517 Nakakatakot ba talaga siya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinagabihan sa Jin garden:

Tinitigan ni Si Ye Han ang babaeng nakahiga sa kama. Nag-aalala ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang babaeng ito.

Ang kaninang eksena sa bar ay paulit-ulit niyang nakikita sa kanyang isipan...

Nakipaglaban ang babae hanggang sa mapagod siya at hindi niya pa alam na sumuko na pala ang katawan niya.

Ang hindi gumagalaw na maliit niyang mukha...

Bigla siya naging kalmado nang makita niya si Si Ye Han...

Para bang may kamay na may matulis na kuko ang mahigpit na pumipiga ang kanyang puso; naramdaman ni Si Ye Han ang nakakasakal na sakit sa kanyang dibdib...

Sa oras din na iyon, sa isang villa sa Imperial City:

Litong-lito si Xu Yi habang nakaupo siya sa harap ng computer screen.

May mga imahe na paisa-isang lumabas sa screen.

May baril at sariwang mga bulaklak...

Strawberry cake at almond cake…

Usok galing sa chimney na umaangat papunta sa napakaraming mga bituin...

Paulit-ulit na nagpakita ang mga imaheng ito sa screen.

At biglang may espesyal na paalala ang lumabas.

Lumilipad ang isip ng binata nang buksan niya ang kanyang email at binasa ang mga balita nang walang inaasahang bagong mababasa.

May video na naka-attach sa email. Magulo ang eksena sa video. Sa madilim na kapaligiran, may malabong imahe ng isang babaeng mabilis na gumagalaw. Ang babaeng ito at eksakto ang pag-atake at sakto ang bawat suntok niyang handang pumatay ng kahit sino. Sa huli, sinipa niya sa dibdib si Liu Ying at tumalsik ang lalaki sa ere dahil sa lakas ng pagkaka-sipa...

Biglang napa-tayo si Si Xia nang mapanood niya ang video. Lumaki ang kanyang kulay abong mata at hindi siya makapaniwala sa natunghayan niya, "Jie Jie…"

...

Ilang araw ang lumipas, kinaumagahan.

Sumikat ang araw sa pagitan ng mga dahon sa puno at tumama ito sa kulay ginintuang kwarto. Ang banayad na ihip ng hangin ay umihip sa mga dahon ng puno kaya maririnig ang mahinang kaluskos nito.

Tahimik na nakahiga ang babae sa malambot at kulay puting kobre-kama. Walang bahid ng dumi at napaka-inosente ng kayang mukha, maihahalintulad siya sa isang maselang bulaklak na nakatayo sa loob ng greenhouse, hindi niya kayang tumagal sa ilalim ng hangin at ulan.

Nagising si Ye Wan Wan sa sakit ng ulo.

Para bang may balisong na bumiyak sa kanyang ulo dahil sa malakas ang epekto ng kanyang hangover. Lubha ang nararamdaman niyang sakit sa ulo.

Punyeta...

Anong nangyari?

Paano ako nakauwi sa Jin garden?

Ang natatandaan ko lang kagabi ay...

Pumunta ako sa bar para hanapin si Jiang Yan Ran at pagkatapos ay parang may nakasalubong akong mga siraulo...

Pilit akong pinainom ng alak ng mga taong iyon hanggang sa lalamunan ko...

Tapos… hindi ko na matandaan kung anong nangyari pagkatapos nun...

Saan kaya si Si Ye Han?

Napagtanto ni Ye Wan Wan na wala pala siyang kasama sa kwarto kaya bumaba siya ng kama at hinaplos niya ang masakit niyang ulo.

Pagkaupo ni Ye Wan Wan, muntikan na siyang mahulog ng una ulo sa lapag.

Ay, p***!

Anong nangyayari?

Ramdam niya ang katawan niya ay tumakbo sa buong Imperial City sa loob ng isang gabi. Hindi niya maramdaman ang kanyang binti sa sobrang sakit ng kanyang mga kalamnan. Kahit ang simpleng pagtaas ng kanyang tuhod ay napapakaskas siya ng ngipin sa sobrang sakit.

Punyeta...

Anong ginawa ko kagabi? Paano ako nabugbog ng ganito kalala?

Nagtataka si Ye Wan Wan. Ginamit niya ang gilid na kama bilang suporta, habang unti-unti siyang lumalabas ng kwarto.

Pagkatapos ng lahat ng paghihirap niya, sa wakas ay nakaabot na siya sa pintuan at dahan-dahan niyang inunat ang kanyang kamay para itulak pabukas ang pintuan.

May dalawang guwardiyang nagdadaldalan pagkabukas niya ng pintuan.

Kaya mabilis niyang tinanong ang dalawa kung nasaan si Si Ye Han, "Er… matanong ko lang, nasaan si…"

Nanigas ang katawan ng dalawang guwardiya nang makita nila si Ye Wan Wan. Kakabukas pa lamang ng bunganga ni Ye Wan Wan ngunit, parang nakakita sila ng aswang nang masilayan nila ang babae. Takot na takot at parang nakakita ng maligno ang dalawa nang mapatayo sila ng tuwid. Matapos silang sumigaw ng "ow," ang dalawa ay tumakbo sa sobrang takot hanggang sa mawala na sila…

Uh, saan… si master niyo...

Dahil doon, hindi na natapos ni Ye Wan Wan ang sinabi niya. Nanigas siya habang nakataas ang dalawang kamay niya at kumibo ang kanyang mga labi.

Anong pinaparating nila?

Nakakatakot ba ako?

avataravatar
Next chapter