465 Napalitan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para sa mga fans ng orihinal na gawa bilang karagdagan ng walang pinapanigang manunuod, ang pagbanggit ng pangalan ni Lin Zong ay nagpahayag ng kapangyarihan at katanyagan.

Nang sabihin iyon ni Song Jin Lin, tinignan ng lahat si Luo Chen ng may ibang liwanag.

[kahanga-hanga! Siya ay tunay na orihinal! Ito ang dahilan kung bakit lubos niyang naiintindihan ang karakter! Nakuha niya pang higitan ang lakas ni teacher Lin Zong!]

[salamat sa production team para sa live broadcast ng casting, hinayaan tayong masaksihan ang pagbabalik ni Lin Luo Chen sa ating mga puso!]

[si Lin Luo Chen ay walang iba kundi si Luo Chen!]

...

Nang makita ang nakakabaliw na bilang ng mga kumento sa bullet screen, naging kulay berde ang mukha ni Wu Zheng Fei.

Sa una, nais niyang mapalakas ang reputasyon ni Xu Ming at kahit na kumuha siya ng tao para magplano ng lahat ng klaseng balita na nailabas na; sinong mag-aakala na si Xu Ming ay tagalang ginamit bilang isang taga-suporta sa halip, hinahayan niya ang lalaking ito na makasama niya?

Pinili pa rin nila na i-broadcast ang buong casting ng live. Mahirap na para sa kanya ngayon na ibahin ang opinyon ng publiko o sikretong suhulan si direktor Wang upang palitan ang resulta.

Lubos niyang minaliit ang kanyang kalaban sa mga oras na ito!

Matapos sabihin iyon ni Song Jin Lin, siya ay kaagad na tumayo at personal na naglakad patungo kay Luo Chen. "Maligayang pagdating 'Terrifying Dragon 2; natutuwa ako na makatrabaho ka muli!"

Nang marinig ang mga sinabi ni Song Jin Lin, bahagyang nangatog ang puso ni Luo Chen. mabagal niyang inabot ang kanyang kamay at sinabi, "maraming salamat direktor Song sa pagbigay sa akin ng oportunidad na ito!"

Nang masaksihan itong makasaysayang sandali kung kailan ang mga orihinal na cast member ay matagumpay na napili para sa parehong bidang lalaki at supporting actor, ang lahat ay sabik sa bullet screen.

Laging mataas ang tingin ni Xu Ming sa kanyang sarili; hindi niya inaasahan na siya ay matatalo sa isang baguhan. Agad siyang tumalikod at umalis.

Wala ng dahilan pa upang manatili. Galit ang itsura ni Wu Zheng Fei at nagmamadaling sinundan ito.

Gayun pa man, nang ungkatin ang nakaraan ni Luo Chen, biglang nagsalita si Luo Chen, "Mr Wu, may nakalimutan kaba?"

Bahagyang inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay - hindi niya naisip na ang munting tupa ay aatake.

Ang mga ipin ni Wu Zheng Fei ay nangangalit at humingi ng paumanhin, mapagkunwaring ngumiti: "paumanhin, tunay na mahusay ang tricks ni manager Ye.

Nang siya ay natapos na, huminga siya ng malalim at naglakad na palayo.

Matapos pag-usapan ni Ye Wan Wan at ng direktor ang ibang mga detalye ng collaboration, umalis na siya ng gusale kasama si Luo Chen.

Ang casting na kanilang inihanda ng matagal na panahon sa wakas ay natapos na at sa wakas din ay nakahinga na ng maluwag si Ye Wan Wan.

Dazzling Media:

Matapos nila makabalik sa opisina, agad na inihanda ni Ye Wan Wan ang arrangements na kinakailangan ni Luo Chen para sa pag pirma ng kontrata.

Ang team din ni Luo Chen ay naghanda na din.

Kung kailan naglagay na si Ye Wan Wan ng recruitment notice, umalis naman ito upang magtungo sa country B, kaya isang assistant lang ang nagawa niyang kunin.

"Terrifying Dragon 2" ang iyong unang palabas bago ka pa bumalik. Sa tingin ko hindi ko na dapat alalahanin ang kahalagahan ng palabas na ito sayo. Ngayon, kailangan mo gawin ang bagay na ito - pagtuunan mo lang ng pansin ang script. Bilang sa ibang mga bagay, ako ay…"

Nakaupo si Ye Wan Wan sa harapan ng kanyang lamesa at kinakausap si Luo Chen nang may nagmamadaling kumatok sa kanyang pintuan.

"Pumasok ka."

Mukhang galit na galit si assistant Xiao Qing ng itulak niya ang pintuan at pumasok. Balisa siyang tumingin kay Luo Chen at Ye Wan Wan at sinabi, "Ye-ge, may problema tayo! Ang production crew ay tumawag at sinabi sa atin na…."

"Ano iyon?" kumunot ang kilay ni Ye Wan Wan.

"Sinabi nila na papalitan nila ang supporting actor ng iba at hindi na nila kakailangan pa kaihit kailan si Luo Chen!"

"Ano?" natuliro si Ye Wan Wan, nang marinig niya iyon. Ang mukha ni Luo Chen ay unti-unting nagiging maputla.

avataravatar
Next chapter