260 Nalasing sa kakatingin ng nagagandahang bulaklak

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang grupo ng senior management: "..."

At ang sekretarya: "..."

Sa katahimikan bumabalot, biglang may malamig na himig ng hangin ang dumapo sa kanilang mga balat...

Totoo ba… na ang BOSS nila… ay niyayang lumabas ng isang lalaki?

Habang katabi niya si Si Ye Han, halos masuka ng dugo si Xu Yi nang makita niyang nakasuot ng panlalaki si Ye Wan Wan.

Hindi inakala ni Xu Yi na lulubha ng ganito ang gagawin ni Ye Wan Wan, kahit na alam na niyang siya ay magtatago ito bilang lalaki.

Ang maganda niyang mukha ay makikita pa rin, ang nag-iba lang ay ang kanyang style, buhok at bagong pananamit. Iba ang pakiramdam kapag makikita siya, ngunit hindi naman ito pangit sa paningin.

Kumpara sa totoong itsura ni Ye Wan Wan; ang babae ay may mala-diyosang kagandahan, ngunit mahinhin siya at madalas ay pigil siyang gumalaw, puno ng kumpyansa at matalas tingnan ang lalaking bersyon niya, para bang bulalakaw ang lumalabas na kapangyarihang galing sa kanya. Gayunpaman, walang kinalaman ang kasarian niya sa taglay na nakakaakit niyang itsura.

Syempre, walang kinalaman ang lahat ng ito sa pinupunto ko!

Ang aking punto ay nakadamit ka ng panlalaki at sa mata ng lahat, ikaw ay isang lalaki!

Bilang lalaki, bakit ka magbibigay ng bouquet ng flowers at sabihin ang mga bagay na iyon sa kapwa lalaki?

Malamang alam na niya kung ano ang iniisip ng mga tao kaya hindi na niya kailangang manghula pa.

Sumobra na ngayon ang babaeng si Ye Wan Wan. Hindi sasang-ayon si master; hindi niya gagawin iyon! Baka ikulong niya lang ulit siya!

Tulad ng naisip ni Xu Yi, nakita niya ang malamig na awra ni master habang ang mga mata niya ay walang malasakit na nakatingin sa "binata", pero… bigla niyang kinuha ang rosas sa kamay ng "binata" ng walang emosyon...

Si Xu Yi: "..."

*p*tang* Tama ba ang nakita ko?!

Baliw ka na ba master??!!!

Ginuho ng baha ang kanyang puso nang makita niyang kinuha ni master ang mga rosas sa kamay ni Ye Wan Wan.

Biglang may narinig silang malakas na *bang*. Galing ito sa nalaglag na papeles na puro financial report, galing ito head of finance na nasa likod ni Xu Yi. Lumaki ang mata ng sekretarya na sumama kay Ye Wan Wan, para bang luluwa ang kanyang mata sa sobrang pagkagulat.

Master… hindi ko alam na lalaki pala ang gusto mo...

Kahit ang kilalang Haring Zhou You ay hindi lumandi ng mararangal na lalaki noong panahon niya!

Sa tingin mo...paano ko maayos ang kaguluhang ito?

Halos mabaliw si Xu Yi sa kakaisip kung paano niya maayos ang epekto ng sitwasyong ito kay master. Tumingin siya sa lahat ng mga taong gulat at nagpaliwanag, *umuubo* "Ito ay… ito ay isang kaibigang ni BOSS na tiga ibang bansa, isang katutubong Tsino na galing country M. Lumaki siya sa ibang bansa na sanay makipag biruan sa mga tao… ha… haha…"

Biglang nagka tinginan silang lahat… ganun ba? May tao palang may lakas ng loob para makipag biruan sa harap pa ni BOSS?

Noon pa ay inisip na ni Ye Wan Wan na gumanti kay Si Ye Han pero hindi niya inakalang tatanggapin ni Si Ye Han ang mga bulaklak sa harap ng mga tao, kaya nagulat siya sa naging reaksyon ni Si Ye Han.

Ngunit napagtanto ni Ye Wan Wan na hindi matutunaw ang malamig na ugali ni Si Ye Han, kahit tumagal pa ng sampong libong taon ay hindi lalambot ang matigas niyang mukha; pero tunay na napaka gandang tingnan si Si Ye Han na hawak-hawak ang pulang mga rosas sa kanyang mga kamay.

"Ano?" tanong ni Si Ye Han nang makita niyang nakatitig pa rin sa kanya si Ye Wan Wan.

Patuloy na nalalasap siyang tumitingin kay Si Ye Han kahit na bumalik na siya sa katinuan, sinabi niya, "Wala, nalasing lang ako nung nakatingin ako sa magagandang bulaklak… medyo nawala ako sa sarili." pero nakita ng lahat na nakatingin siya kay Si Ye Han at hindi sa mga bulaklak!

Lahat ng nanonood: "..."

"Uwi na ko, ayoko na ng trabahong 'to…" sabi ni Xu Yi.

avataravatar
Next chapter