304 Nakikipag landian sa lalaki

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nabigla talaga si Han Xian Yu-- sa kasaysayan ng pakikipag landian ni Qiao Ke Xin sa mga baguhan, ito ang unang beses na nakita ni Han Xian Yu na namuka ang pisngi niya!

Nag-aalala si Han Xian Yu na baka mag padalos-dalos pa si Ye Bai, siya nga naman ang nag-imbita sa kanya sa party. Dali-dali niyang tinulungan si Ye Bai na tumayo at umalis sa lugar na iyon.

Nagmaneho si Han Xian Yu papunta sa kanyang apartment habang si Ye Wan Wan ay nakaupo sa tabi niyang passenger seat. Mukang lasing si Ye Bai dahil nakatitig pa rin siya sa mukha ni Han Xian Yu.

Inisip ni Han Xian Yu na baka masama na ang pakiramdam ni Ye Bai dahil marami siyang nainom, kaya binilisan niya ang pagmamaneho at tumingin siya ng patagilid para masilayan ang binata sa tabi niya. "Okay ka lang ba? Nasusuka ka ba? May plastik ako dito sa kotse!"

Huminto na ang matagal na pagtitig ng binata kay Han Xian Yu at dahan-dahan siyang bumalik sa tamang pag-iisip. Natawa siya at biglang lumaganap ang positibong epekto ng ngiti ni Ye Bai sa paligid nila; ang mga mata niya ay tulad ng libo libong bulaklak na namumukadkad sa sobrang ganda, "Ah, paano ako masusuka kung nakatingin ako sa napaka-gwapong lalaki?"

Screech—— nawala bigla sa kontrol si Han Xian Yu sa manibela, kaya dumagusdos ang kotse at nakagawa ito ng "S" sa kalsada…

...

Pagkatapos ng hindi inaasahan nangyari sa daan, sa wakas ay nakarating na sila sa apartment.

Tinulungan ni Han Xian Yu si Ye Bai papasok ng pintuan at hindi siya makapaghintay na itapon siya sa loob.

Ang lalaking ito… napakabilis niyang malasing...

Okay lang kung malasing siya at manlandi ng mga babae, pero kahit lalaki ay walang kawala sa kanya!

Bigla siyang nabigla dahil naisip niya ulit ang imahe ng nakangiti na itsura ni Ye Bai sa may kotse.

"Loko-loko talaga ito…"

Akala noon ni Han Xian Yu na masyadong strikto ang girlfriend ni Ye Bai, ngunit ngayon, naaawa siya sa babaeng iyon...

Nagbuntong hininga si Han Xian Yu pagkatapos niyang buhatin si Ye Bai papalapit sa pintuan. Pagkahakbang niya, may nakita siyang lalaki na nakatayo sa may pintuan.

Si Ah-Jiu pala ito...

Kaibigan ni Ye Bai...

Ang lalaking ito ay mukhang galing pa sa black-tie affair dahil nakasuot siya ng plain black na formal suit; ang eksaktong pagkakatahi ay humubog sa kanyang payat na baiwang at habang may malamig na pakiramdam ang galing sa mga mata niya. Ang matangos niyang ilong, malalim na mga mata na kasing itim ng inta at ang mala-ubas sa pula niyang mga labi ay nagsama-sama pata bumuo ng perpektong mukha. 

Biglang naging malamig sa pakiramdam ang paligid na iyon at ang buong espasyo ay naging masikip sa pakiramdam.

Ang nakakamatay na tingin ng lalaki ay bumaling sa kanya, naramdaman niya ang pagsisisi na para bang nahuli siyang nangangalunya.

Panandaliang nawala ang isip ni Han Xian Yu bago siya bumalik sa katinuan. Mabilis niyang sinabi, *cough* "Mr. Si, hinahanap mo ba si Ye Bai? Lasing kasi siya…"

Tinulak ni Ye Bai si Han Xian Yu pagkarinig niya sa sinabi nito, lumiwanag ng parang araw ang mga mata ni Ye Bai habang naglalakad siya papalapit sa lalaking nasa pintuan, "Ang ganda…"

Han Xian Yu: "..."

Maganda raw?

Tinawag mong maganda ang isang matipunong lalaki? Hindi ka ba natatakot na baka sapakin ka niyan?

Gusto sana siyang pigilan ni Han Xian Yu pero parang nakawalang kabayo si Ye bai; ang mga mata niya ay parang nakakita ng isang biktima at ang buong atensyon niya ay nakatingin sa imortal na gwapong lalaki na nakatayo sa harap niya. "Ganda, nakilala na ba kita noon sa ibang lugar?"

Kumibot ang mga labi ni Han Xian Yu nang marinig niya iyon-- ang sinabi niya ay isang makalumang linya para makakuha ng mga babae.

Mas magaling pang magpigil si Si Ye Han kesa sa kanya kapag nakakainom-- pagkatapos landiin ni Ye Bai si Si Ye Han, patuloy lang na nakatayo na kasing tigas ng yelo si Si Ye Han habang walang emosyon ang kanyang mukha. Nakakapangilabot na nasa iisang lugar ka ng kasama siya.

Ngunit, hindi napansin ng binata ang panganib na nasa harapan niya, kaya patuloy lang siya sa pangangasar niya kay Si Ye Han, "Magandang little ge ge, sa tingin ko ay bagay taong dalawa; gusto mo bang basahin ko ang palad mo, ha?"

Naguguluhan si Han Xian Yu sa nangyayari: "..."

Umulit na naman?

Hindi hinintay ni Ye Bai na sumang-ayon sa kanya ang lalaking kaharap niya. Habang hindi makapagsalita ang nakatingin sa kanyang si Han Xian Yu, biglang hinablot ni Ye Bai ang kamay ng lalaki...

avataravatar
Next chapter