816 Namantsahan ang integridad

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kailangan niyang malaman kung ang Imperial Sky ay gagawa ng palabas na gamit ang script na ninakaw nila kay Xu Lin.

Sinulat na niya sa kanyang memorya ang script na ito ang ni-rehistro na niya sa sarili niya ang copyright nito, bago pa ito makuha ng Imperial Sky. Sinimulan na niyang pa-sikreto na inilunsad ang proyektong ito.

Ito ang pinaka-kritikal niyang pamato dahil ito ang makapagsasabi kung magbabago ang kanyang kapalaran...

Mahihirapan siyang bumalik kung hindi niya iningatan ang pagtapak niya at umalis na lamang siya ng Dazzling ng walang konsiderasyon.

Sa ngayon, kailangan niyang bayaran ang mga utang niya at makuha ng buo ang karapatan niya sa bahay. Kailangan niya rin na maghintay ng balita tungkol sa Imperial Sky...

Nagmumuni-muni si Ye Wan Wan nang biglang may importanteng tumatawag sa kanyang phone.

Balisa siyang tinawagan ng assistant ni Gong Xu na si Dong Zai at kanyang sinabi: "Ye-ge, yari tayo. Si Gong Xu… si Gong Xu ay nakikipagaway kay Cai Yong Sheng ngayon…"

Sumimangot si Ye Wan Wan. "Cai Yong Sheng? Hindi ba't pupunta dapat kayo sa shooting ng cover ng Beauty?"

Sumagot si Dong Zai, "Opo, pero dinala ni Director Cai ang hawak niyang artista na si Lucy Yang, at sinabi niya na magkasama daw sila ni Gong Xu sa cover. Eh, ayaw naman ni Gong Xu, kaya bigla nagsimula silang nag-away!"

Hindi ko inasahan na kukunin ng Cai Yong Sheng na iyon, ang credit na nararapat sa akin at dinala niya pa nga ang artista niya upang makakuha ng resources gamit ang kasikatan ni Gong Xu.

Napakahusay ng plano niya!

"Pupunta na kaagad ako diyan." Binaba ni Ye Wan Wan ang tawag, pagkatapos niyang magsalita.

"Wan Wan, anong nangyari?" Nag-alala si Ye Mu Fan.

Ye Wan Wan: "Siningit ni Cai Yong Sheng si Lucy Yang sa cover ng Beauty."

Ye Mu Fan: "Ano?! Bakit napaka-hangal ng taong ito?!"

Ye Wan Wan: "Pupunta ako doon para makita ang mga pangyayari. Huwag mo akong alalahanin at gawin mo na lang ang mga dapat mong asikasuhin."

Sa studio ng Beauty magazine company.

"Ye-ge!" Biglang napatingin si Gong Xu kay Ye Wan Wan, habang nakikipag-away siya kay Cai Yong Sheng, para bang namantsahan ang pagkatao niya. "Ye-ge, ayoko nang mag-shooting sa magazine na ito. Gusto ko nang umuwi!"

Sinadya ni Liang Chong na magkunwaring magulat nang makita niya si Ye Wan Wan. "Aiya, director Ye, bakit ka pa pumunta dito?"

Si Ye Wan Wan ay tiningnan ng maigi si Gong Xu at pinapahiwatig nito na kumalma siya, pagkatapos ay tiningnan niya si Liang Chong at prinangka niya ito: "Chief editor Liang, kung hindi ako nagkakamali, natandaan ko na nagkasundo tayo na si Gong Xu ang magiging cover sa isyu ng magazine mo."

Biglang kuminang ang mga mata ni Liang Chong nang kaswal niyang sinabi, "Director Ye, ay mali - ang itatawag ko pala sayo ay vice-president Ye. Hindi pa kita nababati sa promotion mo, eh! Ganito kasi iyon, sumang-ayon ako na si Gong Xu ang mag-cover ng issue na ito, hindi ko naman sinabi na wala siyang kasama, tama?"

Pinakita ni Ye Wan Wan ang nakakatakot niyang ngiti. Nakikipaglaro pa siya ng word game sa akin, huh...

Nagpatuloy si Liang Chong, "At tsaka, si Mr. Cai na ang director ng talent recruitment ngayon at nakipag usap na rin ako sa kanya."

Kahit na alam nilang vice-president na si Ye Wan Wan, alam ng lahat na magkamag-anak si Cai Yong Sheng at Chu Hong Guang at kung bakit siya dinala ni Chu Hong Guang sa Dazzling Media. Malinaw sa lahat ng mga nasa internal departments hanggang sa external parties, kung sino ang mas makapangyarihan sa kanilang dalawa.

Sa realidad, walang kwentang role ang titulo ng vice-presidente - isa lamang itong titulo.

Sa oras na ito, dinala ni Cai Yong Sheng si Lucy Yang at ngumiti siya ng abot tenga. "Vice-president Ye, ako nang bahala sa maliit na problema na ito. Tingnan mo, bagay naman si Gong Xu may Lucy, eh; kaakit-akit silang dalawa sa mata, at iibigin ng mga tao kung magkasama sila sa cover na ito. At tsaka, kakalabas lang ng movie na pinagbibidahan ni Lucy. Sikat na sikat siya ngayon kaya tataas ang sales volume ng isyu na ito!"

avataravatar
Next chapter