1169 Nakikita mo ba na kulay berde na ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Niyakap ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran. "Congratulations! Hindi mo ako kailangang pasalamatan, simula pa lamang ay naging mabuti ka nang tao…"

Lahat ng camera ay nakatutok sa pinakabagong Best Actress na niyayakap ang maalamat na manager.

Malakas na palakpakan ang maririnig sa lahat ng mga manonood.

Nagulat ang lahat ng agencies na gusto sanang kumuha kay Jiang Yan Ran bilang artista nila.

Ang pinakabagong Best Actress na mag magandang kinabukasan ay nabibilang na pala sa iba.

Hindi nila inasahan na ang pinaka-mainit na headline ay hindi ang Best Actor o Best Actress. Ang headline ay ang kanilang manager!

Ang manager na nag-debut noong nakaraan na taon lamang pero nakapagbigay na siya ng dalawang Best Actors at isang Best Actress...

Para naman sa Age of the Immortals, si Ye Mu Fan lamang ang nakakaalam tungkol kay Jiang Yan Ran. Wala nang nakakaalam na hawak pala ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran.

Gayunpaman, kalmado pa rin si Han Xian Yu. Para sa kanya, kahit na may isang bagay na nakakabighani, sasakyan lamang niya ito kung nangyari ito kay Ye Bai.

Mas nakakagulat naman ang reaksyon sa mga mukha nila Luo Chen at Gong Xu.

Tinititigan ni Gong Xu si Ye Bai at ang pinakabagong Best Actress at bigla niyang tuliro na tinignan si Luo Chen, "Loko… tingnan mo ako…"

Tiningnan ni Luo Chen si Gong Xu at hindi siya makapaniwala.

Nagtanong si Gong Xu, "Tingnan mo kung ano ang kakaiba sa akin."

"Kakaiba?" Sumagot si Luo Chen habang nakakunot ang kanyang kilay.

Halos mabaliw na si Gong Xu. "Berde ako! (naloko ako) Kulay berde na ako! Hindi mo ba nakikita?! Hindi mo ba nakikita na ang mataas na talahiban sa aking ulo ay kayang magpalaki ng isang tribo? Nagsinungaling sa akin si Brother Ye! May kabit siya!"

"…"

Sa ilalim ng entablado, sa lugar na hindi nakikita ng camera, pinag-uusapan ng mga tao ang maalamat na manager. 

"Ano ang pagkakakilanlan ni Ye Bai? Bakit ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa taong ito?" Isang babaeng A-lister ang interesadong nagtanong.

Hindi kilalang manager si Ye Bai kumpara sa mga kilalang manager na sumikat na dahil hawak nila mga A-lister.

Sa ngayon, ang taong nakapagdala ng dalawang Best Actor at isang Best Actress sa isang gabi lamang. Wala nang tataliwas sa kanyang pagkakakilanlan.

Sa mga manonood, mabilis na sumagot ang isang artista sa Worldwide, "Nagta-trabaho si Ye Bai noon sa Worlwide. Noong nilipat siya ni Chairman Chu sa Dazzling Media, mag-isa niyang tinulungang manumbalik si Luo Chen at kinuha niya rin si Gong Xu kay Zhou Wen Bin, pinatino niya 'yan si Gong Xu. Lalong umangat ang Dazzling Media noong si Ye Bai ang namuno nito…"

"Nagtrabaho siya sa ilalim ni Chu Hong Guang? Bakit nabalitaan ko na napunta si Ye Bai sa Age of Immortals at kinuha niya pa sila Luo Chen at Gong Xu…?" May nagtanong.

Ang artista na galing sa Dazzling Media ay tiningnan si Chu Hong Guang at sinabi niya, "Nakita lang kasi ni Chairman Chu na maraming kinikita ang Dazzling Media, kaya pinasok niya ang sarili niyang pamilya sa kumpanya at nilipat niya doon si Cai Yong Sheng."

"Noong pumasok si Cai Yong Sheng sa kumpanya, nagdala siya ng maraming pagsubok kay Ye Bai. Ginamit niya si Gong Xu at Luo Chen para pasikatin niya ang sarili niyang artista, ginamit niya rin sila para gumawa ng tsismis at gamitin sila para maging hakbang ng kanyang artista papunta sa kasikatan. Pinilit njya si Ye Bai na umalis…"

Gusto ng lahat na makinig sa tsismis, kaya masaya silang sumabad, "Tapos?"

"Tapos alam niyo na ang mga sumunod. Matapat sila Luo Chen at Gong Xu kay Ye Bai. Hindi nila pinansin ang pagbabanta ni Cai Yong Sheng na ibo-boycott raw sila niya ang mga ito kaya umalis sila kasama ni Ye Bai!"

"Tut tut, buti na lang sumama sila kay Ye Bai!" May isang nagkomento.

avataravatar
Next chapter