306 Nangibang-bahay??

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinaumagahan.

Napansin ni Ye Wan Wan na nakahiga siya sa kama, nakapagpalit na siya sa malinis na pajamas at wala na ang wig sa kanyang ulo. Naging babae ulit siya at sa sobrang gulat, napatalon at nalaglag siya sa labas ng kama.

Nalasing siya ng sobra kaya wala siyang natandaan sa mga nangyari kagabi--ang natatandaan niya lang ay pumunta siya sa isang pool party na kasama si Han Xian Yu.

Nalaman kaya ni Han Xian Yu ang sikreto?

Sinuot ni Ye Wan Wan ang tsinelas niya mabilis siyang lumabas ng kwarto, tapos...

Nakita niya si Si Ye Han na umiinom ng isang basong kape sa may salas...

Nakahinga na ng maayos si Ye Wan Wan at nawala na ang kanyang kaba dahil nakita niya si Si Ye Han.

"Baby, hindi ba dapat nasa ibang bansa ka? Hala, late na pala? Kailangan ko nang pumunta ng opisina…" nakita ni Ye Wan Wan ang orasan at nagmadali na siyang magbihis.

Tahimik na nakatingin si Si Ye Han sa kanya na para bang nagsu-suspetya ito sa kanya, ramdam sa kanya na hindi siya kuntento sa mga nangyari.

Sa tagal ng panahon na tinatago ni Ye Wan Wan ang tunay niyang anyo, tila sanay na siya na magpalit ng mabilisan. Mas simple ang pagdamit ng panlalaki kumpara sa exotic na makeup niya na sinusuot noon ng araw-araw. Ang gagawin niya lang maghugis ng mas makapal na kilay at pinapalibutan niya ng shadows ang kanyang mukha para magmukha siyang maskulado at three-dimensional pagkatapos niyang mag makeup.

Noon pinapalit niya ang mga magulo niyang mga damit para sa mga panglalaking mga damit sa isang second-hand website.

Habang nagpapalit si Ye Wan Wan ng pang opisina, nakasuot ng pormal na western suit at puting shirt ang panloob ni Ye Wan Wan. May makalumang burda ang kwelyo at may hugis rosas at nakatahi sa kanyang chest pocket. Tinakpan niya ng bangs ang kumikinang ang maganda niyang mga mata.

Pagkalabas niya ulit ng kwarto, Nagbago ang anyo ni Ye Wan Wan mula sa babaeng bagong gising hanggang sa maging mataas at eleganteng prinsipe ng medieval Europe.

"Eh? Baby, saan mo nilagay ang insole ko kagabi?" balisang tinanong ni Ye Wan Wan.

Kahit na mukhang maliit si Ye Wan Wan kapag katabi niya si Si Ye Han, hindi talaga siya ganoon ka-liit. Nakakatulong ang insoles niya para magmukhang matangkad siya na parang lalaki kaya hindi siya pwedeng umalis nang wala iyon.

Nilibot ni Ye Wan Wan ang apartment para hanapin ang insoles niya at naisipan niyang sumilip kay Si Ye Han. Mabilis siyang mag-isip kaya napansin niya ang may eyebags si Si Ye Han. Hindi niya maiwasang isipin na-- hm, nakatulog kaya ng maayos si Si Ye Han kagabi?

Hindi ba gumana ang kakayanan kong patulugin siya ng ilang segundo?

Mas nakakagulat nang… mapansin niya may something sa leeg ni Si Ye Han habang nakatingin siya ng patagilid...

Sa ilang saglit, sumugod si Ye Wan Wan at hinila niya pabukas ang kwelyo ni Si Ye Han. "T******! Baby, nangibang bahay ka ng hindi ko alam!?"

Nawala ang malamig na titig sa kanya ni Si Ye Han. Naging mapanganib ang boses ni Si Ye Han nang dahan-dahan niyang sinabi, "Nangibang-bahay?"

Tinuro ni Ye Wan Wan ang mga hickeys sa leeg ni Si Ye Han at tinanggal niya ang butones ng lalaki. "Tumatanggi ka pa rin? Tignan mo ang hickeys sa leeg mo, at dito at dito rin! May kagat pa dito! Ansakit sa mata! Hindi ko inasahan na ganyang kang tao!"

Nagalit si Si Ye Han kaya tinanggal niya ang kamay ni Ye Wan Wan sa kuwelyo niya, sinara niya ang kanyang mga butones at naging itim ang mukha niya na kasing itim ng pwet ng kawali.

Kung alam ko lang na magkakaganto siya, dapat hindi ako nagpadalos-dalos na hayaan na lang siya kagabi!

Biglang nag-ring ang doorbell sa oras na iyon.

Napatingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han habang naglalakad siya para buksan ang pintuan.

Nakatayo sa labas ng pintuan si Han Xian Yu. May bahid ng surpresa ang bumalot sa mata niya nang makita niya ang damit ni Ye Wan Wan, inangat niya ang kanyang ulo para makita ang nasa looban ng apartment ni Ye Wan Wan at sinabi, "Magandang umaga, nagdala ako ng umagahan. Gusto mo bang sabay na tayo kumain?"

avataravatar
Next chapter