157 Napakawalang hiya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tahimik na nakahinga ng maayos si Song Zi Hang nang mapaniwala niya ang kanyang mga magulang sa mga pinagsasabi niya.

Buti na lang, nagpakita siya ng kabaitan sa harap ng mga magulang niya at ni Yan Ran. Kahit pa si Jiang Hai Chao ay hindi naka-suspetya ng masama sa kanya at ganun din sa kanyang mga magulang.

Paano nangyari ito...

Bakit natapos ang lahat ng ganito lamang?

Sa isang sandali, nawala ang lahat sa kanya. Wala na ang proyekto at ang kolaborasyon ng pamilya, wala na ring halaga ang production line. Baon na baon na rin sa utang ang Song family at ma-bankrupt na!

Kilala niya si Jiang Yan Ran at may kumpyansa siya sa kanyang sarili na walang kawala ang dalaga sa kanya. Kahit ano pang gawin niya, hindi tumututol si Jiang Yan Ran kasi natatakot siyang kamuhian siya ni Song Zi Hang at kahit ang sarili sa sarili niyang bahay hindi siya makapagreklamo.

Ano naman kung pinrotektahan niya si Meng Qi at umamin ng pagmamahal niya sa harap ng publiko? Lalo lang magseselos si Yan Ran at gagawin ang lahat para mapasakanya muli si Song Zi Hang.

Ngayon, inayos niya ang kanyang sarili at nagpaganda para kay Chu Feng upang ipakita ito kay Song Zi Hang para iudyok niya na baguhin ang isip niya 'di ba?

Hindi inasahan ni Song Zi Hang na ipapatigil niya talaga ang engagement sa pagitan ng dalawang pamilya!

P*tang*na! Sabi ko na eh, kasalanan ito ng babaeng iyon, napuno na siya at kinailangan niyang maghanap ng mabigat na paraan para makuha ako!

Siniyasat ni Song Zi Hang ang kanyang ama, "Dad, ano na ang gagawin natin?"

Binalot ng matinding pagod ang mukha ni Mr Song, "May isang paraan ako na naisip. Maayos ang lahat ng ito kung gugustuhin ng Jiang family na makipagtrabaho tayo sa kanilang proyekto sa gobyerno.

Pero kung gusto talaga ni Jiang Hai Chao na maging brutal, hindi ko hahayaang maging madali ito para sa kanya; makikipaglaban ako hanggang masira ang dalawang pamilya. Gusto kong malaman ang sakim at masamang ugali ng mga Jiang! At doon lamang natin makikita kung gaano nila paghihirapan ang kanilang trabaho sa field na ito at kung ikakasal pa ang kanilang anak!"

Nandilim ang itsura ni Song Zi Hang, "Tama ka dad! Hindi dapat pagnakawan ang Song family!"

Nadurog ang puso ni Mrs Song nang tiningnan niya ang kanyang anak, "Lubha kang nahirapan ng ilang taon Zi Hang! Kahit pa naging mabait kay Yan Ran, naging masama pa din ang mga Jiangs!"

Nagmamadaling umalis si Song Zi Hang papuntang eskwelahan, punong-puno siya ng galit habang nagmamadaling umalis.

Sa parehong oras, sina Ye Wan Wan at Jiang Yan Ran ay masayang kumakain ng napakarami sa barbecue stall, nagsasaya sila dahil sa nangyari sa mga Songs habang naglalakad-lakad sa sports grounds para tunawin ang kanilang kinain.

Biglang nag-ring ang phone ni Jiang Yan Ran.

Binuksan ni Jiang Yan Ran ang kanyang phone para malaman kung sino ito, "Niyayang makipagkita ni Song Zi Hang."

Umangat ang tingin niya kay Jiang Yan Ran at hindi siya naabala dito, "Makipagkita ka sa kanya!"

Magandang oportunidad ito para makita ni Jiang Yan Ran ang tunay na kulay ng mokong na iyon.

Pinindot ni Jiang Yan Ran ang kanyang mga daliri sa phone at sumagot: Nasa sports grounds ako.

"Uupo ako doon at hihintayin kita!" Umalis si Ye Wan Wan at umupo sa malapit na mga stands.

Mabilis na pumunta doon si Song Zi Hang, nagtatakbo na kasing bilis ng hangin papunta kay Jiang Yan Ran.Nakayanan ni Song Zi Hang na makahing ng maayos at mabilis na sinigaw-sigawan si Jiang Yan Ran, "Jiang Yan Ran! Hindi ko inaasahan na ganito kang uri ng tao! Tinapon mo ko para makipagtalik sa gigolong si Chu Feng! At sinabi mo talaga sa tatay mo na itigil na ang engagement! Sa tingin mo ba tatapusin ng mga Jiangs ang engagement ng ganoon na lang? Ano sa tingin mo sa Song family? Maninira ng buhay mo?!"

Tiningnan ni Jiang Yan Ran ang lalaki sa harap niya ng walang emosyon, "Tapos ka na?"

"Ano? Tama ako 'di ba? Guilty ka na ba? Hindi inakala na napakasama mo pala! Sa pamilya ko dapat ang project na iyon; sino ka para nakawin yon sa amin?!"

Nagulat si Ye Wan Wan sa pinagsasabi ni Song Zi Hang, nagulat siya na napaka-walang hiya pala ni Song ZI Hang.

avataravatar
Next chapter