1021 Nalinlang ng dakilang demonyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi pa alam ni Yi Wan Wan at Han Xian Yu na nakuhanan sila ng fans ng litrato...

Matapos maghiwalay ng landas, bumalik na sila sa kani kanilang sasakyan.

Ng makabalik si Han Xian Yu, balisang nagtanong si Fe Yan, " nakabalik kana, Xian Yu! Ano piang usapan niyo? Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba?"

Pinisil ni Han Xian Yu ang kaniyang kilay. "Ayos lang ako."

Marahil… ayos lang ako, diba...

"Talaga? Anong meron sa iyong mukha? Bakit ganiyan itsura mo? Mukhang hindi ka kalmado!" maingat na inobserbahan ni Fei Yang ang mukha ni Han Xian Yu.

Tumingin si Han Xian Yun kay Fei Yang at magsasalita na sana ngunit hindi na siya nag salita.

Bahagi ito dahil ang kaniyang emosyon ay gulong gulo parin, kaya wala siyang lakas na ipaliwanag kay Fei Yang ang lahat.

Ang ibang parte nito ay ng mapagtanto niya na siya ang una, ang tanging nag-iisa, na may alam ang tungkol sa pagkakakilanlan maliban kay Ye Mu Fan, hindi na niya gusto pang sabihin sa ibang tao dahil sa ilang kadahilanan...

Sumilip si Han Xian Yu sa direksyon ng sasakyan ni Ye Wan Wan bago sabihing, "ayos lang ako. Tara na!"

Sa kabilang banda, nakabalik na din si Ye Wan Wan sa kanyang sasakyan.

Siya ay limang minutong late at ang temperatura sa loob ng sasakyan ay halos nakapaninigas sa -5°C.

Sa oras na makita ni Xu Yi si Ye Wan Wan, siya ay nakahinga na ng maluwag. "*Ehem*, Miss Wan Wan, nakabalik kana. Pwede na tayong umalis?"

Nang mangyari ang insidente kanina, kahit na hindi nangialam si Xu Yi, siya at nasa malapit lang at nakita ang lahat.

Sa katotohanan, siya ay naawa kay Han Xian Yu ng kaunti...

Umasa siya na medyo gulat si Han Xian Yu...

"Oo oo, pwede na, pwede na! Tara!" ang sabi ni Ye Wan Wan.

Tumingin si Si Ye Han sa kanya. "Tapos na kayo mag-usap?"

"Tapos na mag usap! Tapos na kami! Pinaliwanag ko na ang lahat sa kaniya! Wala ng magiging problema panigurado!" kaagadn nasabi ni Ye Wan Wan.

Nang marinig ni Si Ye Han ang sagot ni Ye Wan Wan "Paniguradong wala ng kahit na anong problema," mukhang hindi niya ito pinaniniwalaan.

Kaswal na nagtanong si Si Ye Han, "Anong pinag usapan ninyo?"

Ye Wan Wan: "Uh…"

"Ano? May hindi ka ba masabi sa akin?" Nanliit ang mnga mata ni Si Ye Han.

Kaagad na umubo si Ye Wan Wan. "*Ehem ehem ehem* Hindi, syempre kaya ko!"

Ang kaniyang pakikipag-usap ay bukas at marangal, diba!

Upang patunayan ang kaniyang pagiging inosente, kaagad ibinunyag ni Ye Wan Wan ang katotohanan. "Ipinaliwanag ko lang kay Han Xian Yu ang kaniyang kasarian! Siya ay hindi naniwala nung una, kaya siya ay nagtanong, tulad ng sinabi ko sa kaniya nung una kaming nagkita…"

Sinandal niya ang kaniyang ulo sa gilid at kalamadong nagtanong, "Oh, anong sinabi mo?"

"Alam mo kung anong nangyare nung araw na umalis ako. Nagpatawag ng meeting ang Global, kaya sinabi ko na may paraan ako na patunayan ang aking kamusmusan sa pitong araw at sandaling nakipag-negosasyon sa senior management ng Global. Pagkatapos akong umalis at nasa lobby, nahuli siya at nagtanong kung bakit ko siya tinutulungan. Sinagot ko na ang aking kaibigan ay kaniyang taga hanga at talgang gusto siya, pati…" ...Pati na ako.

Biglang nabuwag si Ye Wan Wan at natuklasan ang isang maling bagay...

P*ta…!!!

Kapag tinapos ko ang aking pangungusap, malilintikan ako! Talagang nalinlang ako ng dakilang demonyo ng hindi ko alam!

Kasalukuyan, pinapanood parin siya ni Si Ye Han ng may kasing dilim na gabi sa kaniyang mata, tahimik na naghihintay na tapusin ang kaniyang pangungusap...

Gayunpaman, paano niya ito sasabihin?!

Ang kaniyang maamong career ay lumalabas na kailangan niyang makipag-salamuha sa isang dakilang panganib...

"Ako…" hirap na lumunok si Ye Wan Wan bago magpatuloy, "hindi ako maaring tumunganga at walang gawin alang-alang sa kaayusan at hustisya, responsibilidad at moralidad…"

Si Ye Han: "…"

avataravatar
Next chapter