1096 Napaka-gwapo ng panibago naming pader

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lalong nagtaka si Ye Wan Wan nang makita niya ang naguguluhang itsura ni Jiang Yan Ran. "Ano iyon?"

Pilit na sinara ni Jiang Yan Ran ang kanyang mga mata at bigla niyang sinabi, "Umakyat ako sa pader!!!"

Nabilaukan si Ye Wan Wan at bigla siyang umubo. "Ahem… Um… umakyat ka ng pader?"

Sa idol circle, ang ibig sabihin ng umakyat ng pader ay lumipat sa ibang celebrity.

Nasurpresa si Ye Wan Wan. Gustong-gusto ni Jiang Yan Ran si Han Xian Yu, pero umakyat siya sa pader? Sinong artista kaya ang naka-akit sa kanya?

"Oo!" Yumuko at tumango ng paulit-ulit si Jiang Yan Ran.

Tumango sa tabi si Chu Feng sa tabi ni Jiang Yan Ran. "Kasama ako ni Jianh Yan Ran na umakyat sa pader ng isang gwapo!"

Walang masabi si Ye Wan Wan. Inakala niya na ang atensyon ni Jianh Yan Ran ay na kay Chu Feng na lamang, ang kanyang boyfriend, pero nasa ibang bagay pala ang utak niya.

Interesadong nagtanong si Ye Wan Wan, "Sinong napakagaling na artista naman ang magpapa-akyat sayo sa pader, Yan Ran?"

Inangat ni Jiang Yan Ran ang kanyang ulo at sinabi, "Siya ay artista sa Age of Immortals!"

"Ah? Sa kumpanya namin?" Lalong naging interesado. "Si Luo Chen ba?"

"Hindi!" Umiling si Jiang Yan Ran.

Medyo naubo si Ye Wan Wan. "Si Gong Xu ba ang tinutukoy mo…"

Malaking kaibahan ito sa kanyang taste sa mga idolo niyang artista...

"Hindi siya! Hindi artista ang tinutukoy ko!" Sabi ni Jiang Yan Ran.

"Hindi artista? Sino pala siya?" Naguluhan si Ye Wan Wan.

Mabilis na kinuha ni Jiang Yan Ran ang phone. "Ipapakita ko sayo ang litrato na nasa phone ko! Ang gwapo niya kahit hindi siya artista! At tsaka, pamilyar siya kahit na sa unang beses na nakita ko siya, para bang ligtas ako sa kanya! At tsaka, tsaka! Sobrang gwapo niya talaga!"

Hindi pa rin alam ni Ye Wan Wan kung sino sa kumpanya niya ang tinutukoy ni Jiang Yan Ran sa mataas na papuri niya sa lalaking ito.

"Tingnan mo! Siya iyon!" Binuksan ni Jiang Yan Ran ang phone at inabot niya ito kay Ye Wan Wan.

At nakita ni Ye Wan Wan ang screenshot...

Screenshot ito ng livestream room ni Gong Xu.

Hindi ba't sinabi niya na hindi si Gong Xu ang tinutukoy niya?

"Teka, saglit! Hindi ito tama. Ito ba?" Nilipat ni Jiang Yan Ran sa isang litrato.

At biglang nakita ni Ye Wan Wan ang taong nasa screenshot ay si… Ye Bai pala!!!

Nabigla si Ye Wan Wan nang makita niya ang sarili niya. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o tatawa. "Ang… siya ang panibagong pader mo?"

Sabik na sinabi ni Jiang Yan Ran, "Oo, Oo! Pamilyar siya sayo 'di ba? Siya ang tropa ni Han Xian Yu, siya ang manager ni Gong Xu at Luo Chen, siya si Ye Bai!"

"Noon, ang lahat ng atensyon ko ay nakay Han Xian Yu, kaya ang unang pagkakataon na nakita ko siya ay noong press conference ni Han Xian Yu tungkol sa iskandalo niya noon. Nakatayo siya kasama sa mga reporters, pero katangi-tangi siya sa lahat ng kasama niya. Nang mapakinggan ko ang mga interviews ni Han Xuan Yu noon, nalaman ko na si Ye Bai pala ang tumulong sa kanya para maayos ang problemang iyon!"

"Ang husay niya! Hindi lang niya tinulungang makabalik si Luo Chen, pinatino niya pa ang malupit na si Gong Xu. Binuhay niya pa ang buong Dazzling Media. Pagkaalis niya ng Dazzling Media, siniraan pa siya ng Worldwide Entertainment, pero ginamit niya ang cover ng magazine para manunbalik siya. Sa huli, tinalo niya ang wolf gamit ang kanyang mga kamay at ginawa niyang press conference ng A Life and Death Struggle at anibersaryo ng Emperor Sky Entertainment…"

Walang masabi si Ye Wan Wan nang maging superfan si Jiang Yan Ran, dinadaldal niya ang pagkakakilanlan ni Ye Bai.

Hindi niya naisip sa buong buhay niya na ang bagong pader pala ni Jiang Yan Ran ay siya mismo...

avataravatar
Next chapter