826 Nakatagpo ng isang malakas na kalaban

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Wala na sila...

Talagang umalis sila ng ganun lang…

Ang isa sa kanila ay gold medal manager ng Dazzling na bumangon mula sa patay, na si Ye Bai, at ang isa ay kilala bilang top stylist na may dakilang kamay, na si Felix, hindi na binanggit ang dalawang malaking peste ng Dazzling - popular prince, na si Gong Xu, at hot newbie, na si Luo Chen.

Ang apat na taong ito ay talagang ipinahayag na sila ay aalis sa Dazzling sa parehong oras na iyon?!

Ang lahat ng staff na nagre-record ng show ay sandaling nagulat bago pa magkagulo habang sila ay likas na nakatingin kay Cai Yong Sheng.

"Bwisit, talagang mayabang ang Ye Bai na ito! Basta-basta na lang niya pinahiya si Cai Yong Sheng ng ganun lang! at kinuha din niya pati ang dalawang mahusay na gods mula sa Dazzling!"

"Uh, hindi ba ito medyo sakim?"

Sa sandaling ito, lumabas ang isang tao na alam ang katotohanan. "Anong alam mo? Kung hindi ito para sa PR ni Ye Bai, ang insidente ng 'Bullying' na nagdulot ng isang national boycott ang maaaring sumira kay Gong Xu."

"Si Felix ay personal na nilooban ni Ye Bai - may mga hindi mabilang na megastar ang nakikiusap na ayusan sila pero basta basta lang tinatrato ni Cai Yong Sheng siya na parang isang assistant at inuutos-utusan, ginagawa siyang taga-buhat ng mga bag at damit. Hindi ko na kailangan banggitin si Luo Chen, diba? Mag-isa siyang inayusan ni Ye Bai…"

"Nang si Ye Bai ay direktor ng talent recruitment, naglabas siya ng maraming baguhan at nagpasok din ng madaming tanyag na managers. Sa loob ng maiksing panahon, ang Dazzling ay bumangon mula sa pagiging isang sangay ng kumpanya ng Worlwide na kumikita na hindi bababa sa pagiging isa sa top ten campanies sa industriya dahil kay Ye Bai - anong ibig sabihin nito?"

"Sa huli, sinira ni Cai Yong Sheng ang lahat. Sa pag gamit ng katotohanan na siya ang pamangkin ni Chu Hong Guang, gusto niyang pangasiwaan ang buong kumpanya matapos mapunta dito ng dalawang araw. Sinubukan niyang paalisin si Ye Bai at kinuha ang lahat ng karangalan para sa trabaho ni Ye Bai. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Ye Bai…"

Patuloy ang pag buntong hininga ng lahat ng marinig nila ito…

"Kung isang ordinaryong tao lang ito, malamang na kukunin niya ito, tama? Matapos ang lahat, si Cai Yong Sheng ay mayroong malakas na kapit; walang magagawa ang sino man na guluhin siya! Tiganan mo si Ye Bai - umalis sa kumpanya sa oras na ito ng walang wala at kinakailangan pabagsakin ng Worldwide sa susunod kapag nanatili siya sa industriya…"

"Si Cai Yong Sheng dapat ang may masakit na ulo - gusto niyang samantalahin si Ye Bai ngunit hindi niya inaasahan na si Ye Bai ang malakas na kalaban!"

Sa sandaling ito, si Cai Yong Sheng, na masigla sa una at pinapakita ang kanyang lakas, pinapanuod ang umuurong na anyo na may pagka dismaya. Siya ay namutla habang nakatingin sa staff at artista sa paligid niya na nakatingin sa kanya ng kakaiba.

Tapos na ako...

Paano ko ipapaliwanag ito sa aking tito?!

Napansin ni Lucy Yang ang ibang babaeng artista na nagagalak sa kanilang kasawian at pagkagalit. Talagang umalis si Gong Xu at Luo Chen sa kumpanya ng walang pag-aalinlangan kaya lang hindi sila dapat nasa isang programa tulad niya - ito ay katubas sa direktang paglakad sa ibabaw ng kanyang mukha.

"Sheng-ge, tignan mo sila. Napaka tanga nila! Sheng-ge, kailangan mo itong itama para sa akin! Nangako ka na magso-shooting ako ng programa itong linggong ito kasama si Luo Chen at Gong Xu…"

"Manahimik!" Galit na sumigaw si Cai Yong Sheng saka niya hinablot ang resignation letter mula sa kamay ng kanyang assistant. Nabalot ng kalungkutan ang kanyang mukha.

Balisa ang assistant. "Direktor Cai, anong… dapat nating gawin dito… paano natin ito ipapaliwanag kay Chairman Chu…"

Labis na galit si Cai Yong Sheng, "Bakit ka nagpanik?! Nagpapanggap lang sila na pagbantaan ako - hindi ko maisip na magtatangka silang umalis!"

Ang pagre-record ng show ay napilitang itigil sa kalagitnaan at si Cai Yong Sheng at ang iba ay bumalik sa opisina.

Habang sila ay bumabalik, biglang nakatanggap ng tawag si Cai Yong Sheng mula sa Worldwide HQ.

"Direktor Cai, hindi ba nagre-record ng show si Luo Chen at Gong Xu ngayon? Anong nangyari?" Ang boses ng assistant ni Chu Hong Guang ang narinig mula sa tawag.

"Anong nangyari?" May masamang pakiramdam si Cai Yong Sheng sa kanyang puso.

Nag-resign si vice-president Ye. Pati si Gong Xu, Luo Chen at Felix ay sinama niya! Mas mabuting bumalik kana sa opisina - si Chairman Chu ay nagwawala!"

avataravatar
Next chapter