368 Nangatog ang maliit niya puso sa takot

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napagtanto ni Ye Wan Wan na hindi naunawaan ang sinabi at kumibot ang glid ng labi niya.

Pinapatanggal ko lang sa 'yo ang damit mo - hindi mo kailangang magmukhang nawala ang ulo mo, 'di ba?

Delikado kapag pinanood ka ni jie jie maghubad, nangangatog na nga sa takot ang maliit kong puso...

Alam ni Ye Wan Wan 'to dahil sa nangyari noon, maingat si Luo Chen at hindi siya masyadong pinakakatiwalaan nito, pero kapag nagpatuloy si Luo Chen ng ganito, mahihirapan si Ye Wan Wan makipag-trabaho sa kanya.

Sa pagitan ng artista at manager, importante ang tiwala.

Parang may naalala si Luo Chen habang madiin niyang kinagat ang kanyang labi at mas namutla pa ang kanyang mukha.

Tinignan ni Luo Chen ang lalaki sa harap niya. Nang pinatanggal ni Ye Bai ang kanyang damit, napansin niya na malinis at tapat ang itsura nito - walang maruming intensyon sa kanyang mata at kakaiba ito mula sa masabik at mahalay na pagtingin ni Zhou Wen Bin sa kanya...

Alam ni Ye Wan Wan na hindi mabubuo ang tiwala ng basta-basta. Gayunpaman, kung ano man yung nangyari kay Luo Chen ay nagdulot sa kanya ng malalang trauma, lalo na sa psychological.

Nang makita ang maputlang itsura ni Luo Chen, naisip niyang 'wag na siyang pwersahin. "Kalimutan mo na, hindi mo na...

Alas, nang sasabihin pa lang ni Ye Wan Wan na 'wag na siyang mag-abala pa, biglang tumayo si Luo Chen. Dinakot niya ang mga dulo ng damit niya at inangat ito, at tinanggal ang lumang puting t-shirt.

Nagulantang si Ye Wan Wan; hindi niya inaasahan si Luo Chen na sinusuklaman at pinandidirihan ang mga lalake, ay magagawa niya ang bagay na ito.

Matapos ang gulantang na sandali, tinignan ni Ye Wan Wan ang katawan ni Luo Chen.

Hindi mo masasabi kapag nakasuot ang damit niya, pero nang tinanggal na niya ito, kita ni Ye Wan Wan ang pagkapayat ni Luo Chen, na sa sobrang payat ay kita na ang ribcage niya. Sobrang putla din ng balat niya na na para bang matagal na panahon itong hindi naarawan...

At ito ang naging resulta ng kanyang training sa martial arts ng kalahating buwan...

Mas malala pa ito sa naisip ni Ye Wan Wan...

Napakurot si Ye Wan Wan sa kanyang kilay habang nag-umpisa namang sumakit ang ulo niya. Bagama't ay sinabi na mas tataba ng 5kg sa screen, hindi pa din maganda ang masyadong mapayat, at labis naman ang pagkapayat ni Luo Chen.

Kapag kailangan niyang kuhanan ng nakahubad na mga shots, magiging mahirap tignan ang hugis niya!

Nabasa na ni Ye Wan Wan ang script, at hindi tulad ng Luo Chen sa "Terrifying Dragon 1" na inosente at walang muwang na kaya maging dalisay at maganda, ang Luo Chen naman sa "Terrifying Dragon 2" ay sumailalim ng malaking pagbabago sa kanyang edad at ugali - hindi niya na kaya pang umakto na parang isang bata. Gayunpaman, may mga eksena din na kailangan niyang ipakita ang kanyang katawan.

Hindi naman pwede siyang maghanap ng body double, 'di ba?

Sa malupit pang pamantayan ni direktor Song Jin Lin, hindi siya papayag don.

Nagsulat si Ye Wan Wan sa kanyang notebook at malamig na sinabi, "Hindi 'yan pwede; masyado kang mapayat. Magpataba ka muna at umpisahan mo sa building muscle. Gagawan kita ng plano, kaya kailangan sundin mo ito.

"Tsaka, inayos ko din ang training schedule kasama ang nutritionist. Inaplayan na din kita ng dormitoryo mo--at para sa kaginhawaan mo, nasa iisang gusali lang tayo nakatira. Heto ang susi; pwede ka ng lumipat mamayang gabi.

"Pinakita ko na din sa crew ang kinuhanan kong video sa 'yo para sa "Terrifying Dragon 2" at nakatanggap na ako ng email mula sa kanila na pasado ka sa unang interview. Bumalik ka na at maghanda - sa susunod na buwan ka mag-aaudition. Nakatira lang ako sa taas mo, kaya pwede mo akong kitain kung may mga kailangan ka!"

Blangkong pinakinggan ni Luo Chen si Ye Bai tungkol sa mga inayos niya para sa hinaharap sa isang hininga lang, at tinanggap ang susi na may nakalagay na "Grand View Park". Matagal ding gulat si Luo Chen bago siya magising sa kanyang diwa. Kinuyom niya ang mga kamao niya at tahimik na tumango, "En."

avataravatar
Next chapter