1184 Nakakatandang bayaw?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang nanahimik ang buong banquet hall noong pumasok ang babaeng kasama ni Ye Mu Fan.

Inakala nila na ang bagong Best Actress ay maganda na, pero bigla siyang naging ordinaryo sa mata nila kumpara sa babaeng nasa harapan nila.

Kahit ai Ling Qing Ran na tinuturing na "pinaka-maganda sa lahat" na nasa entertainment industry, ay wala kumpara sa babaeng ito. Kung ilaw ng mga fireflies ang babaeng ito, si Ye Wan Wan naman ay ang sikat ng araw.

Hindi sinakloban ng madilim na bestida ni Ye Wan Wan ang kadakilaan niya. Dala niya ang madilim na kulay at naakit nito ang mga mata ng lahat, ito ay sobrang ganda.

Pagkalipas ng ilang segundo, bumalik ang ingay sa lugar na iyon at maraming mga tao ang naghanap ng impormasyon tungkol sa babae.

"Sino yung babae na nasa tabi ni Ye Mu Fan? Nasa industriya ba siya? Parang hindi ko pa siya nakita noon?"

"Siya kaya yung baguhan na nanggaling sa Age of the Immortals? Ang ganda ng mukha niya, noh?!"

"Ahem, bakit lahat ng artista ng hawak ng Age of the Immortals ay sobrang ganda at gwapo? Mahirap ba talaga ang requirement nila para makapasok ng Age of the Immortals? Kailangan galing langit ang mukha mo?"

"Huwag kang manghula ng bulag. Base sa maingat at nerbyosong ugali ni Ye Mu Fan, hindi siya mukhang normal na artista na nanggaling sa agency nila. Jowa niya kaya ito?"

"Jowa? Pero mukhang hindi niya ito jowa…"

Sa ngayon, si Gong Xu ay nanigas na parang takot na estatwa noong tinitigan niya ang babae sa tabi ni Ye Mu Fan.

"P*ta! Ang ga-ganda! Hindi ba't ang ganda niya?!" Biglang nautal si Tang Xing Huo na inasar na hindi raw edukado si Gong Xu kanina. Wala siyang mahanap na salita na magsasabi kung paano ilalarawan ang babaeng ito.

Kumikinang ang mga mata ni Tang Xing Huo at bigla niyang tinanong si Luo Chen at Gong Xu, "Hey hey hey, sino ang babae na nasa tabi ni Felix? Bakit hindi ko pa siya nakita noon? Ipakilala mo ako at ibigay mo sa akin ang number niya!"

Tiningnan ng masama ni Gong Xu si Tang Xing Huo pagkatapos nitong magsalita. "Gusto mo ba mamatay, Tang Xing Huo?"

Nagulat si Tang Xing Huo noong humarap siya kay Gong Xu, na mukhang gutom na lobo na handang protektahan ang pagkain niya. "Bakit ang emosyonal mo? Hindi naman sa nililigawan ko ang asawa mo!"

Tiningnan siya ni Gong Xu. "Siya ang Little Candied Plum ko!"

Nagulat si Tang Xing Huo. "Anong sinabi mo?" Siya… siya si Little Candied Plum mo?"

Mabigat ang loob ni Ye Mu Fan noong hinatid niya si Ye Wan Wan kay Gong Xu.

Pabilis ng pabilis ang puso ni Gong Xu habang papalapit sa kanya ang babae. Naramdaman niya na tatalon sa labas ng dibdib niya ang kanyang puso at lilipad ito sa puso ng babae, nang makaharap niya na ang babae at si Ye Mu Fan.

Inakala niya na… na ang nararamdaman niya para kay Little Candied Plum noon ay kakaunti na lamang...

Pero napagtanto niya ngayon na muling nakita niya muli ang babae na hindi pala nawala ang nararamdaman niya para sa babaeng ito.

Dinala ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan kay Gong Xu at iritable niyang sinabi, "Nakita mo na ang tao. Pwede ka nang umalis at ipagpatuloy ang buhay mo!"

Pilit na iniisip ni Gong Xu kung paano niya sisimulan ang usapan nila pero biglang umentra si Ye Mu Fan sa kanya. Biglang nagsama ang tinatagong inis at nararamdaman niya sa oras na ito. "Gusto mong makipaglaban sa akin, Ye Mu Fan?!"

Ngumiti si Ye Mu Fan at inikot niya ang kanyang kamao. "Heh. Ayoko sana noong una eh, pero okay lang sa akin na samahan kita kung gusto mo."

Iritable si Ye Wan Wan nang tiningnan niya si Ye Mu Fan. "Kuya!"

Mabilis na tinago ni Ye Mu Fan ang kanyang pangil dahil sa babala ng kanyang kapatid. "Yung lokong ito ang gustonh makipaglaban sa akin…"

Parang kinidlatan si Gong Xu na kanina'y naghamon ng laban kay Ye Mu Fan kanina, noong narinig niyang tinawag ni Ye Wan Wan na "kuya" si Ye Mu Fan. "Ano… anong sinabi mo… kuya mo si Ye Mu Fan?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Oo, siya ang kuya ko."

avataravatar
Next chapter