752 Nasa akin ang huling desisyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malalaking alon ang humampas sa kanila dahil sa mga sinabi ni Ye Wan Wan - sila Xue Li, ang grupo ng mga eksperto at ang may-ari ng Hui Cui Workshop, si Hou Maofeng, ay nagkaroon ng malaking transpormasyon ng kani-kanilang mga mukha.

"Boss Hou, 'wag kang magalit. Hindi lang siguro nagkaroon ng pagkakaintindihan. Ako na pong bahala!"

Pinakalma ni Xue Li si Hou Maofeng habang galit niyang kinakausap si Ye Wan Wan: "Miss Ye, alam ko na may problema ka kay Director Qin, pero itago mo na lang sa sarili mo ang nararamdaman mong 'yan at ihiwalay mo ang personal sa trabaho. Hindi mo man lang kami kinausap at nag-desisyon ka lang ng sarili mo. Anong gusto mong iparating?!"

Tumayo si Eleven nang marinig niya iyon, "Deputy director Xue, wala kayong napag-usapan ni Mis Wan Wan bago pa kayo gumawa ng desisyon - hindi ba't kayo ang mga makasarili na gumawa ng desisyon?"

Huminga ng malalim si Xue Li. "Ikaw… sige, gusto mong mag-usap tayo ngayon. Sinabi ko na ang mga rason kung bakit kailangan nating bilhin ang mga ito. Mataas na kalidad ang mga materyales na ito at ginawa ni Director Qin ang lahat ng makakaya niya para makuha ito…"

Sinuportahan ng kamay ni Ye Wan Wan ang kanyang noo at hindi niya ginambala si Xue Li. Nakinig lamang siya sa magaling na talumpati ni Xue Li sa mga nagawa ni Qin Ruo Xi.

Bumulong si Ye Wan Wan nang matapos si Xue Li, "Tapos ka na? Pwede na akong magsalita? Ako ang namumuno sa pangunguha ng mga bato, kaya nasa akin ang huling desisyon."

Muntikan nang sumuka ng dugo si Xue Li. "IKAW…"

Ginagamit niya ang kapangyarihan niya para sirain ako...

Anong halaga ng pakikipagusap ko sa kanya?

Noong una, nag-aalala si Eleven kung paano haharapin ni Ye Wan Wan ang sitwasyon. Hindi niya inakala na magiging simple at masama si Ye San Wan. Bigla siyang naubo at kinamot niya ang kanyang ilong dahil dito.

Gumana ba talaga 'yon?

Pagkatapos ng nangyari, narinig nila ang cheer na parang cheerleaders ang sabay-sabay na sumisigaw ng kanilang slogan. "Boss Famous, kasing ganda niya ang bulaklak, ganda ganda ganda, napaka-ganda ganda ganda!"

"Pfff—" binuga ni Ye Wan Wan ang tsaa na nasa bibig niya.

Ito ba ang binanggit nilang hindi bayolente na panghiganti nila?

Ngumiwi at pumangit ang mukha ni Xue Li nang makita niya ang limang sunod-sunuran ni Ye Wan Wan na gumagatong pa sa apoy.

Sinubukang hikayatin ng tatlong eksperto si Ye Wan Wan dahil wala nang pinapatunguhan ang sitwasyon nila.

"Miss Ye, isipin mong maigi ang desisyon mo!"

"Kahit na hindi kritikal ang misyon, mahirap na makahanap ng kapirasong maayos na jade. Kalahating taon ang hinintay ng jewelry business at kapag namintis natin ang oportunidad na ito at ibang tao ang makakakuha ng mga mamahaling bato, lubha tayong malulugi…"

May narinig na malakas na "bang" ang narinig sa buong lugar. Napakinggan ni Hou Maofeng ang pinaguusapan nila kaya hinampas niya ang lamesa at nagwala siya.

"Kalokohan! Kawawa ka naman pala! Tumanggi ako sa mga umaalok sa akin ng mataas na presyo para makuha ang mamahaling produkto na ito pero nireserba ko pa rin ito, para sa inyo. Ngunit, kinamuhian niyo produkto ng Hui Cui Workshop? Mr. Xue, ito ba ang ibig sabihin ng katapatan na sinabi mo kanina?"

Galit si Xue Li habang tinititigan niya si Ye Wan Wan at sinabi niya, "Maling pagkakaintindihan, nagkaroon lang ng maling pagkakaintindihan. Hayaan mo akong magpaliwanag, Boss Hou…"

Naging manhid ang itsura ni Hou Maofeng nang umentra siya kay Xue Li. "Hindi na, 'wag ka nang magsalita. At tsaka, nireserba ko ang magandang produkto ko para kay Miss Qin lamang, kaya wala kayong ideya kung ano ang magandang klase ng bato, hindi ko kayi kailangang respetuhin pa! Umalis na kayo dito!"

Tinitigan nang masama ng galit na shop assistant si Ye Wan Wan at masakit ang mga sinabi niya. "Hindi naiintindihan ng babaeng ito ang market. Sa tingin niya ba, ang mga pamilihan ng mamahaling mga bato na nakapalibot sa city H ay may magandang produkto? Magara ang materyales nito, hindi mo ito makukuha kahit maghintay ka ng matagal na panahon - may ideya ba siya kung gaano karaming tao ang gustong kunin ang mga produkto na ito?"

avataravatar
Next chapter