1115 Nandoon rin ang anak ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang mga nakakalat na dokumento sa lamesa ni Ye Mu Fan. Kumuha siya ng isang pirasong papel sa lamesa na ito at bigla siyang nagtanong, "May nakuha ka na bang mga managers?"

Bumuntong hininga si Ye Mu Fan. "Wala pa! Nag-interview ako ng ilan pero hindi sila mahusay! Kulang sila sa pasensya! Sila ay parang mga walang utak!"

Ye Wanwan: "…"

Hindi madali para kay Ye Mu Fan na tawaging kulang sa pasensya ang ibang tao...

"Hindi papasok sa isang maliit na kumpanya natin ang mga magagaling; ang mga nakuha natin ay mga walang karanasan sa larangan at mga hindi maaasahan, ang hirap maghanap ng mga tauhan…" nagreklamo si Ye Mu Fan.

Mas kailangan nila ng tauhan lalo na't dinagdag ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran at ang iba pang tatlong artista.

Napa-isip muna si Ye Wan Wan bago siya magtanong, "Oo nga pala, may babaeng may apelyidong Yao ba ang pumunta dito para sa interview?"

"Apelyidong Yao? Wala, eh! Bakit?" Tanong ni Ye Mu Fan.

Sumagot si Ye Wan Wan, "Kagabi, kumain kami ng hot-pot kasama ang boyfriend at anak ko, bigla akong may nakasalubong na babae at nakita ko ang resume niya. Naghahanap siya ng trabaho bilang manager."

"Nakita ko ang resume niya at mukhang maaasahan naman siya, kaya binigay ko ang card ko at sinabihan ko siya na pumunta siya sa kumpanya para sa interview. Pero hindi siya pumunta!"

Tulad nga ng sinabi ni Ye Mu Fan, ang taong may ambisyon sa trabaho ay mas pipiliin ang mas malalaking kumpanya. Hindi nila maiisipan na mag-apply sa bagong kumpanya nila.

May ilang mga baguhang mga kumpanya noon na hindi maaasahan. Nagtatagal lamang sila ng isa hanggang dalawang taon at magsasara na lamang sila ng may mga utang pa. May ilan rin na nagsara kaagad matapos ang kalahating buwan at sampung araw lamang ang tinagal. Ito ang dahilan na kahit lalong nagiging mabagsik ang kompetisyon sa mga malalaking kumpanya, mas pinipili ng mga tao na mag-apply na posisyon sa mga malalaking kumpanya.

Nag-focus si Ye Mu Fan sa sinabi ni Ye Wan Wan na, "Kagabi, kumain kami ng hot-pot kasama ang boyfriend at anak ko!"

"Boyfriend, 'yan lang ang iniisip mo, boyfriend na lang. Hindi mo ako niyayaya na mag-hot pot man lang, akong kapatid mo!" Nagreklamo si Ye Mu Fan.

Sumimangot si Ye Wan Wan. "Anong hindi kita niyayaya mag-hot pot? Hindi ba't niyaya kita mag-hot pot noong nakaraang linggo?"

Ye Mu Fan: "Sa bahay iyon, kasama natin si mama at papa! Hindi tayo lumalabas ng tayo lang!"

Ye Wa Wan: "Hindi lang ang boyfriend ko ang kasama ko. Kasama ko rin ang anak ko!"

Ye Mufan: "…"

Sobrang bigat ng puso niya kaya ayaw na niyang makipagtalo.

Nagtataka siya kung ang babaeng ito ang nagsisinungaling sa kanya o hindi!

Anak niya kaya ang batang iyon sa boyfriend niyang masahol?

Magtatanong na sana si Ye Mu Fan nang biglang mag-ring ang phone niya sa desk.

Tinatawagan siya ng desk receptionist. "Director Ye, may babae dito na may apelyidong Ye, hinahanap ka niya. Sinabi niya na nandito siya para sa interview."

Nagulat si Ye Mu Fan habang nakatingin siya kay Ye Wan Wan. "May babaeng nagngangalang Yao na dumating. Siya ba ang tinutukoy mo?"

Kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan. "Siya iyon, papasukin niyo siya!"

"OK!" Kinuha muli ni Ye Mu Fan ang phone. "Papasukin niyo siya."

Sa isang saglit, kumatok ang babae sa pintuan at pumason siya. Siya si Yao Jia Wen, ang babaeng nakilala ni Ye Wan Wan noong nakaraang gabi.

Mukhang ordinaryo lamang ang itsura ng babae, siya ang tipo na hindi mapapansin sa karagatan ng mga tao. Nakasuklay ng maayos ang buhok niya at nakasuoy siya ng makalumang Chanel Suit.

Malinaw sa kanya na kung gaano ka-importante ang paraan ng pananamit sa industriyang ito, ngunit dahil sa problemang pang-pinansyal, hindi niya pa kayang makabili ng bagong damit at ang nasusuot niya lamang ay ang mga maayos na branded na mga kasuotan.

Hindi lang siya mukhang disente, ang kanyang itsura ang natural at poised rin, kaya komportable ang mga tao sa kanya.

"Nice to meet you, ako si Yao Jia Wen. Nagtrabaho ako noon sa Wisdom Media at ako…" simple ang pagpapakilala ni Yao Jia Wen sa kanila.

Tiningnan ni Ye Mu Fan ang resume at mukhang natutuwa siya. Bigla niyang tiningnan si Ye Wan Wan na nakaupo sa sofa. "Ang galing, may mga yaman kang nakikita habang kumakain ka ng hot-pot?"

avataravatar
Next chapter