464 Nakuha ng matagumpay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ngunit kailangan niya makasigurado.

Kung ito ba ay suwerte lang o kung meron ba talagang ganitong klaseng kakayahan si Luo Chen.

Sa pag-iisip na ito, matatag na sinabi ni Song Jin Li, "Act 13, scene 7; umarte ka ayon sa iyong sariling pananaw!"

Matapos sabihin ni Song Jin Lin iyon, ang mga manunuod, na sabik na una palang, ay naging tahimik ulit nang kinakabahang tumingin sila sa dalawa.

Sa may bullet screen, ang mga fans ni Xu Ming ay hindi masaya at nagsimula ng manggulo…

[Hindi pa ito tapos! Bakit ba nag-aalala kayong lahat? Sobrang suwerte niya ngayon!]

[Eksakto. Halata naman na sinusubukang mandaya ni Luo Chen. kailangan si Xu Ming mismo ang umarte, kaya malinaw na, ang resulta ay medyo hindi maganda, kaya ginamit ni Luo Chen si Xu Ming upang tulungan siya nito! Masyadong tuso!]

...

Hindi napansin ni Luo Chen ang reaksyon ng mga nakapaligid na tao. Ito lamang noong narinig niyang sabihin ni Song Jin Lin "act 13, scene 7" doon siya nakaramdam ng pagkatuliro.

Itinuro sa akin mismo ni Ye-ge ang pag-arte na ito at ipinaliwang niya din ito. Hindi ko inaakala na ito ang pipiliin ni direktor Song.

Habang tuliro parin si Luo Chen, nasa karakter na si Xu Ming at nagsimula ng umarte.

Sumailalim si Xu Ming sa isang propesyonal na pagsasanay - madali siyang nakabalik sa kanyang karakter at pumasok na siya sa sumunod na bahagi ng kwento.

*Swish* ipinakita ni Xu Ming ang paggalaw ng pagguhit mula sa espada saka kaagad niyang inatake ang espasyo sa kanyang tapat. Ang masama at nakamamatay niyang intensyon sa kanyang mata ay tila nakikita na para bang napapasa ito gamit ang screen sa mga manunuod...

[Sobrang...napaka husay! Ngayon, mukhang ito ang totoong kakayahan ni Xu Ming! Isang sulyap lang ay sapat na para kilabutan ako!]

[mahusay niyang na gampanan ang uhaw sa dugo na great devil!]

Bilang ang lahat ng tao ay naghihiyawan at pinupuri si Xu Ming sa kaniyang mahusay na pagganap na mas magaling kesa sa nakaraan niyang pagganap, nagkakaroon ng pagkukumpara sa isipan ni Luo Chen.

Ang pagganap ni Xu Ming sa eksana ay gayang-gaya sa ginawa ko bago pa ako itama ni Ye-ge.

Kung hindi lang nangialam sa akin si Ye-ge sa eksenang ito, ang aking pagtatanghal ay siguradong pareho lang kay Xu Ming.

Ngayon…

Ang audition ni Xu Ming ay nagtala ng maraming palakpakan, at ang kanyang manager, na si Wu Zheng Fei, ay naginhawaan din. Ang assistant director at producer ay parehong itinatango ang kanilang mga ulo.

Gayun pa man, naka-upo sa gitna, si Song Jin Lin, hindi man lang nag iba kahit isa ang kanyang emosyon. Sa halip ay diretsong nakatingin kay Luo Chen. "Luo Chen, maaari kana magsimula!"

Napasin ni Xu Ming ang pagbigay ni Song Jin Lin kay Luo Chen ng espesyal na atensyon. Huminga siya ng malalim upang maalis ng sama ng loob sa kanyang puso at walang siglang tumingin kay Luo Chen.

Ginabayan siya ng kanyang teacher sa eksenang ito noon at sobrang sigurado siya na mahusay ang kanyang interpretasyon sa eksena.

Kung pareho lang ang pag arte ni Luo Chen sa kanya, siguradong lalabas na mahina si Luo Chen…

Tumango si Luo Chen at nagsimula na.

Sinundan niya ng tama ang itinuro sa kanya ni Ye Wan Wan at tinapos ang pagganap sa eksena.

Ang interpretasyon ni Luo Chen sa role ay malayo sa agresibo at emosyonal na pag arte ni Xu Ming; nang hugutin niya ang kanyang espada, ang kanyang tingin ay walang gana, walang layunin at walang emosyon....

Walang emosyon sa kanyang mukha, ngunit nakaramdam ang lahat ng panlalamig sa kanilang mga puso...

Matapos mapanuod ang pagtatanghal ni Luo Chen, ang mukha ni Song Jin Lin ay nawala sa kanyang paggiging kalmado. Nagtanong siya ng bahagyang may pagkasabik sa kanyang boses: "bakit ito ang ginamit mong paraan ng pag arte sa eksena? Sabihin mo sa akin ang iyong dahilan!"

Sumulyap si Luo Chen sa may direksyon ni Ye Wan Wan at isinaalang-alang maigi ang kanyang salita bago sumagot: "sa tingin ko masyadong hindi makatarungan at labis na nahirapan sa puntong iyon at habang ang kanyang ugali ay nagbago ng husto, ang malaking pagkakaiba sa pagitan niya at ng old Lin Luo Chen ay hindi ang pagbabago ng kanyang ugali kundi ang paggalang na mayroon siya para kanyang buhay."

Kung itinuturing lang niya ang buhay at isinasaalang-alang ang mga tao bilang mga tao, magkakaroon siya ng hangarin, ngunit kung titignan niya ang buhay na parang damo at dumi, kung siya ay papatay, wala ring magbabago!"

Nang sandaling masabi ni Luo Chen ang kanyang bahagi, agad na kinalampag ni Song Jin Lin ang lamesa. "Mahusay!"

Ang mata ni Song Jin Lin ay bahagyang namumula. "Bago pa mamatay si teacher Lin Zong, minsan niya akong kinausap patungkol sa eksenang ito - nang panahong iyon, sinabi niya na ang lubusang pagbabago kay Lin Luo Chen ay eksakto nang sinabi mo ngayon! Luo Chen, magaling ka! Masasabi ko na masigasig mong pinag-aralan ang karakter na ito!"

Nang sabihin iyon ni Song Jin Lin, nakahinga ng maluwag si Ye Wan Wan.

Alam niya na matagumpay na nakuha ni Luo Chen ang role na ito.

avataravatar
Next chapter