1032 Napakahusay ng panlasa ni hipag

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kabilang dulo ng karagatan, sa loob ng lumang antigong bahay:

Isang marangal at eleganteng babae ang nakaupo sa sulihiyang upuan sa hardin at tinitignan ang mga litrato sa kanyang telepono,

"Nagpadala ang punk na 'yon ng mga litrato?" dahan-dahang lumapit ang isang lalako sa kanya.

"Oo." tumango ang babae at marahang nanghimutok. "Kahit gaano pa natin kamahal si Tangtang, hindi tayo pwedeng humalili sa magulang niya. Tignan mo kung gaano kasaya ang ngiti ni Tangtang! Ganito dapat ang bawat bata!"

Huminga ng malalim ang lalaki. "Bakit ganyan ang itsura mo kapag masaya si Tangtang?"

Kita ang lumbay sa mga mata ng babae. "Gaano kaganda kaya kung ang babaeng iyan ay ang anak natin!"

Niyakap ng lalaki ang kanyang asawa at marahan itong inaliw. "Huwag ka ng malungkot. Hindi ba may balita na tayo? Mahahanap natin siya panigurado!"

"Sana talaga mahanap natin siya ngayon…"

Little Rose Garden, sa kwarto:

May hawak na cute na onesie si Si Ye Han na may cartoon na baka na nakaburda ito. Para bang nakatagpo siya ng napakalaking problema.

Nakaupo si Tangtang sa kama na nakasando at salawala at seryosong nagmungkahi, "Tingin ko mas maigi kung si Mommy ang magsusuot sa akin."

Sumulyap si Si Ye Han sa bata. "Subukan ulit natin"

Hindi pumapayag ang bata. "Parehas labg ang magiging kalabasan nito."

Tinitigan ni Si Ye Han ang pajamas sa kanyang mga kamay bago ito kuhanan ng litrato at ipost sa group chat.

Matapos niyang umalis sa grupo noon, sinama muli siya ni Lin Que.

[Si Ye Han: Paano ko ito isuot.]

Agad na naging online si Lin Que. Maari na talagang nababagot siya at nakatitig lang sa phone niya buong araw at gabi.

[Line Que: Ninth Brother… ang grupo ba natin ay… serbisyong pang-costumer… para sa 'yo?]

Malungkot na sumagot si Lib Que...

[Lin Que: Ninth Brother, ano ang nasa litarto? Damit ba 'yan? Hindi ba sila kakaiba? Sino ang bumili niyan?]

[Si Ye Han: Wan Wan.]

[Lin Que: Sobrang cute ng mga damit na 'yan! Napakahusay ng panlasa ni hipag! Ang galing!]

Mataktikang nag-iba ng tono si Lin Que.

[Lin Que: Oo nga pala, Ninth Brother, parehas kaming single ni Xie Zhezhi. Bakit naman namin malalaman kung paano magsuot ng damit ng bata? Tulungan kita at magtanong sa mga kaibigan ko kung may alam sila!]

[Xie Zhezhi: May mga kaibigan kang hindi single? Bakit hindi ko ito alam?]

Biglang nagpakita si Xie Zhezhi.

[Lin Que: P*ta! Parang ikaw hindi naman!]

Pinanood ni Si Ye Han ang pag-uusap ng grupo, napagtanto niya na maling tao ang pinagtanungan niya.

"Baby, tapos ka na bang maligo?"

Sa sandaling iyon, rinig ang boses ni Ye Wan Wan mula sa labas.

"Mommy!" agad na naging masaya ang bata nang marinig ang boses ni Ye Wan Wan.

"Eh… ano iyon?" sa sandaling pumasok si Ye Wan Wan, nakita niya na may hawak si Si Ye Han na pajamas na parang isang mahirap na problema sa siyensa.

"Hindi alam ni Daddy kung paano isuot," singit ni Tangtang.

"Oh…" sabi ni Ye Wan Wan.

Nakalimutan ko ang tungkol dito...

"Ako na!"

Kukunin na sana ni Ye Wan Wan ang pajamas, pero hindi man lang kumibo si Si Ye Han. "Turuan mo ako."

Bakit niya naman hahayaan ang asawa niya na damitan ang ibang lalake!

Hindi inasahan ni Ye Wan Wan na magugustuhan ni Si Ye Han si Tangtang na gugustuhin nito na suotan ang bata, pero masaya naman siya at agad na sumagot, "Sige, turuan kita! Una, baligtarin mo muna at buksan mo ang mga nakatagong butones sa loob. Tapos, ilagay mo muna ang mga binti tapos ang mga braso naman…"

Sinunod ni Si Ye Han ang turo ni Ye Wan Wan at inumpisahan na damitan si Tangtang.

Binuka naman ng bata ang kanyang mga braso, pero puno ng hinanakit ang kanyang mga mata...

avataravatar
Next chapter