856 Napaka-matipuno!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng opisina ni Chu Hong Guang:

Maingat siyang binalaan ng kanyang assistant, "Kalma ka lang, Chaian Chu, huwag ka masyadong magalit… sa totoo lang, kailangan mo nang tanggapin at malaman na… hindi natin kayang panatilihin dito si Han Xian Yu…"

Sumagot si Chu Hong Guang habang galit na galit, "Siyempre alam ko na na darating ang panahon na iiwan na ni Han Xian Yu ang kumpanya, pero sana mas naging mapayapa ang pag-alis niya. Hindi ba't mas mainam na naganap iyon kaysa sa nangyari ngayon?"

Sa hinaharap, mas maayos sana ang kondisyon ng pag-alis ni Han Xian Yu, kahit pa umalis siya. Inalagaan pa rin naman siya ng kumpanya at kung naging maayos siya sa hinaharap, mapupunta pa rin ang karangalan sa kumpanya nila.

At tsaka, mali pa rin siya kung iiwan niya ang kumpanya ayon sa kanyang kagustuhan; sila pa rin ang mag kontrol at may kakayahan na magsalita sa publiko, kaya ang opinyon ng publiko ay babaling sa kanila. Sa hinaharap, sila ang magiging prayoridad kung gusto nilang magkaroon ng kolaborasyon sa kumpanya.

Ngunit, sa ngayon na mas lamang na ang iba sa kanila? Nasira ang lahat dahil sa tanga na iyon na wala namang karangalan at ang alam lang ay manira ng mga bagay!

Kumatok at pumasok sa loob ang sekretarya. "Chairman Chu, nasa labas po si Director Cai. Nag-i-iskandalo siya at gusto ka raw niyang makita…"

"Sabihin mo sa kanya, lumayas kamo siya!"

"Opo!" Nagmadaling umalis ang kanyang sekretarya.

Galit na galit si Chu Hong Guang pero matapos ang ilang saglit, kumalma na rin agad siya. Maraming kumpanya at sangay ang nasa ilalim ng Worldwide, maraming nakapalibot sa kanya na mga ma-impluwensyang mga tao at mga A-listers, kaya hindi importante sa kanya kung magtatanggal siya ng ilang mga staff members sa Dazzling kahit na kakaunti na lamang ang malilikom nilang pera.

At para kay Han Xian Yu, ang magagawa na lamang ni Chu Hong Guang ay magpadala ng mga tao upang ayusin kaagad ang sitwasyon...

Ngayon, hindi ang mga walang kwentang bagay ang pinaka importanteng prayoridad, ngunit ang pinaka importante ay ang mortal niyang kaaway… ang Emperor Sky Entertainment!

Narinig niya na ang pinaka-matandang anak na babae ng Ye family na si Ye Yiyi, ang mapapangasawa ng successor ng Gu family na si Gu Yu Ze. Malaki ang matatamasang kasiraan ng Worldwide kapag dumating ang oras na magaganao ang malakas na pagsasama nilang dalawa...

"WOW! Ye-ge, halika dito at tingnan mo ito. Napaka-matipuno ni Xian Yu-ge!'

Abala sa trabaho si Ye Wan Wan nang biglang tumakbo at umalulong papunta sa kanya si Gong Xu habang hawak nito ang kanyang phone. Nakita niya na si Han Xian Yu ay nag-share ng Weibo post niya.

Ye Wan Wan: "Bumalik na si Han Xian Yu…"

Alam niya na sa nag-shooting sa ibang bansa si Han Xian Yu at kung hindi nagkakamali ang ala-ala niya, ngayong araw babalik sa bansa si Han Xian Yu.

Kaya siguro… si Han Xian Yu ay nag-share ng Weibo post ni Ye Wan Wan nang manumbalik ang kanyang atensyon sa mundo...

Ginawa niya iyon kahit na sinabihan ng Worldwide ang lahat nga artista nila na hindi sila pwedeng magkaroon ng koneksyon kay Ye Wan Wan...

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang mga salitang "Ikaw ay nararapat sa isang malawak na mundo" at "Basta't kailangan mo ako, habang buhay akong nasa tabi mo" at naramdaman niya ang pagmamahal sa kanyang puso.

Sa buhay niya noon, si Ye Wan Wan ang malayo sa mga tao at malungkot ang kanyang naging kamatayan, ngunit ngayon, pinapalibutan siya ng napakaraming kaibigan...

Tumango si Ye Mu Fan at nagsalita siya na parang isang bayaw, "Ayos pala ito sj Han Xian Yu, huh! Yung mama namin… *ehem* yung mama ko ay fan niya! Araw-araw niyang pinapanood ang drama serye ni Han Xian Yu at paulit-ulit niyang pinapanood ang kanyang advertisements…"

Mukhang nag-aalala si Luo Chen. "Hindi ba't papahirapan lalo ng Worldwide si Han Xian Yu dahil nag-share siya ng ganitong Weibo post…?"

Nag-uusap silang lahat nang bigla nilang narinig si Xiao Qing na sumigaw sa labas na front desk.

"AHHHH— Xian… Xianyu!!!"

Mga assistant ng artista at binabayaran rin ng artista sila Xiao Qing at Dong Zai; hindi sila kaakibat ng kumpanya, kaya nang umalis sila sa Dazzling ipang magtrabaho kay Ye Bai, pansamantalang nagta-trabaho si Xiao Qing sa front desk dahil wala pa silang oras para makakuha ng angkop na staff members.

Napatingin sa entrance si Ye Wan Wan nang marinig niya ang kaguluhan sa labas.

Nakita niya ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng wind breaker habang nasa harap ito ng pintuan ng opisina ni Ye Wan Wan, marumi ang lalaki at mukhang pagod sa biyahe.

avataravatar
Next chapter