637 Nakakatakot ba talaga siya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Saan…? Sa Dazzling Media?"

Ngumiti si Ye Mu Fan na may halong pangangamba. "Lilipat ako sa ibang kumpanya para maging alalay ulit? Tapos ang paglilipatan ko ay ang mortal na kaaway ng kumpanya ng pamilya natin?"

Manhid na sumagot si Ye Wan Wan, "Ano naman kung karibal na kumpanya nila ito?"

Napa-kunot si Ye Mu Fan. "Ah…"

Tama nga naman si Ye Wan Wan - ang kaaway ng kaaway ko ay ang kaibigan ko. Mainam na institution ang Worldwide kung ito ang pipiliin ko. Mas mabuti doon dahil hindi na ako papakialaman ni Ye Shao An at gayundin ang Shen family.

May problema nga lang...

"Wan Wan, wala ka pang kasanayan at napaka-bata pa ng isip mo - hindi ganoon ka-dali na makapasok sa Dazzling."

"Ang pinaka-mahina sa lahat ay ang Dazzling kung ikukumpara sa ibang sangay sa Worldwide, ngunit sila pa rin ay isang tanyag na kumpanya sa showbiz. Dalawang taon na naging mahusay ang Assembly of Stars Entertainment, ngunit kamakailan lang ay nasira ang pangalan nila noong nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan nila at ng Dazzling."

"Lalo na yung pinakabagong napili na director of talent recruitment, siya yung may misteryosong pagkakakilanlan. Nagawa niya ng maayos ang kanyang trabaho kahit baguhan pa lamang siya. Gamit ang kanyang matalas na pag-iisip at ang kakayanan niyang malaman ang hinaharap, pina-sikat muli niya ang isang lumang artista, siya ang nakakuha ng role na nagkakandarapang makuha ng maraming artista at pinatalsik niya ang direktor ng Dazzling na si Zhou Wen Bin, sa posisyon niya at siya ang kumuha ng titulong ito."

"Narinig ko ang balita na dahil dito, dumoble ang first quarter ng Dazzling kaya hindi na sila ang pinakamahina sa mga entertainment companies."

"Kapag mag-aapply ako sa posisyon na isang assistant lamang, tulad mo, baka makapasok ako. Madaling sabihin ngunit mahirap gawin na makakapasa ako sa interview ng manager na iyon kung mag-a-apply ako sa posisyon na stylist ng artista." Pilit na ngumiti si Ye Mu Fan at umling ang kanyang ulo. Makikita sa mukha niya na wala na siyang pag-asa.

Akala ni Ye Mu Fan na intern lamang bilang isang assistant si Ye Wan Wan sa Dazzling.

Kalmado lamang ang si Ye Wan Wan nang mapakinggan niya si Ye Mu Fan. "Nakakatakot ba talaga ang bagong direktor ng talent?"

Tiningnan siya ni Ye Mu Fan. "Hindi ba't nagta-trabaho ka sa Dazzling? Bakit hindi mo alam kung sino siya? Pero hindi ako nagtataka dahil alam ko na hindi mo makakausap ang tulad niyang nasa mataas na lebel."

Tumango si Ye Wan Wan at hindi na siya nagsinungaling, "Naghahanap ngayon ng mga stylist ang Dazzling at magkakaroon sila ng interview para sa posisyon na ito bukas; nagpasa na ako ng resumé mo doon kaya pumunta ka na lang doon bukas. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan 'di ba? Malay mo, matuwa siya sa talento mo at ipasok ka na niya agad sa trabaho, kahit hindi ka pa nag-interview 'di ba?"

"Paano mangyayari iyon…" umiling si Ye Mu Fan tinawanan niya si Ye Wan Wan. Naisip niya na baka pinapasaya lang siya ng kapatid niya.

Gusto sanang tumanggi ni Ye Mu Fan sa inaalok ng kanyang kapatid, pero ayaw niyang malungkot ang kanyang kapatid kaya pilit niyang sinabi na, "Sige na nga, susubukan ko ito bukas, pero 'wag ka masyadong aasa na makakapasok ako…"

Tumango si Ye Wan Wan. "O sige."

"Wan Wan…" tiningnan ni Ye Mu Fan ang nakababata niyang kapatid, pinipilit niyang magsalita ngunit kinagat niya ang kanyang dila.

"Ano?"

Yumuko si Ye Mu Fan at nagsisisi siya sa lahat ng nagawa niya kay Ye Wan Wan. "Pasensya ka na… kung hindi dahil sayo, buong buhay akong magpapaka-tanga… hindi ako naging matinong kuya sayo… wala akong pakialam at hindi kita pri-no-tektahan; hinayaan ko lang na ikaw, isang babae, ang mag-alala pa sa mga nagawa kong mali…"

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang kanyang kuya na dati ay malakas ang loob, ngayon ay mukhang nawala na ang kumpyansa niya sa sarili kaya bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "'Wag ka nang magpatayung-tayong diyan kung nalulungkot ka, Mu Fan. Simula ngayong araw, kailangan mo nang magtrabaho ng maigi at tigilan mo na ang pakikipag-karerahan, pagsusugal at tigilan mo na ang kakapasok sa maling mga relasyon."

Pilit na ngumiti si Ye Mu Fan. "Tingnan mo ang estado ko ngayon. Saan naman ako makakahanap ng pera para gawin pa ang mga bagay na iyon…?"

"Kapag may pera ka na ba, gagawin mo ulit ang mga bagay na iyon?"

"Hindi!"

"Sige, umuwi ka na at matulog ka ng maaga. Hihintayin ko ang magandang balita na galing sayo bukas, ha?"

"Sige." Sumagot ng nakatulala si Ye Mu Fan.

avataravatar
Next chapter