1060 Nalantad na relasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Anong nangyayari...

Matagal na siyang hindi binabangungot ng ganito...

Hindi namalayang mahigpit na niyakap ni Ye Wan Wan si Tangtang. Habang nararamdaman niya ang init mula sa bata, dahan-dahang nawala ang malamig na nararamdaman niya sa kanyang katawan.

Nakaramdam si Si ye Han na may gumalaw sa tabi niya kaya naman napadilat siya. "Ano iyon?"

Umiling si Ye Wan Wan. "Wala. Binangungot lang ako. Masyado lang siguro akong pagod mula ngayon...

"Anong napanaginipan mo?"

"Bangungot. Hinahabol ako at alam mo na, 'yung karaniwan. Madaming dugo sa paligid, sobrang nakakatakot…"

Sandaling napatahimik si Si Ye Han bago lumapit sa kanya at hinalikan ang noo niya. "Nandito lang ako."

"En…" kumitid ang mga mata niya na parang masayang pusa at huminahon, mabilis na nakabalik sa tulog.

Ngayon, masaya at masigla ang kanyang panaginip...

Kinabukasan, sa gusali ng Age of Immortals Entertainment, conference room:

Mayroon silang regular na meeting ng kumpanya, nangunguna para i-anunsyo ang mga pagbabago sa senior management at mga plano para sa susunod na quarter.

Matapos ang pagpapaandar at pag-iisa, unti-unting napunta sa tamang landas ang kumpanya nila. Si Ye Mu Fan ang general manager at director of design ng kumpanya ngayon. Nagpatuloy si Ye Wan Wan bilang director of the talent recruitment department at namahala sa kumpanya mula sa likod. Isang kapatid ang mag-aasikaso sa panlabas na pamamahala habang ang isang kapatid naman ay nag-aasikaso sa panloob na pamamahala.

Sinabi ni Ye Wan Wan, "Titigil muna sa lahat ng mga gawain sina Luo Chen at Gong Xu at itutuon ang lahat ng lakas nila sa pag-shoot ng bagong pelikula. Luo Chen, ikaw ang mamamahala kay Gong Xu…"

Nagreklamo si Gong Xu, "Bakit siya ang mamamahala sa akin?!"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan, "Sinong nagsabi na isama mo si Luo Chen pababa?"

Mula nang ginawa ni Gong Xu ang Weibo post, ang pinakamainit na paksa sa online ay "Magkaibigang kumakain ng tae" sa mahabang panahon.

Sinasabi ng mga tao na ang tunay na magkapatid ay magkasamang iinom, magkasamang kakain, at magkasamang manlalandi ng babae. At naroon sila--magkasamang kumakain ng tae...

Sobrang talik nilang magkaibigan!

Lumingon si Ye Wan Wan kay Han Xian Yu, "Xian Yu, masyadong mababa ang pagkasiwalat mo sa publiko. Narito ang iilang reality show na pwede mong pagpilian."

Tumango si Han Xian Yu. "Sige."

Habang nakatingin si Han Xian Yu kay Ye Bai, na nakasuot ulit na panlalaki at mahusay tulad ng inaasahan, natuliro siya.

Ang mga pangyayari noong nasa shopping center noong araw na iyon ay parang panaginip lang.

Nang makita niya si Ye Bai na normal lang ang kilos, inisip niya kung talaga bang nangyari ang mga nangyari noong araw na iyon.

"Ngayon naman, pag-uusapan ni Chairman Ye ang mga plano para sa susunod na quarter." bumalik na si Ye Wan Wan sa kanyang upuan.

Tumango si Ye Mu Fan at lumapit sa malaking screen.

Magsasalita na sana siya nang biglang tumayo si Gong Xu na parang baliw. "Sh*t! Ano 'tong nakita ko?!"

Nagalit si Ye Mu Fan. "Gong! Xu! Nagkakaroon tayo ng meeting ngayon!"

May ADHD ba ang lalaking ito?

Gulat na tinuro ni Gong Xu ang kanyang telepono. "Sinong may pakialam sa meeting?! Dali! Buksan at tignan niyo ang link na pinadala ko sa grupo! May malaki at nakakagulat na tsismis!"

Sobrang galit ni Ye Mu Fan ay gusto niya nang bugbugin si Gong Xu. Talagang pinaghihinalaan niya na maling career ang pinili ni Gong Xu at sa halip ay naging paparazzi na lang.

Sa hilig niya, baka siya na ang nangunguna na tumutugon sa entertainment industry ngayon!

Napailing na lang si Han Xian Yu. "Ano 'yung tsismis?"

Balaghan na tinignan ni Gong Xu si Han Xian Yu. "Brother Xian Yu, ako ang tinatanong mo?!"

HIndi maintindihan ni Han Xian Yu. "Anong ibig mong sabihin?"

Tinignan ni Gong Xu ang kanyang telepono at sabi, maingat na binibigkas ang bawat salita, "Bagong. Relasyon. Ni. Han. Xian. Yu. Nalantad!"

avataravatar
Next chapter