266 Nakapasok na sa bitag ang biktima

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makita ng mga reporter ang bagong impormasyon na 'to, may lalo silang nasiyahan.

Sa kabilang banda, sa apartment:

Si Fei Yang, na pinapanood ang live telecast, ay nag-aantay ng makakapagpa-ikot ng mga pangyayari, pero nakita niya lang ang paglalala ng sitwasyon. Malapit na lang ay mababaliw na siya.

"Anong klaseng dummy account 'to! Bobo ba 'tong mga reporter na 'to?"

Anong nangyayari?

Hindi ba ito ang reporter ng Mars Weekly na nakapagsunduan ni Ye Bai?

Humilig si Han Xian Yu sa may kama at tinitigan ang screen. Nangangalumata at matigas padin ang itsura nito at sa kanyang mukha, mayroon itong pamamanhid at kahungkagan.

Sa sandaling 'yon, ang website ng live telecast ay binaha din ng mga kumento--

"Wow! Pasabog ito! Nalantad ang dummy account ni Han Xian Yu!"

"Baka madami pa siya account bukod dito!"

"Kadiri talaga siya. Mukhang lima o anim na taong gulang lang yung bata, halos ka-edad ng batang babaeng piangsamantalahan niya, huh!"

"Pag mas iniisip mo, mas nakakatakot…"

...

Matapos na makuha ang reaksyon na gusto ni Gao Feng, malubha niyang sinabi, "Nakita naman po ng lahat na ang isang normal na tao ay makikita na sobrang nakakatuwa ang batang babae. Tanging isang paedophile lang ang makakapag-isip ng madumi ang malisyosong pag-iisip!"

Nakita ni Zhao Da Yong na naglabas pa ng ebidensya ang reporter at kuminang ang kanyang mata. Agad naman siyang nagsalita, "Tama! At kita naman sa petsa sa Weibo na pitong taon na ang lumipas. Ang tagal ng nagtatago ni Han Xian Yu at hindi natin alam kung ilang mga inosenteng bata ang napahamak niya…"

Sa press conference, ang lalaki na nakaputing polo ay tinignan ang mga kumento sa kanyang phone at nakinig sa mga sinasabi ng media at ni Zhao Da Yong. Napangisi ito ng bahagya.

Pumasok na sa bitag… ang biktima...

Sa entablado, tumingin si Gao Feng ang mga tao at pinasadahan ng tingin ang buong hall, at tumigil kay Zhao Da Yong na bakas sa mukha ang pagkagulat. Umangat ang kanyang mga kilay at nagtanong, "Mr. Zhao, tingin mo din po? Tingin mo na paedophile itong netizen na 'to?"

Hindi na nag-atubili pa si Zhao Da Yong at sumagot, "Syempre, kung hindi siya paedophile, ano pa siya?"

Nag-umpisa na ding magbulungan ang ilan sa mga tao...

"Kailangan mo pa bang magtanong? Kung hindi siya paedophile? E ano pala ang isang paedophile?!"

"Nadungisan na talaga ang pangalan ni Han Xian Yu; hindi niya na malilinisan pa 'to habang buhay, ya?"

Tumawa si Gao Feng at hindi na sumagot pa pero pumindot na lang ulit ito sa may projector. "Ngayon, tignan niyo po kung sino ang nagsulat ng nakakadiring kumentong ito!"

Nang marinig ang sinabi ni Gao Feng, napatayo ang lahat at makapagpigil hininga nilang inantay ang susunod na mangyayari.

Madami siguro mga nilalaman na ginawa ni Han Xian Yu sa dummy account niya huh...

Sa malaking screen, lumiit ang litrato at parehong screenshot pa din pero ngayon, ang nakatagong Weibo ID ay nawala at ang ID ay lumitaw sa lahat na kasing linaw ng araw...

Lonely Cigarette: [Sobrang landi, gusto ko siyang i-f***! Magkano ang isang gabi lang?]

At ang Lonely Cigarette ay ang——tatay ng biktima na ginahasa, si Zhao Da Yong!!!

Nang makita ng mga reporter ay napaka-pamilya na ID, nanahimik ang buong hall.

Biglang nanigas ang mga ngiti ni Zhao Da Yong. Bakas sa mukha niya ang pagkagalit at hindi ito makapaniwala sa una, at nang mayroon siyang naalala napalitan ito ng pagkabalisa at pagkatakot...

avataravatar
Next chapter