821 Nasa mahirap na sitwasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinaumagahan, nagkaroon ng company meeting.

Pinuri ni Cai Yong Sheng ang sarili niya, "Simula nang namuno ako, lalong sumikat at pinaguusapan ng lahat sila Lucy, Luo Chen at Gong Xu - panalo silang tatlo dahil sa nangyari! Sa panahon natin ngayon, hindi lang tayo pwedeng mag-shoot ng movie at hanggang doon na lamang iyon. Dahil kung hindi, hindi na sila pag-uusapan ng mga tao at hindi na rin aangat ang kasikatan nila, tama?"

"Tama, tama, tama ang si Director Cai!"

"May potential talaga si Lucy. Sumikat kaagad siya simula noong nag-debut. Tunay nga na magaling talaga si Cai Yong Sheng!"

Sumang-ayon ang ilan sa mga matataas na opisyal.

Nagkunwari na mapagpakumbaba si Lucy Yang nang sinabi niya, "Masyado niyo akong pinupuri. Nagpapasalamat lang talaga ako sa tulong na binigay ni Director Cai!"

Tuwang tuwa si Cai Yong Sheng habang tinitingnan niya sila Gong Xu at Luo Chen, agad niyang inutusan ang mga ito, "Inihanda ko na ang susunod niyong destinasyon. Sa susunod na linggo, magiging parte kayo ng reality show ng Imperial City at kasama niyo dito si Lucy. Ang tawag sa reality show at 'Totally In Love'..."

Hindi na kayang makapagtimpi ni Gong Xu. Hinampas niya ang lamesa at bigla siyang tumayo. "Sino ka para asikasuhin ang itinerary ni master?! Sino ka ba, huh?!"

Tumawa si Cai Yong Sheng at tiningnan niya ng patagilid si Gong Xu. "Tsk tsk, Gong Xu. Kahit na manager mo si vice-president Ye, ang kontrata mo ay nasa kumpanya pa rin at dahil ako ang director ng talent recruitment, ako ang magdedesisyon sa mga work assignments ng mga artista; walang karapatan si vice-president Ye para kwestyonin ang ginagawa ko ngayon. Kung ayaw mong sumunod, dalhin mo ang mga reklamo mo kay chairman Chu!"

"Huwag mong gawing panlaban sa akin si Chairman Chu, Cai Yong Sheng! Ikaw…"

Sumimangot si Luo Chen at pinaalalahanan niya si Gong Xu, "Tama na yan, Gong Xu. Huwag mo nang pahirapan si Ye-ge. Kapag pinagpatuloy mo ang gulo na ito, maiisip ng lahat na sinabihan ka ni Ye-ge na umakto ng ganito, kahit pa ideya mo ito o hindi. Mahirap na nga ngayon ang sitwasyon ni Ye-ge, eh!"

"Punyeta…" mahigpit na sinara ni Gong Xu ang kanyang kamao.

Kung nakaraan lang ito nangyari, hindi niya kakayanin ang walang kwentang mga ugali ng mga tao...

Gayunpaman, dahil siguro ito sa suporta ng kanyang pamilya at hindi dahil sa kanya.

Ang dalawang kapatid niyang lalaki ay mga eksperto sa kanilang mga larangan at sila ang pinagmamalaki ng kanyang mga magulang. Siya lang ang walang dalang larangan sa kanyang pangalan at patuloy pa rin siyang nasa poder ng kanyang pamilya noon.

Noon, hindi niya pinahalagahan ang pamilya niya at ngayon niya lamang nalaman na tama pala sila - wala siyang kwenta kapag wala sa pangalan niya ang bansag na young master Gong at hindi niya rin nagawang protektahan ang mga taong importante sa kanya...

Mahigpit na hinawakan ni Luo Chen ang braso ni Gong Xu. "Mag-uusap ulit tayo pagkabalik ni Ye-ge!"

Huminahon si Gong Xu at umupo na siya.

"Kumpirmado na! Meeting adjourned!" Pangasar na tiningnan ni Cai Yong Sheng ang dalawa.

Isa sa kanila ay isang tigre na walang ngipin, habang ang isa ay hindi kilala at walang pagkakakilanlan. Wala sila kung wala ang malaking puno na ang Wolrdwide; mababawi lahat ng binigay sa kanila ng Worldwide kung hindi sila susunod, at hindi na rin nila tatangkain na isipin kung sisikat pa sila!

City C:

Bumalik na sa hotel room si Ye Wan Wan, pagkatapos ng kanyang trabaho.

Tulad ng inaasahan niya, pagkabukas ng kanyang laptop. Nakita niya ang umaapaw na mga iskandalo sa internet na tungkol kaila Gong Xu, Luo Chen at Lucy Yang.

Hinubog ni Cai Yong Sheng si Lucy Yang bilang isang perpektong diyosa habang sila Gong Xu at Luo Chen ay parehas na umiibig sa kanya at ginamit sila bilang kasalungat niya.

Hindi nila maiisip na sasabog na sa sobrang galit si Gong Xu...

Tatlong araw...

Pagkalipas ng tatlong araw, matatanggap nani Ye Wan Wan ang final sum ng pera at mababayaran niya na ang utang niya para sa bahay. Hindi na siya magiging kontrolado ni Chu Hong Guang kapag natapos na ito...

avataravatar
Next chapter