960 Napakadilim

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bakit naman ito tinanong sa akin ni Tang Tang?

Kakaiba ang naramdaman ni Ye Wan Wan sa tanong ni Tang Tang, kaya tinanong niya ito, "Ano iyon, Tang Tang? Ayaw mo ba ang Ge ge na nakasuot ng dilaw na jacket?"

Ilang beses na nag-iba ang itsura ng batang lalaki bago siya magsalita, "Hindi, gustong-gusto siya ni Tang Tang."

Basta't gusto siya ni Mommy, gusto ko na rin siya.

Nagtaka si Ye Wan Wan. Bakit parang… nabibigatan si Tang Tang?

Na-bore si Gong Xu pagkatapos niyang kumain kaya naisip niyang pumunta sila sa bar. Kasama pa ni Ye Wan Wan ang bata kaya hindi siya makasama sa kanila. Sinabihan niya na lamang sila na umalis na lamang sila ng wala siya.

Ayaw umalis ni Gong Xu nang wala si Ye Wan Wan kaya naisipan niyang pumunta na lamang sa isang KTV na lugar.

Napansin ni Ye Wan Wan na interesadong sumama ni Tang Tang, kaya sabay silang pumunta doon.

Sa top floor ng KTV.

Isa lamang ang pribadong silid sa top floor. Walang tao dito at pinapanatili nito na hindi makakapasok ang hindi imbitado.

Sa loob ng VIP room, hawak-hawak ni Gong Xu ang mikropono habang umuungol siya ng parang multo at lobo.

Nakaupo sa isang gilid si Ye Wan Wan habang hinihiwaan niya ng almonds si Tang Tang. Mabait at masunurin na nakaupo ang batang lalaki sa tabi niya. Hindi siya umalis o nagreklamo kay Ye Wan Wan kahit puro tawanan at ingay ang kwarto.

Iniba niya ang tingin at ekspektasyon ni Ye Wan Wan sa mga nilalang na tinatawag na "mga bata."

Kaswal na nagtanong si Han Xian Yu, "Abala ba ang mga magulang ng batang ito?"

Kumibo ang gilid ng mga labi ni Ye Wan Wan at hindi siya makasagot sa tanong ni Han Xian Yu. Niloloko na lang nila ang batang ito kung abala talaga ang mga magulang niya sa ibang gawain...

Saang lupalop ng mundo matatagpuan ang mga iresponsableng magulang niya? Inabandona nila ang batang ito at umalis sila ng walang pasabi kung saan sila pupunta...

Sa oras na iyon, sa labas ng pintuan ng KTV.

May nag-park sa labas ng itim na Cayenne.

Mabilis na bumaba ng sasakyan at binuksan ni Xu Yi ang passenger door na nasa kabilang bahagi. Muntikan na siyang madapa dahil hindi siya naging maingat.

"Okay ka lang, special assistant Xu?"gulat na sinabi ng drayber.

"Wala ito, wala ito…" pinunasan ni Xu Yi ang kanyang pawis at nagmadali siyang buksan ang pintuan para sa kanyang master.

Paano naging wala iyon?!!!

Wala kamong okay!

Masyadong malala ang insidenteng ito!

Kailangan ko pa rin sabihan si Miss Wan Wan kahit na magagalit muna ako...

Sa loob ng ni-reserbang kwarto, nakikipagdaldalan si Ye Wan Wan kay Han Xian Yu nang biglang mag-ring ang phone niya.

Tinatawagan siya ni Xu Yi.

Bakit ako tinatawagan ni Xu Yi ng ganitong oras na?

Nilabas ni Ye Wan Wan ang kanyang phone at sinabihan niya si Tang Tang, "Tang Tang, may tumatawag sa akin. Aalis lang ako saglit kaya maging mabait ka at huwag kang aalis sa kung saan man!"

Nie Tangxiao: "Okay."

"Sige, ako na ang magbabantay sa kanya," handa siyang tulungan ni Han Xian Yu.

"Salamat!"

Kaya lumabas si Ye Wan Wan upang sagutin ang tawag.

Habang paalis na si Ye Wan Wan, hinulog ni Gong Xu ang mikropono upang sundan si Ye Wan Wan. "Ye-ge ge, Ye-ge ge, mag-cr ka ba? Samahan na kita!"

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan. "May sasagutin akong tawag!"

Pero sumunod pa rin si Gong Xu sa kanya.

Patuloy siyang sinusundan ni Gong Xu at tinanong pa siya nito, "Ye-ge, bakit hindi pa kita nakikitang mag-cr?"

Ye Wan Wan: "..." Bakit ang atensyon ng mokong na ito ay nasa maliliit na bagay?

Kumapit si Gong Xu sa braso ni Ye Wan Wan. "Magsama tayo, Ye-ge ge, magsama tayo!"

Sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan. "May sasagutin akong tawag. Ikaw na lang pumunta doon ng mag-isa, okay…?"

Naramdaman ni Ye Wan Wan na parang may mali noong sasagutin na sana niya ang tawag.

Sa isang saglit, tumingin siya sa taas at nakita niya ang isang tao na kailanman ay hindi pupunta sa lugar na iyon.

May suot na itim na trench coat at bumyahe ng malayo ang taong ito para lang makapunta doon. Isang malakas na bagyo ang pumapalibot sa kanya.

Ang tahimik na hallway ay biglang dumilim at lumamig.

avataravatar
Next chapter