1092 Nakalimot na ang little devil dahil masyado siyang naging masaya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naguluhan at nalugod si Ye Wan Wan sa mga sinabi ng batang lalaki.

Hindi naman siya kasi ang nanay ng batang ito.

Tinago ni Ye Wan Wan ang pagkadismaya niya at agad niyang inayos ang kanyang sarili. Sinuot niya muli ang costume at hinawakan niya ang kamay ng bata. "Tara na, Tang Tang! Hanapin natin si daddy mo at magpa-picture tayo sa kanya!"

"Okay!" Masayang hinawakan ni Tang Tang ang paw ng bear.

Mabilis na pinuntahan ng bear at ng bata si Si Ye Han.

Hinalungkat kaagad ni Ye Wan Wan ang kanyang phone sa chest pocket ng kanyang costume. "Ah-Jiu, Ah-Jiu! Picturan mo sana kami ni Tang Tang!"

Gustong-gusto niya talagang mag-picture silang dalawa ni Tang Tang. Gusto niya rin kasing i-send ito kay Nameless Nie, pero ang dahilan talaga ay gusto niyang may maiwan silang mga ala-ala sa mga litratong ito...

Banayad ang itsura ni Si Ye Han pagkakuha niya ng phone ni Ye Wan Wan. "Sige."

Mahusay ang photography skills ni Si Ye Han kaya agad silang natapos kaagad pagkakuha niya ng ilang mga litrato. Ang bawat litrato ay maihahalintulad sa isang magazine shot at ang komposisyon niyo ay nasa golden ratio.

Sinuri ni Ye Wan Wan ang mga litrato pagkatapos silang kuhanan ni Si Ye Han, at natutuwa siya sa kinalabasan ng mga ito. Lumapit siya kay Lin Que at Xie Zhe Zhi at bigla niyang pinili si Xie Zhe Zhi. "Best Actor Xie, pwede mo kaming kuhanan ng group photo?"

Masayang tinanggap ni Xie Zhe Zhi ang phone at pumayag siyang picturan sila, "Karangalan kong ma-litratuhan kayo."

Mukhang nadismaya si Lin Que at parang may ulap siya sa kanyang ulo na handa nang umulan...

Pumunta ba ako dito para magbakasayon o torture ba ito?

Masayang araw ito para kay Ye Wan Wan at sa kanyang pamilya habang sila Lin Que at Xie Zhe Zhi ay naging photographers sa pamilya na iyon.

Sa huli, hindi na nakapagtimpi pa si Xie Zhe Zhi. Nakapagdesisyon silang dalawa na hindi na muli sila magiging interesado sa pamilyang iyon at iiwasan na nila ang mga iyon...

Pagkabalik nila noong kinagabihan:

Isa-isang tiningnan ni Ye Wan Wan ang mga litrato at inedit muna niya ang mga ito bago niya isend kay Nameless Nie.

[Nie Hollow Pit: Ang kyut niyo! Magugustuhan ito ng Empress Dowager ko!]

At tsaka, nagpapakasaya si little devil sa ngayon at tila nakalimutan niya na ang lahat! Napakasaya!

Matagal na nangamba si Ye Wan Wan bago siya makapag-reply kaya Nameless Nie.

Nagtanong si Ye Wan Wan: [May balita na ba sa mga magulang ni Tang Tang?]

Agad na sumagot sa kanya si Nameless Nie: [Hindi mo na kailangang mag-alala pa, Sister Famous Ye! Hindi na kita guguluhin pa ng matagal! May leads na ako kaya naniniwala ako nag may balita anh matatanggap nitong mga darating na panahon!]

Hindi natuwa si Ye Wan Wan nang makita niya ang reply ni Ye Wan Wan. Hindi ba ako pwedeng mag-relax na muna?! Bakit ang bilis niya naman umakto?!

[Ye Wan Wan: Sige lang, hindi naman kita minamadali.]

[Nie Hollow Pit: Maniwala ka sa akin, Sister Famous Ye! Naging progresibo na ang paghahanap ko at sasabihin ko sayo ang mga detalye mamaya. Sigurado ako! Sigurado ako na kukunin ko na si Tang Tang pagkatapos ng tatlong buwan!]

"..." Muntikan nang mamatay sa sobrang galit si Ye Wan Wan...

[Nie Hollow Pit: Salamat sayo, Sister Famous Ye! Kung hindi mo pinakalma si little devil, siguro nilibot na niya ang buong mundo para mahanap ang kanyang mga magulang. Papatayin ako ng mga magulang ko kapag may nangyaring masama kay Tang Tang!]

Walang gana na sumagot si Ye Wan Wan kay Nameless Nie: [Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Nagustuhan ko naman si Tang Tang eh.]

[Nie Hollow Pit: Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gusto mo yung little devil na iyon…]

Nagalit si Ye Wan Wan nang makita niyang tinawag ni Nameless Nie na little devil si Tang Tang. [Kapag tinawag mo ulit na little devil ang anak ko, papagupitan ko ang buhok niya sa unang buwan ng lunar year!]

Nagtaka si Nameless Nie sa sinabi ni Ye Wan Wan: [Huh? Anong meron kung nagpagupit siya sa unang buwan ng lunar year?]

Galit na nag-type ng sagot si Ye Wan Wan: [Kapag nagpagupit siya sa unang buwan ng lunar year, mamamatay ang kanyang tito!!!]

[Nie Hollow Pit: …]

Ang sama niya naman...

avataravatar
Next chapter