814 Nakalibre sa kanyang kasikatan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makabalik si Ye Wan Wan sa kanyang opisina, balisa siyang kinausap ng kanyang assistant, "Director Ye, yari tayo!"

Ye Wan Wan: "Ano iyon?"

"Hindi ba't may appointment ka kay chief editor Liang nitong tanghali? Bigla siyang tinangay ng bagong director na si Cai Yong Sheng at sinabi niya rin na simula sa araw na ito, siya na ang responsable sa lahat ng gawain ng mga kolaborasyon!"

Lalong nagagalit ang assistant habang nagdadalita siya. "Ye-ge, sobra ang masamang ugali na pinakita ni Cai Yong Sheng. Ikaw mismo ang nagtagumpay na nakuha ang deal na iyon, at kahit na nailipat ka na, ikaw pa rin dapat ang magtatapos ng deal na ito - bakit niya nanakawin ang deal na iyon? Hindi ba't sa kanya mapupunta ang lahat ng credits kung gayon?"

Hindi nagbago ang itsura ni Ye Wan Wan nang marinig niya na tinangay ng ibang tao sa kalagitnaan ang deal na trinabaho niya ng ilang buwan. Walang siyang pakiramdam nang sinabi niya, "Kaya niyang nakawin ang deal na iyon, pero kaya niya ba itong pangatawanan…"

Sa isang booth, sa loob ng isang high-class restaurant ng Imperial City.

"Chief editor Liang, ipapakilala ko sa iyo ang baguhan na kasama ko na si Lucy Yang! Lucy, dali, kuhanan mo ng isang glass ng wine ni chief editor Liang. Ang 'Beauty' ang nangungunang fashion magazine sa ngayon. Kilala itong fashion magazine, naabutan pa nito ang VIVI kaya maraming tao ang gustong makapasok sa magazine!" sabik na dinala ni Cai Yong Sheng ang mga nakakaakit na baguhan na hawak niya, na sumama sa kanila na uminom ng wine.

Tuwang-tuwa ang lahat nang marinig nila at mga papuri sa kanila at hindi na ito bago kay Liang Chong. Masaya niyang sinagot si Cai Yong Sheng, "Binobola mo ako, director Cai."

"Chief director Liang, hindi mo kailangang magpakumbaba; sinasabi ko lamang ang katotohanan, haha…" matagal na dumaldal si Cai Yong Sheng at bigla niyang sinenyasan ang isang magang artista na dinala niya.

Naintindihan siya ni Lucy Yang. Inangat niya ang kanyang glass at naglakad siya papunta kay Liang Chong at umupo siya ng sobrang lapit sa kanya. "Cheers! Chief director Liang!"

Pagkatapos ng tatlong alak na ininom nila, ginamit ni Cai Yong Sheng ang lahat ng paninipsip para pasayahin si Liang Chong at kinuha niya ang tsansa na ito para sabihin, "Chief editor Liang, si Lucy ang pinakasikat na baguhan ng Dazzling Media sa taon na ito. Bibigyan namin siya ng marami mga proyekto at uunahin siya ng kanyang mga resources. Umaarte siya ngayon bilang isang female lead role at malamang ay sisikat kaagad siya sa hinaharap. Pwede mo sigurong gawing cover ng upcoming issue ng magazine mo si Lucy…"

Napakunot si Liang Chong nang marinig niya iyon - hiwalay sa kanyang trabaho ang pakikipag-inuman at hindi siya nagiging pabaya sa kanyang trabaho. Hindi siya isang tanga na maniniwala sa salita ng iba dahil nakarating naman na sya sa posisyon na chief editor.

Parang mga carp na lumalangoy sa lawa ang mga bagong artista sa taon na ito. Isa lamang sa mga baguhan si Lucy at kahit na maraming resources ang umuulan sa kanila, hindi pa rin ito sapat.

Hindi pa siya kwalipikado pa maipasok sa kanyang magazine, at kung mas maaga niyang nalaman na ang director ng Dazzling ay ipipilit ang artista na ito sa kanya, hindi na sana siya sumama sa kainan na ito.

Manhid na sumagot si Liang Chong sa kanya, "Director Cai, parang nagkamali ka yata? Noon pa man, napagkasunduan na namin ni director Ye na si Gong Xu ang magiging cover ng magazine. Naisip ko na ang theme para sa kanya, pero bigla mong sinabi na papalitan ang artista ng cover ng magazine. Hindi ko na pala pwedeng ipagpatuloy ang kontrata na ito!"

Biglang umubo si Cai Yong Sheng at sinabi, "Huwag kang mabalisa, chief director Liang. Siyempre, hindi ko lalabagin ang kontrata at hindi ko papalitan ang artista na magiging cover artist mo. Ang ibig kong sabihin, pwede bang maksama si Lucy sa cover ni Gong Xu?"

"Kilalang-kilala ng publiko si Gong Xu, ngunit sa ngayon, nag-iba ang ugali niya at natutunan niyang ayusin ang kanyang ugali. Wala siyang girlfriend at walang tsismis na umiikot tungkol sa kanya sa ngayon, kaya nagtataka ang publiko sa kanya…"

"Pagisipan mong mabuti - paano kung may kumalat na tsismis sa pagkakataon na ito? Hindi ba masisira nito ang inaasahan ng publiko kay Gong Xu? Kung gayun, mabebenta sa lahat ang magazine mo…"

Halata naman ay pinaparating ni Cai Yong Sheng.

Hindi niya lang gustong nakawin ang kapurihan ni Ye Wan Wan, gusto niya rin babaan ang kasikatan ni Gong Xu upang iangat ang kanyang baguhan na artista...

avataravatar
Next chapter