735 Nakakagulat na kinalabasan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Saktan ninyo hanggang mamatay!" ang ginoo ang unang nakabalik sa kanyang katinuan at kaagad na sumigaw.

Nang marinig ang utos, dosena ng kabataan ang sumugod kay Ye Wan Wan at pinaligiran si Ye Wan Wan.

Malamig ang tingin ni Ye Wan Wan sa mga taong nakapaligid sa kanyan ng walang kahit anong pagbabagp sa kanyang tingin.

"PATAYIN SIYA!" tinakpan ng ginang ang kanyang namamagang oisnge at sumigaw.

Lakas talaga ng loob ng babaeng ito na saktan ako!

Sa sandaling iyon, ang mga demonyo at halimaw ay sinubukang sumugod kay Ye Wan Wan.

Gayunpaman, bago pa nila dumapo ang kanilang kamay ka Ye Wan Wan, dosena ng tao ang biglang sumugod sa kwarto.

Sumugod sa kwarto sina Eleven, Feng Xuanyi at higit sa sampung gwardiya ng Dark Team at nakatingin sa mga taong nakapaligid kay Ye Wan Wan.

Nandilim ang mukha ni Eleven. Ang kwarto niya ay nasa tabi lang ni Ye Wan Wan at ng marinig niya ang isang kaguluhan kanina, nakaramdam siya na may hindi tama, kaya dinala niya ang kanyang mga tauhan at nagmadaling pumunta. Gayunpaman, hindi niya inaasahan iyon… maaaring ito ang nakakainis na mag-asawa mula sa eroplano na may kasama ngayon.

"NAGTATAWAG BA KAYO NG KAMATAYAN?!" Angal ni Eleven.

Nakita ng lalaki ang mga tao na sumusugod sa may kwarto at talagang walang takot. Sa halip, siya ay tumawa, "nagtatawag ng kamatayan? Sa tingin ko lahat kayong basura ang nagtatawag ng kamatayan - ito ay Myanmar H city! Teritoryo ko ito! Sino ka ba sa tingin mo?! Kung ikaw ay dragon, dapat kang yumuko sa akin; kung ikaw ay tigre, dapat kang humiga para sa akin!"

Ang mga binatang kasama ng ginoo ay tumingin kay Eleven at sa iba pa at kinutya sila.

Itong grupo ng mga tangang duyahan ay walang alam kung sino ang ginoo na ito - siya ang sinasabing ispiya na inatas ng housekeeper Xu Yi mula sa pamilyang Si sa bansang Z; siya ay mayroong kapangyarihan sa H city.

Itong grupo ng mga dayuhan ay hindi papalarin. Sa lahat ng tao, napili nilang galitin itong ginoo na ito. Hindi ba sila ang nagtatawag ng kamatayan, huh?

Nanliit ang mata ni Eleven. Tumigin siya sa ginoo at nagdilima nag kanyang itsura.

"BUGBUGIN NINYO SILA!"

Hindi pinansin ni Eleven ang lahat habang kasama ang mga gwardiya ng Dark Team at sumugod patungo sa kanilang kalaban.

Sumailalim ang mga gwardiya ng Dark Team ito sa traning habang ang mga batang gangster ay mga tambay lang. Talagang hindi nila papigilan ang mga gwardiya ng Dark Team.

Bago mag kalahating minuto, ang mga gangster na iyon ay nasa lapag at umaangal sa sakit; wala ng paraan pa para magkaroon sila ng kahit onting pagkayabang ngayon.

Nang makita ang isang dosena ng tao ang nakahandusay sa isang iglap lang, ang tuwa sa mga ngiti ng mag-asawa at kaagad na nagyelo at nabasag.

"Sanay silang lahat?"

Nagulat ang ginoo. Ang bawat isa sa kanilang kaaway ay dalubhasa habang nag dala siya ng isang grupo ng gangster. Sila ay ganap na nakadapa sa lupa at walang kakayahang lumaban pa, paano pa ang pagrerebelde….

Sa sandaling iyon, sumigaw sa kanila ang ginang na may mataas na tono. "Mga bulag kayong! Kabilang kami sa pamilyang Si mula sa country Z. subukan ninyong galawin kami!"

Nang sandaling umalingangaw ang boses ng babae…

Nagulat si Eleven at ang iba.

Country Z…

Pamilyang Si?!

Sa tingin ng babae na ang pangalan ng pamilyang Si ay nasasakupan si Eleven at ang iba. Kaagad niyang inangat ang kanyang baba patungo sa ginoo na nasisiyahan.

Bumalik ang yabang na mayroon ang ginoo at kinutya si Eleven, "wala akong pakialam kung sino kayo. Hanggat ginagalit ninyo ako, walang magiging magandang kapalaran para sa iyo!"

Gayunpaman, tumingin si Eleven at ang iba sa mag-asawang ito ng may nakakatawang itsura.

Pati si Ye Wan Wan ay nagulat sa sinabing pangalan ng kabilang partido.

avataravatar
Next chapter