287 Napaka strikto?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakaupo silang tatlo sa paligid ng lamesa. Si Han Xian Yu ay nakaupo sa isang gilid habang katapat niya si Ye Wan Wan at Si Ye Han.

Nararamdaman ni Han Xian Yu na parang may mali kaya sinabi niya, "Gusto niyo ba ng wine? May bote ako ng masarap na wine sa bahay ko!"

Alam naman ni Ye Wan Wan na ayaw ni Si Ye Han na umiinom siya ng alak. Napasulyap siya kay Si Ye Han at sumagot, "Sorry, hindi ako umiinom. Gusto niyo na kayong dalawa na lang ni Si Ye Han ang uminom?"

Naramdaman ni Han Xian Yu na nabigo siya kaya hindi na lang siya nagpumilit kay Ye Wan Wan. Humarap siya kay Si Ye Han at nagtanong, "Mr. Si, madali ka bang malasing sa alak?"

Malayo ang isip ni Si Ye Han dahil sa namumuong lamig sa kanyang iniisip kaya sumagot siya ng kaunti lang, "Hindi naman."

"Sige, kukunin ko na ang wine; magiinuman tayong dalawa!"

Mabilis na nakabalik si Han Xian Yu habang bitbit ang isang bote ng red wine.

"Niregalo ng kaibigan ko itong bote ng Romanée-Conti galing France--- mahirap makakuha ng ganito! Simula nung binigay ito sa akin, nagda-dalawang isip pa ako kung bubuksan ko ito! Ayaw mo ba talaga Ye Bai? Nasa bahay ka naman eh! Okay lang malasing dito!" hinikayat ulit siya ni Han Xian Yu.

Nagbuntong hininga si Ye Wan Wan, "Ayaw kasi ng girlfriend ko na umiinom ako."

Hindi napigilang matawa ni Han Xian Yu, "Napaka strikto niya ah? Wala naman siya dito eh; pero masunurin ka pa rin!"

Ye Wan Wan: "..." Yun ang problema, andito kasi siya ngayon, sa tabi ko, ok!

Inasar muna siya ni Han Xian Yu bago mag-usap-usap silang tatlo habang umiinom at kumakain ng shabu shabu.

Ang importante ay maayos ang pagsasama nilang tatlo at wala silang pakialam kahit na hindi karaniwang ipares ang red wine sa shabu shabu.

Madalas na si Han Xian Yu at Ye Bai lang ang nagdadaldalan habang kumakain; ang katabi ni Ye Bai ay kaunti lang ang sinasabi at hindi rin gaanong kumakain. Umiinom siya sa buong oras na magkasama sila at kumakain lang siya kapag naglalagay ng pagkain sa kanyang bowl si Ye Bai.

Iniikot ng payat na daliri ng lalaki ang glass ng red wine. Sa kanyang ginagawa iyon, husga ni Han Xian Yu na ang kaibigan niyang si Ye Bai ay hindi nanggaling sa payak na buhay at mataas ang estado ng buhay niya.

Base sa kilos ng lalaki, nahuhubog ang ganitong kilos kung namulat at matagal siyang nabuhay sa maharlikang dugo-- iba ang galaw niya sa mga napapanood na mga artistang tinuruan kung paano mag-asal mayaman.

Nakapatong sa likod ng upuan ni Ye Bai ang kamay ng lalaki; sa tagal ng oras, si Ye Bai at Han Xian Yu lang ang nag-usap--- ni isang beses ay hindi nagsalita ang lalaki. Gayunpaman, may kakaibang pakiramdam na namamagitan sa lalaki at kay Ye Bai, pakiramdam na walang katulad kung ikukumpara ito sa mga tao sa labas.

"Kain ka pa, Ah-Jiu. Bakit umiinom ka lang? Han Xian Yu, bakit ang konti ng kinakain mo?" Nagsalita si Ye Wan Wan habang nakabaon ang ulo niya sa bowl, walang sawa siyang kumakain nang bigla niyang napansin na siya na lang ang kumakain.

Walang kinuhang pagkain si Si Ye Han para sa sarili niya habang kumakain lang ng ilang pirasong gulay si Han Xian Yu.

Nakakaawang sumagot si Han Xian Yu, "Kailangan kong pansinin ang diet ko; ganito kaming lahat na nasa industry."

Biglang natuwa si Ye Wan Wan dahil pinili niyang maging manager. "Hindi madali ang trabaho mo; pwede kang kumain pero bawal kang mabusog…"

Nagkibit balikat si Han Xia Yu, "Wala akong choice, sabi nila na dagdag 5kg ang itsura mo kapag nasa telebisyon. Kapag gusto mong magmukhang maayos sa tv, kailangang mas payat ka pa kesa sa normal na tao. Lalo na yung talagang mapapayat na artista, buto't balat na sila sa totoong buhay…"

Paulit-ulit na tumango si Ye Wan Wan, "Ganun ka rin naman--- nag-da-diet ka pero payatot ka na nga!"

Habang nag-uusap ang dalawa, biglang may nag-ring na phone.

Phone ito ni Si Ye Han.

Nilapag ni Si Ye Han ang glass ng wine at nilagay ang phone sa kanyang tenga, "Hello."

Matagal na nanahimik si Si Ye Han. Habang nakikinig sa tumatawag sa kanya, bigla siya nagsalita na gasgas at mababa ang boses niya, "Tawagan mo si director Jiang na mauna na siya. Papunta na rin ako."

avataravatar
Next chapter