943 Nakuha niya ang maling bata?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa itaas, humuhuni ng kanta si Ye Wan Wan habang bumalik siya sa kanyang kwarto nang biglang tumunog ulit ang kanyang telepono.

Binuksan niya ang kanyang telepono. Bukod kay Nameless Nie, na kanyang nai-blacklist, may apat na tao ang pinadalhan siya ng mga pulang pakete, isa-isa at bawat pakete ay may kasamang mensahe.

[Deboto: (Red pocket) Boss Famous!]

[Spray of Flowers: (Red pocket) Kasing ganda ng bulaklak!]

[Little Sweetie Aisin Gioro: (Red pocket) Ganda ganda ganda ganda!]

[Dead Man: (Red pocket) Maganda!]

[Dead Man: (Red pocket) Maganda!]

[Dead Man: (Red pocket) Maganda!]

[Dead Man: (Red pocket) Maganda!]

Ye Wan Wan: "…"

Nakakahiyang bansag...

Ayaw niya talaga itong tanggapin...

Matagal na natahimik si Ye Wan Wan bago niya tanggapin ang mga pulang pakete.

[Dead Man: Famous Ye! Nagkaroon ka din ng pake sa akin! Famous Ye, nagkamali ako! Biglang umalis ang maliit na demonyo; wala akong alam at nagulat din ako. Matapos no'n, gusto kong sabihin sa 'yo pero hindi ako pinayagan ng maliit na demonyo - sabi niya gusto kanya bigyan ng surpresa, kaya wala akong magawa. Desperado na din ako…]

Binasa ni Ye Wan Wan ang mensahe na pinadala ng lalaking icerberg at nasabi niya sa isang tingin lang na ang taong may hawak na telepono ng lalaking iceberg ay si Nameless Nie.

Haha, surpresa...

Malaking surpresa nga...

[Dead Man: Famous Ye, ano na ang sitwasyon dyan ngayon? Nakilala mo naba ng maliit na demonyo? Nagkakilanlan na ba kayo? Naniwala ba siya? Malalaman niya na nagsisinungaling tayo? Nasa labas ako ng bahay mo ngayon - pwede ba tayong mag-usap?]

Mabilis na nag-type ng mga tanong si Nameless Nie.

Galit pa din sa una si Ye Wan Wan, pero nang maisip niya si Tangtang, nanlambot ang puso niya at direktang tinawagan si Nameless Nie.

Ye Wan Wan: "En."

Nameless Nie: *Cough* "Hello… Famous Ye…"

Ye Wan Wan: "Pumasok ka at mag-usap tayo."

Agad na sumagot si Nameless Nie, "Hindi na, hindi na, hindi na. Hindi na ako papasok - gusto ko lang malaman kung kamusta ang aking maliit na ninuno at aalis na ako!"

Hindi nakaimik si Ye Wan Wan sa bakas ng takot sa kanyang boses na baka makita niya si Ye Wan Wan.

Kailangan niya bang umabot dito?

Sa kabilang linya, nanghimutok si Nameless Nie at mukhang nahihiya. "Famous Ye, pasensya na talaga. Hindi ko sinasadyang mailagay sa ganitong sitwasyon. Alam ko na mahirap talaga alagaan ang maliit na demonyong iyon - kakaiba siya at hindi gustuhin, at lagi siyang may pagkawalang bahal sa istura niya at matulis ang dila niya. Sa batang edad niya, may pagkahumaling siya sa kalinisan at hindi hinahayaang hawakan siya ng iba at sobrang pili niya sa pagkain. May kasabihan na: Hindi namamahinga ang Phoenix maliban kung puno ito ng Chinese parasol, hindi kakain maliban kung prutas ng kawayan at hindi iinom maliban na lang kung ang tubig ay kasing tamis ng wine - mas matigas pa ang maliit kong ninuno kaysa sa isang phoenix. Sobrang mapili siya sa damit niya, sa pagkain, sa kotseng pagsasakyan niya, sa feng shui ng isang hotel, at sa kamang hinihigaan niya. Wala kang ideya na kailang pa namin magdala ng unan noon kung saan man siya pupunta…"

Nilabas ni Nameless Nie ang kanyang maluha at madugong nakaraan at walang tigil na nagsalita...

Nalito si Ye Wan Wan habang nakikinig sa kanya.

Parehas na batang lalaki lang ba ang nakilala ko mula sa nilarawan ni Nameless Nie?

Nakuha ko ba…'yung maling bata?

Kumunot ang kilay ni Ye Wan Wan, "Sandali, captain Nie. Bakit 'yung taong nilarawan mo ay iba sa taong nakilala ko?"

Nameless Nie: "Iba? Anong ibig mong sabihin?"

Seryosong sinabi ni Ye Wan Wan, "Captain Nie, baka maling bata ang nakuha ko."

Sandaling natigilan si Nameless Nie bago sumigaw, "ANONG SABI MO?! Paano nangyari iyon?! Paano mo nakilanlan ang maling bata!

Napakurot si Ye Wan Wan sa kanyang kilay. "Pero may mali sa paglarawan mo ngayon lang! Basta, pumunta ka na lang agad dito para makumpirma kung siya nga…"

avataravatar
Next chapter