguro kailangan ko na ito ibalik ulit sa dati?"

Hindi sila nagulat; silang lahat ay halatang natakot.

Bumalik na sa ulirat si Xu Yi at tumanggi, "Hindi hindi, Miss, mas maganda ka ngayon!"

Hindi niya inaakalang ganito ang itsura ni Ye Wan Wan ng walang makeup.

Ang totoo, wala pala talagang issue si Miss Ye sa pagko-coordinate ng mga kulay, ngunit, mayroon silang mental issues?

Siguro matalas talaga ang mga mata ni Master. Paano naging posible na nakita niya ang tunay na Ye Wan Wan sa likod ng sing kapal ng dingding na makeup nito?

Kung alam lamang ni Ye Wan Wan kung ano ang tumatakbo sa isip ni Xu Yi, paniguradong sasabihin niya na ang master nito ay hindi kilangan tumingin sa kung ano ang mayroon sa 'dingding' na 'yon, kung hindi, ang master niya ay nawiwili sa 'dingding' na 'yon.

"Narito ba kayong lahat para pag-usapan ang pag-aayos ng garden?" tanong ni Ye Wan Wan.

Awtomatik na tumango si Xu Yi, "Opo."

Nagtanong si Ye Wan Wan, "Maari ba akong magbigay ng ilang suggestion?"

Dahil dito rin naman ako titira pansamantala, bakit hindi ko na lang gawing komportable ang aking sarili ayon sa gusto ko?

Hindi ako maaaring pumasok sa eskwelahan, pero pwede naman siguro ito 'di ba?

Naalala niya na bukod sa pag-alis, pumapayag din si Si Ye Han sa mga pakiusap niya.

Ngunit pagkarinig nito sa pakiusap ni Ye Wan Wan, parang gustong magpakamatay ni Xu Yi. Pumunta agad siya kay Si Ye Han upang humingi ng tulong, umaasang pwede siyang magpasya para sa kanyang sarili.

9th master! Pakiusap, nagmamakaawa ako! 'Wag niyo na po siyang hayaan na sirain ang garden!

Sumagot si Si Ye Han kay Ye Wan Wan ng tatlong salita, "Bahala ka na."

Xu Yi: "..."

Sige, alam ko namang magiging ganito talaga.

Wala nang nagawa pa si Xu Yi kung hindi tanggapin ang kanyang mahirap na kapalaran at nagtanong, "Miss, ano pa po ang inyong mga pakiusap?"

Nag-isip ng mabuti si Ye Wan Wan, "Hindi ko gusto ang roses at lavander, maari mo bang palitan ito ng sunflowers?

Panandaliang walang masabi si Xu Yi. Tinanong niya ito, "Miss, gusto mo ng sunflowers?"

Kumpara sa "Sunugin mo ang mga bulaklak" o "Tanggalin mo lahat" na tipo ng pakiusap, ang pakiusap ni Ye Wan Wan ay sobrang normal.

Napaisip si Ye Wan Wan sandali at sinabing, "Parang so-so lang naman."

Hindi maintindihan ito ni Xu Yi, "Kung ganoon, bakit…"

Nagningning mga mata ni Ye Wan Wan, "Para sa future pwedeng iprito at kainin 'yong mga buto nito!"

Xu Yi: "Er…"

Si Ye Han: "..."

May tinuro si Ye Wan Wan sa may kalayuan sa gilid, "Tsaka 'yong pond doon, 'wag niyo na itago ang mga patay na mamahaling Koi doon. Mahina sila ay hindi pwedeng kainin. Maglagay kayo ng grass carps, silver carps, maliliit na sea shrimps… Palitan 'yong rose pergola at gawing grape pergola… Actually, pwede rin kayong magpalaki ng kamote dyan…"

avataravatar
Next chapter