573 Napakalupit!!!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumayo sa iisang pwesto si Ye Wan Wan at walang emosyon ang kanyang mukha habang nakatikom lamang ang bibig niya nang napakinggan niya ang pagkukunwari si Yuan Sheng.

Nagsimulang mag-pose si Yuan Sheng pagkatapos niyang magsalita - nakaharap ang kanyang mga palad at ang isa niyang binti ay nakataas sa kalangitan. Ang buong katawan niya ay parang tigre na lumalakbay pababa ng isang bundok - dominante at nakakatakot ang itsura niya.

Hehe, dumating sa tamang oras ang babaeng ito. Nahihirapan pa naman akong maghanap ng paraan para mapakita ang katapatan ko kay Miss Ruo Xi...

Halos lahat ng tao sa ibaba ng ring ay pumapalakpak, maliban sa Dark Team 1. Ayaw nila ang isang babae na bigla na lang pumapasok ng ring nang walang pahintulot, ayaw din nilang inuutusan at hinushusgahan sila.

"Nakikipaglaro kay kamatayan ang babaeng ito at sa kagustuhan niya pa; kailangan na natin siyang turuan ng leksyon!"

"Akala niya, mahina ang Dark Team 1 ha?"

"Masyado nang marami ang tatlong atake lider Yuan - isang atake lang ay sapat para talunin ang babaeng iyan. Napakahina niya at natatakot ako na baka mabali ang buto niya gamit ang kalahating atake niya lamang…"

...

Walang pakialam si Ye Wan Wan sa mga pangangasar nila. Nilagay niya sa likod ang isang kamay niya at humarap siya kay Xu Yi. "Maaari na ba kaming magsimula?"

Napa-ubo si Xu Yi. "Oo oo, pwede na kayong magsimula. Kailangan kong ipaalala sayo Miss Wan Wan - walang mata ang kamao at paanan mo kaya responsable ka sa buhay at kamatayan mo, seguridad mo ang pangunahing responsibilidad mo kaya 'wag kang aatake base sa emosyon mo. 'Wag kang…"

Sumimangot si Ye Wan Wan. "Ang ingay."

Naghanda si Xu Yi ng mahabang listahan ng pagpapaalala na hindi niya nasabi kanina. Biglang may nilalang na lumipad sa ere nang matapos ang pangungutya ni Ye Wan Wan.

Sa isang saglit, maririnig sa buong lugar ang malakas na "pow——"

Ang kanina'y mayabang at walang hirap na umatake na si Yuan Sheng ay parang sirang saranggola ngayon. Sinipa siya ni Ye Wan Wan at tumalsik siya papunta sa poste sa gilid ng ring.

Nagkaroon ng lamat ang poste.

Sumuka ng dugo si Yuan Sheng at napasandal siya sa may poste bilang suporta para hindi siya malglag sa labas ng ring.

Xu Yi: "..."

Walang reaksyon si Yuan Sheng sa nangyari ngunit nabigla siya nang nag-mukhang malaking bundok ang siko ni Ye Wan Wan na humampas sa kanyang braso.

"Ah——" mabilis na nalaglag sa lapag si Yuan Sheng.

Xu Yi: "..."

Tumayo si Yuan Sheng at wala hindi siya makakuha ng pagkakataon na intindihin ang mga nangyari noong umatake sa kanya ang nakakatakot na nilalang. Muling humampas ang katawan nita sa poste...

Xu Yi: "..."

"Bang" mabilis na nawarak ang poste. Tumalsik na naman ang katawan ni Yuan Sheng at mukhang tatalsik na siya palabas ng ring.

Yari ako!!!

Sa oras na iyon, may malakas na pwersa na humablot sa kwelyo ni Yuan Sheng. Brutal siyang pinasok sa ring ng pwersang iyon at hinampas siya sa lapag, kaya may malakas na pasabog ng buhangin ang nasilayan ng lahat.

"Aray…" *cough cough"

Sa loob ng limang segundo ay natapos na ang tatlong atake...

Nabali at nagpira-piraso ang sternum ni Yuan Sheng. Ang likod niya ay napakasakit at namamaga ang sugatan niyang mukha habang tumutulo ang dugo.

Nakapanliliit na tiningnan ni Ye Wan Wan ang lalaking malalaglag na ng ring, ngunit binalik na naman siya ni Ye Wan Wan sa loob. Ngumiti siya at mababa ang boses niya nang sinabi niya: "Gusto mo agad itong matapos? Hmm… pasensya na pero, hindi ako papayag… bigyan mo pa ako ng kalahating oras at 'wag nating sayangin ang oportunidad na ito…"

"Pow" tumalsik na naman ang katawan ni Yuan Sheng na parang basahan.

Pagakatapos nito, binalot ang buong ring nga tunog ng hinahampas na katawan at ang paulit-ulit na nakakapangilabot na tunog ng binabali na buto...

Walo ang bilang ng lahat ng poste na naka-posisyon sa ring at lima na ang sinira ni Yuan Sheng...

Xu Yi: "..."

avataravatar
Next chapter