740 Nanay ba kita?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nanay ba kita?" Ang kanina'y walang kibo na mga mata ng batang lalaki ay biglang namuo ang pa-bugsong luha.

"Huh… ano? Nanay mo?" Nabigla si Ye Wan Wan sa tanong ng batang lalaki.

Hindi pa ako kasal, okay?!

Paano ako magkaka-anak na kasing edad mo...

Pero, okay lang sa akin kung… magkakaroon ako ng anak na kasing gwapo niya...

"Munting ninuno ko, 'wag kang loko-loko - kliyente ko ito, hindi mo siya nanay!"

"Ah."

Naging malumanay ang mga mata ng bata pagkatapos niyang marinig niya ang sinabi ni Nameless Nie.

"Sinasabi mo sa akin na hindi mo pa rin nahahanap ang nanay ko." Tinitigan ng batang lalaki si Nameless Nie. Ngumiti ang bata at naging nakakasindak ang awra niya.

"Uh… pwede mong sabihin iyon… pero may mga leads na rin kami…" umamo si Nameless Nie nang makita niya ang nakakasindak na ngiti sa mukha ng munting ninuno.

"Ito na ang pang sampung beses na sinabi mo ito," walang pakialam na batang babae nang sinabi niya ito.

*Cough cough…""'Wag kang mabalisa, maghahanap si tito ng nanay mo." Bumuntong hininga si Nameless Nie.

"Pinaplano mo bang maghanap ng ka lang ng kung sinong babae na mangugulo sa akin?" Tinanong ng batang lalaki.

Umentra ang batang lalaki bago pa makapagsalita si Nameless Nie, "Sa darating na araw, pupunta ako ng personal sa country Z, kaya kailangan mong mahanap ang nga magulang ko pagkarating ko diyan. Baka mabaliw ka kapag pupunta talaga ako diyan."

Hindi binigyan ng pagkakataon na sumagot ng batang lalaki si Nameless Nie. Tiningnan niya lang si Ye Wan Wan, na nasa likod ni Nameless Nie at tahimik niyang binaba ang tawag.

Gusto pa sanang masulyapan ni Ye Wan Wan ang bata ngunit binaba na agad ni Nameless Nie ang tawag.

Hindi naman kalakihan ang manyikang ito, pero ang awra na pumapalibot sa kanya ay may lawak na 1.8 na metro, ah...

"Anak mo?" Tinanong ni Ye Wan Wan si Nameless Nie.

Pagkatapos niyang magtanong, tinitigan ni Ye Wan Wan si Nameless Nie at nagtaka siya - hindi niya alam kung paano nagkaroon ng magandang lalaking anak ang hindi maasahan na kapitan.

Ay, ang… gwapo niya… sobrang cute...

Walang masabi si Nameless Nie sa mga tanong ni Ye Wan Wan. Magpapakamatay na lang ako kung tulad niya na nakakasindak ang anak ko.

"Pamangkin ko siya, anak siya ng kapatid kong babae," sumagot si Nameless Nie.

"Edi… dapat alam niya kung anong itsura ng nanay niya, tama ba?" Para bang ang weird ang naramdaman ni Ye Wan Wan nang tinitigan siya ng batang lalaki at sinabi na siya ang "nanay" ng batang ito… Bakit hindi niya kilala ang sarili niyang nanay?

"Ay…" bumuntong hininga si Nameless Nie at hinaplos niya ang kanyang likod. "Mahabang kwento kasi iyon eh."

Para bang walang malabasan ng sama ng loob si Nameless Nie, bigla niyang hinablot si Ye Wan Wan at inilabas niya lahat ng sama ng loob at poot sa sistema niya. "Tulad ko, bata pa kami ng kapatid ko noong lumayas kami ng bahay. Noon kasi, gumawa ng planadong kasalan ang magulang ko para sa kapatid ko. Hindi namin inakala na tatanggi siya sa kasalan at nakahanap pa siya ng masahol na lalaki noong lumayas siya. Hindi na namin siya nakita pagkatapos niyang manganak… hindi na nga alam ng bratinelong ito ang nanay niya, hindi niya pa alam ang tunay na itsura ng tatay niya!"

Ye Wanwan: "…"

Napakahusay ng magulang niya para iwan ang sarili nilang anak - kahanga-hanga silang tunay.

"Famous Ye, hindi mo alam kung gaano kahirap pakitunguhan ang batang ito… matalino siya at nakakatakot pa…" para bang iiyak na si Nameless Nie. Mayayari ako kapag dumating ang batang ito at hindi pa rin nahahanap si Worrieless Nie...

Biglang nagkaroon ng ideya si Nameless Nie. Tinitigan niya si Ye Wan Wan at biglang kumislap ang kanyang mga mata sa naisio niya. "Famous Ye… pwede ba akong manghingi ng pabor?"

Hindi na nagdalawang isip na sumagot si Ye Wan Wan nang makita niya ang desperasyon sa mukha ni Nameless Nie, "Hindi kita mapa-pautang. Wala na akobg pera."

avataravatar
Next chapter